𝑰𝑰. 𝑩𝒊𝒕𝒕𝒆𝒓 𝑫𝒊𝒏𝒏𝒆𝒓

228 11 2
                                    

TASTE OF HER VENOM
Chapter 2: Bitter Dinner






I was welcomed by our family's trusted butler as soon as I entered the mansion. Nang tuluyang makapasok sa dining hall ay naabutan kong tahimik na naghihintay na silang lahat. The first person whom I made eye contact was my youngest sister. Ramdam kong gusto niya akong salubungin ng yakap pero hindi pupwede because it's not set on mom's table etiquette. What a shitty household rule is that?

"What's up, parents and sisters?" pinilit kong ngumiti kahit ramdam na ramdam ko na ang bigat ng atmosphere sa tinginan pa lang nila. The dinner hasn't started yet but it already feels excruciating in here. What worst could I get except this dinner? This is not helping my situation at all.

"You're five minutes late again and again, Cazzidy" my mom spoke firmly which sent a cold welcome to me.

"I'm sorry, mom. Alam mo namang—"

"Nothing changed, Cazzidy. You're still irresponsible kahit anong paliwanag ang gawin mo"

Napatingin ako kay dad at ate na parehas walang masabi. Well, ano bang bago? Ako lang 'to ang bastardang Constello.

Hindi na lang ako kumibo dahil wala rin namang mangyayari at tahimik na umupo sa pagitan ni Ellery at ng bunso namin. Pati upuan dito ay may kanya-kanya kaming pwesto, hindi pwedeng magkapalitan kase parte rin ng rules ni mommy 'yon. Hindi na talaga sumaya ang pamilyang 'to.

Tahimik kong pinanood ang magkakasunod-sunod na paglabas ng mga katiwala namin dala ang hindi bababa sa sampung putahe. Akala mo may enggrandeng okasyon para magpaluto ng ganyang karami tapos hindi rin naman mauubos. They're just wasting their money on that eh wala rin namang sense 'tong dinner na magaganap.

We started off the dinner in silence. Kahit ingay ng mga kubyertos ay hindi madidinig dahil pati 'yon ay parte ng table manners dito. Oh gosh, can someone please save us from my mother?

Sobrang tahimik ng lahat nang biglang magsalita si mommy. "So I have heard na may tinanggal ka raw sa trabaho, Ellery?"

I looked up to her at mukhang kakatapos niya lang kumain. Tumingin din sa kanya si Ellery pero nagpunas muna ito ng labi bago sumagot.

I mentally rolled my eyes, pansin na pansin ang pagiging kalkulado niya sa bawat kilos.

"Yes, mom. Someone caught the bastard cheating on his wife with the new employee and it has been happening about three months now" tugon nito na bahagyang nagpagulat sa'kin.

Hanep caught in 4k.

"Then that's good. They deserve to rot in hell" our mom retorted eloquently while side-eyeing dad.

Tuluyang nawala na ang atensyon ko sa kinakain dahil sa usapan nila. Libreng chismis, mainit-init pa. Hindi ko na pala kailangang magbukas ng socmed para sa mga bagong issue, rito pa lang sa bahay ay may maiinit ng balita.

"If you need to ban the crooks sa lahat ng companies then do it. Let them have their karmas" muling utos ni mommy habang si dad ay matamang nakikinig lang. Sapaw na sapaw yung mismong may-ari.

Cassandra - 1
Siegfried - 0

Maya-maya ay nadako ang tingin ni mommy sa'kin kaya mabilis kong ibinalik ang tingin sa plato ko at ngumuya nang ngumuya. Ayokong matanong ng kung ano-ano.

"How about you, Caz..." biglang uminit ang pwetan ko dahil sa nadinig. Hayop mukhang hindi ligtas for today's video. Tahimik ko tuloy na nahiling na sana mabulunan na lang ako.

𝐓𝐀𝐒𝐓𝐄 𝐎𝐅 𝐇𝐄𝐑 𝐕𝐄𝐍𝐎𝐌 [Slow Updates]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon