𝑰𝑰𝑰. 𝑫𝒊𝒔𝒕𝒂𝒔𝒕𝒆

178 11 3
                                    

TASTE OF HER VENOM
Chapter 3: Distaste







"Cazzidy, this is where I'm sitting"

"I know kaya nga pinapalipat kita sa tabi ni Devin. Crush mo yun 'di ba?" napansin ko ang pamumula ng pisngi ni Geraldine nang banggitin ko yun. Halos lahat naman dito ay alam na may gusto siya sa pinsan ko kaya hindi ko maintindihan kung ano pang inaarte-arte niya.

"Sige na nga" saad niya at agad na tumayo.

Since I entered this classroom, hindi ko na tinantanan si Geraldine na makipagpalit ng upuan. After what happened between me and Devin last Monday ay iniwasan ko na rin ito. Bukod sa palipat-lipat ako ng upuan para lang hindi ko siya makatabi ay hindi na rin muna ako nasama sa kanilang tatlo.

Pinanood kong maglakad ito sa pwesto ni Devin. They conversed for seconds before they both put their eyes on me.

Mabilis naman akong umiwas ng tingin at kunwari'y isinalpak ang airpod sa tenga ko.

It didn't take long before Professor Del Valle walked in with two other boys following her dala-dala ang laptop niya at iba pang gamit.

It's been her third day habilitating us and I could say that she really disgusts lazy students. Tatlong araw pa lang kami sa mga kamay niya pero ramdam na ramdam na ang hagupit ng bagyong Zera. Napagalitan niya pa nga ako nung second day niya dahil nalate ako ng seven minutes sa klase niya. Kung ibabase sa rules ay considered absent na ako nun yet she gave me another chance pero winarningan na niya ako kaya ito at maaga ulit akong pumasok kahit antok na antok pa ako.

"Thank you" dinig naming sambit nito sa dalawang lalaki pero ni hindi magawang ngumiti man lang.

Sobrang tahimik ng lahat dahil alam namin kung gaano kastrikto ang isang 'to pero yung dalawang naghatid sa kanya ay mukhang walang kaalam-alam sa totoong ugali niya.

"You're always welcome, ma'am ganda. Kahit araw-araw ko kayong ihatid ayos lang" pagpapacute nung isa.

Ampota kaaga-aga kalandian agad ang pinapairal.

"Me too, prof. Sayang talaga at hindi namin kayo naging instructor. Palagi sana kayong hatid sundo sa'min" singit nung isa at ngumiti pa na akala mo isang ordinaryong estudyante lang ang kinakausap nila.

"Thank you again, students. You two may go now" sabi ni ma'am na hindi iniintindi yung sinasabi ng dalawa at talagang ipinagdiinan pa yung salitang students.

"Okay, have a great morning, everyone" she greeted us before opening her laptop.

"We're going to have our first lesson today and please be prepared, magkakaroon kayo ng short quiz after this" anunsyo nito habang may tinitingnan sa screen ng laptop niya.

We had our attendance first before proceeding in the lesson. Habang naglelecture siya ay hindi ko maiwasang hindi antukin. I kept guarding my wristwatch but I can't understand why the time moves painfully slow. Para bang sa lahat ng subject na meron kami ay Art Appreciation pa talaga ang pinakamatagal.

The professor was writing something on the board kaya habang hindi pa siya humaharap ay kinuha ko ang oras na yun para kulitin yung katabi ko.

"Pssst, Shanie" sitsit ko rito kaya agad siyang napatingin.

"What do you want, Constello?" masungit nitong tanong.

"May assignment ka na sa lit?" I replied which gained an arc eyebrow from her.

"I have but don't think I'd let you copy it" sabi nito sabay irap at muling ibinalik ang tingin sa harapan.

Sinubukan ko ulit siyang kulitin pero hindi na niya ako inintindi kaya yung nasa harapan ko na lang ang ginulo ko.

𝐓𝐀𝐒𝐓𝐄 𝐎𝐅 𝐇𝐄𝐑 𝐕𝐄𝐍𝐎𝐌 [Slow Updates]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon