Chapter 11

11 7 0
                                    

Chapter 11: Kanto Conciento (Day 2)

Karedlian Nathel Whine's POV

PANGALAWANG araw na namin ngayon sa aming misyon. Bukod sa nangyari sakin kahapon ay wala ng nangyari kundi kay Mitchell at Renchil na patuloy lang ang pag-aasaran.

Ano bang meron sa dalawa at tuloy-tuloy ang asaran.

Pagkatapos naming magpahinga kahapon ay bumalik kami ngunit hindi ko na nakita ang babae. Ngayong araw naman ay susubukan lang namin magmasid sa lugar. Meron nang naka-assign na lugar sa amin at magisa lamang kami.

Nakatago lamang ako sa sanga ng mataas na puno at pinagmamasdan ang paligid. Maganda ang ihip ng hangin at makikita ang mga bundok. Hindi ko maiwasang magbalik-tanaw sa mga araw na laro nang laro lang ako sa labas ng bahay namin. Hindi naman kami sa gitna ng bukid nakatira pero maganda din ang ihip ng hangin doon at maaamoy mo talaga ang simoy ng bukid.

Kulang nalang ay magpa-music ako sa sobrang peaceful pero bawal ako madistract since nasa mission parin naman ako.

Curious parin ako if ever makikita ko ‘yong babae, sobrang ganda niya, iyong tipo ng ganda na gusto mo araw-araw makikita, napaka-unique.

Chineck ko naman ang bagong Ores Watch ko, sa sobrang nerbyos ni Arkia ay tumawag siya sa HQ kahapon para padalhan ako ng bagong Ores Watch, sinabihan pa siya ng department wala naman daw problema sa watch ko ngunit nagpumilit pa talaga siya. Hindi ko rin naman siya masisi, as someone from techno division, siya ang naka-assign saamin sa mga ganito, sisisihin niya sarili niya pag may nangyaring mali.

Nagtaka naman ako ng biglang natumba ang basurahan na malapit saakin, iyon pala ay pusa lamang, ngunit naalala ko nanaman iyong refrigerator kahapon dahil sa dala-dala ng pusa sa bunganga niya, lamang loob ng hayop.

Nireport ko rin kahapon kay Lailac ang suspicious na dami ng lamang-loob dito sa village, halos lahat ata ng bahay rito ay may lamang-loob ng hayop.

Sinundan ko kung saang patungo ang pusa ngunit nagulat ako ng bigla itong nahulog sa may damuhan, parang normal lang ito na damuhan ngunit nahulog dito ang pusa. Agad ko naman itong nireport kay Lailac.

“May hideout ata dito” saad ko rito

“Subukan mong pasukin, papapuntahin ko ang iba dyan” respond nito saakin, tumango naman ako.

May cctv sila Lailac at Arkia para makita ang nangyayari ngunit minsan ay hindi nito nakikita ang buong paligid.

“open your cam, Red” rinig kong asik ni Lailac sa earpiece ko na siyang sinunod ko.

In-open ko ang Ores Watch ko, may maliit na pin roon na kinuha ko at inipit ko sa may damit ko para makita nila ang point of view ko. Pagkatapos kong mailagay iyon ay in-on ko na at nagsimulang maglakad doon sa pinagtunguhan ng pusa.

Sinubukan kong inalis ang mga damo at tama nga ako may hideout rito at hindi ito nakikita dahil sa mga damo, hindi rin ito agad-agad madadaanan ng iba dahil nasa likod ito ng isang bahay.

Pumasok ako roon ng dahan-dahan. Hangga’t sa maaari ay hindi ko sinusubukang gumawa ng ingay dahil hindi ko alam kung sino ang makakalaban ko.

Malalim ang aking paghinga at malakas ang kabog ng aking dibdib, sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Ang isa talaga sa ayoko sa sarili ko ay kinakabahan ako masyado.

Nilabas ko si Naki sa belt-bag, kahit nanginginig ako ay mahigpit ang pagkahawak ko kay Naki.

Dire-diretso lang ang lakad ko, masyadong maputik ang daan ngunit hindi ko ito pinansin. Nakita kong malapit na ako sa pinaka-dulo, may nakikita na ako ritong bakal na pinto at kaunting naka-bukas.

Oresden Heroes #1: BRAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon