𝑰𝑽. 𝑭𝒓𝒖𝒊𝒕𝒚

171 9 3
                                    

TASTE OF HER VENOM
Chapter 4: Fruity








"Professor Del Valle"

"What happened?" tanong nito na may bahid ng pag-aalala kaya napasimangot ako.

"Tell me, imagination lang kita" I queried, my eyes are still bit fuzzy.

"I can't believe you're this stupid, Constello" nakalukot ang pagmumukha nitong bulalas.

Kahit pala sa imagination ay masungit ang babaeng 'to?

It took me forever before I gained back my senses. Walang pakundangang napabangon ako at napatingin sa paligid at nandito pa rin naman ako sa highway.

"What are you doing?" muling nagsalita si Professor Del Valle nung nagsimula akong maglakad kaya kunot ang noong ibinalik ko ang tingin sa kanya.

It wasn't an imagination at all. She's really here suot ang isang long midnight dress, mukhang galing sa isang event or what.

"I'm going home" walang lingong likod kong tugon.

"Do you think you can drive like that?" tanong nito habang nakasunod sa likuran ko.

"I can handle myself, miss" I stubbornly replied.

"No, you can't. Look at you, muntikan ka nang mabugbog dito kung hindi pa ako napadaan"

"Oh you care about me now, professor?" sagot ko.

"Bakit ba ang tigas-tigas ng ulo mo?"

I bypassed her at binuksan yung pinto ng kotse ko habang iiling-iling.

"Constello"

"What the—"

Hinawakan niya yung kamay ko sabay padabog na sinaraduhan yung pinto ng kotse ko.

"I won't allow you to go home like that. Kailangan magamot ng sugat mo" sabi nito at hinila ako papunta sa kotse niya.

I didn't resist from her grip habang hinihila niya ako dahil sa halong pagkabigla at pagkahilo. Tahimik akong sumakay sa shotgun seat habang siya ay may hinahanap sa glove compartment box until she drew a box of medkit out of it.

Mula sa medkit box ay may mga kinuha siya roong panglinis ng sugat ko pero agad ko siyang pinigilan.

"You don't need to do this, really. Kaya kong gamutin ang sarili ko. I don't even know what are you doing? Akala ko ba ayaw mo sa'kin?" diretsahan kong sabi.

"What?? Constello, as far as I can remember, I didn't say that. Ang sabi ko ayoko sa mga estudyanteng tamad at matitigas ang ulo katulad mo"

"Ganon na rin yun, ma'am. You make me as your example, hindi mo na lang dinirektang— aww! Why did you do that??" bigla niyang diniinan yung bulak na may betadine sa sugat ko.

"Stop blabbering things and behave" malamig na utos nito at ipinagpatuloy ang ginagawa niya sa mukha ko.

I did what she say and stayed silent the entire moment she was disinfecting my wound. The fruity scents coming from her also helped me to soothe myself bit by bit.

"What's your perfume, professor? You smell so sweet" I commented breaking the silence that succumbed us kanina pa.

Hindi muna siya sumagot at pinilit tapusin yung ginagawa niya bago tiningnan ako nang diretso sa mga mata.

"Why are you so random? Ikaw nga amoy alak tinanong ba kita kung bakit ka uminom?" she mumbled before rolling her eyes.

Damn. What an attitude she got?

𝐓𝐀𝐒𝐓𝐄 𝐎𝐅 𝐇𝐄𝐑 𝐕𝐄𝐍𝐎𝐌 [Slow Updates]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon