YJ's point of viewTahimik ako habang nakikinig sa kwento ni Jethro sa akin. Nasa dining table kami ngayon at katatapos lang kumain. Nagliligpit ngayon ang mga girls kasama sila Levi at Recii sa kusina. Nagpapatay malisya nalang ako tuwing tinatanong ako ng pinsan ko kung bakit hindi ulit kami nagpapansinan ni Recii.
I can't believe Recii said that! He's in love with me? Is that even possible? No! Hindi niya naman sinabing in love siya sa akin. Ang sabi lang niya ay nahuhulog na siya sa akin.
But that's exactly the same! Hindi ako makahanap ng sagot o paliwanag kung bakit ako nagustuhan ni Recii. Wala naman akong pinakitang special para magustuhan niya.
We're cousins and at the same time both guy!
Tinapik ni Jethro ang pisngi ko. "Hey, are you listening?"
Kumurap kurap ako. "Huh?"
Saktong dumaan si Recii sa harap namin para kunin 'yong natitirang baso. Alertong sinundan ko siya ng tingin hanggang sa bumalik siya ng kusina.
"May away kayo ni Recii?
"Wala." Maikli kong sagot.
"Don't know what happened but... May napapansin ako..." Nanliit ang mga mata niya.
Halos manginig ako sa sinabi ni Jethro. Nanliliit ang mga mata niya na nakatitig sa akin. He's keen! Napansin ko na ito sa kanya dati. Nag e-enjoy siyang mag obserba ng mga nasa paligid niya.
"A-ano?"
Umiling siya at tumawa. Hanggang sa matapos siyang mag kwento ay hindi naalis ang ngiti niya. I don't know but I'm kinda nervous about him.
Kinagabihan ay nanuod lang ulit kami ng horror hanggang sa natapos. Akala ko nga ay matutulog na agad ngunit nag decide sila Fernand na mag inuman muna since bukas ay uuwi na din daw kami.
"Feeling ko hindi ko na enjoy ang pag stay dito." Si Angel habang iniinom ang shot niya.
"I agree." Tumango si Joy. "Wala man lang ka signal signal dito!"
"I told you, people, wala talagang signal dito." Utas ni Levi na katabi ni Fernand.
"Sana next sa surigao tayo. Maganda daw doon."
Nag agree kami kay Sheryl.
"Makikita mo na ulit yong pinapormahan mo, Recii." Ani ng lasing na si Carix.
"Shut up." Umirap si Recii dito at inabot ang binigay ni Jacob na shot na para sa kanya.
Kumunot ang noo ko. This is the second time na sinabi ito ni Carix na may pinopormahan daw si Recii. Baka totoo? Ngumuso ako.
"Sus, deny pa!" Tumawa ito. Tumawa din ang ilan sa mga pinsan ko.
"Oo nga pala, criminology pala course mo." Tumango tango si Jose.
"Ang sabihin mo, Carix, inggit ka lang!" Ani Jacob.
Ngumiwi si Carix dito. "Trip mo ako, noh? Kaninang umaga kapa."
Nag angat ako ng tingin kay Recii. Sa aming mag pipinsan ay siya lang ang medyo matino-tino pa. Syempre, pati ako dahil hindi naman ako masyadong uminom sa gabing ito at dinadaya ko ang shot ko.
Hindi ko maipagkakailang sa aming lahat siya ang may pinakamagandang features, idagdag pa na matangkad siya at moreno. And I'm sure maraming magkakandarapang babae sa kanya. He's kind, and sweet at the same time, iyon nga lang ay lagi niyang de-ni-deny na pinsan niya kami.
"He's drunk..."
"Huh?" Tumingin ako sa katabi kong si Jethro.
"Si Recii, lasing na." Aniya at tumingin sa akin bago ngumisi.
BINABASA MO ANG
Cake To be With You (bl novel)
Novela JuvenilTahimik, Payapa, at Kontento ang buhay ni YJ. Tahimik dahil wala na siyang mahihiling pa. Payapa dahil kahit makulit at maingay ang mga pinsan niya ay mababait at sobrang close naman sila sa isat isa. At higit sa lahat kontento dahil kahit hindi pa...