Chapter 03: Team Practice
Karedlian Nathel Whine's POV
‘kringggggggggg!!!!!....’
Nagising ako sa tunog ng alarm ko
oo nga pala nag pa-alarm ako ng 5 am dahil sabi ni Sir Meran ay dapat maaga kami mag simula sa practice namin ngayon dahil hindi kami nag practice kahapon
kung pinigilan lang sana nila iyong dalawa ay hindi sana ito mangyayari
sinasadya niya ba ito? T_T
Nagtungo na ako sa CR para maligo at gawin ang morning routine ko
As I stare at the mirror, I can't help but remember my parents, I have red hair just like my dad and the freckles and green eyes from my mom
I miss my mom and dad.
“gising red, may practice ngayon, baka malate ka ulit, hindi ka pwede tumunganga lang sa harap ng salamin.” asik ko sa sarili ko dahil parang mas mahaba pa ang oras sa pagtingin ko sa salamin kesa sa paghanda
Pagkatapos ko gawin ang morning routine ko ay nagbihis na ako sa tracksuit ko bago umalis ng dorm, It's a gray Seamless Jumpsuit na V neck na may mga black pattern, comfortable ito gamitin, meron din itong kasama na jacket na sinuot ko muna, itatanggal ko nalang if mag pra-practice na
Sa oresden kasi, pag nag simula ka na mag-training bilang hero bawal kana lumabas, kaya may dorm dito sa oresden, pati nadin hospital, malls at iba't ibang building na kakailanganin namin, parang town na nga itong Oresden, May malalaking walls lang ang nakapalibot dito, Hindi pwede makapasok dito ang walang pahintulot.
Sa gitna ng Oresden ay makikita ang Statue ng dalawang heroes, ang parents ni Kentlee!
sila din ngayon ang namamahala sa Oresden, simula nung mawala na dito sa mundo ang founder.
Lumingon naman ako sa kilid ng may makitang grupo ng mga military, sila naman yung mga walang abilities pero under sa Oresden, bale sila yung mga bumaback-up sa mga grupo-grupo.
Dumiretso na ako sa Training grounds, doon daw kase kami magkikita, ang training grounds ang isa sa pinakamalaki na building dito sa Oresden dahil doon nag pra-practice ang mga Teams
Nag sulat muna ako sa pangalan ko at signature sa lobby tanda na pumasok ako rito, binigay ko naman yung I.D ko para i-scan doon sa machine na nag co-comfirm na taga Oresden ako.
Tumunog naman iyon at binigay na saakin ng receptionist ang I.D ko.
Tsaka tinuro saakin yung elevator, ang gagamitin kasi namin na grounds ay yung AA7, nasa 7th floor
nag bow naman ako sa receptionist bago pumasok sa elevator.
Transparent iyong elevator so nakikita ko bawat floor yung mga grupo na nag-pra-practice
Nung marating ko ang 7th floor, bumungad saakin ang napaka-laking field, para kang nasa soccer field pero ang totoo ay nasa loob ka lamang ng isang building
diko alam na ang laki pala
“paborito siguro tayo ni Sir Jack kaya pinahiram saatin ang isa sa pinaka-malaking training ground.” asik ni Leonard na nandito na pala
“paborito o...” asik ko at nilingon si Kentlee na nandito na, naka lean lamang siya sa wall at nakapikit na parang wala kami
natawa nalang si leonard sa sinabi ko.
aside kay leonard at kentlee, nandito nadin pala si RenchilSi Mitchell, Conard, at yung dalawa ay wala pa dito
napaaga ata ako or sadyang late lang sila
“Goodmorning sainyo.” bati ko sakanila
BINABASA MO ANG
Oresden Heroes #1: BRAVE
Science FictionAre you ready to go on a journey and fight Monsters with the Oresden Heroes, A.K.A Team OR87? Karedlian Nathel Whine, known as Red, is a Kind, Generous and Attentive Person. She joined the Oresden Hero Organization not just because she had kinesis a...