Chapter 09: Meet
‘3rd Person POV’
Nagkakagulo ang mga tao sa isang lugar na hindi basta-basta makikita ng lahat ngunit mga tao nga ba talaga sila?
Hindi magkamawi at mabilis na nagsisigalawan ang mga nilalang naito o kilala sa tawag na alien.
Dumating na ang araw na pinaka-hihintay nila, halos siyam na taon nila itong hinintay, isa ito sa pinakamalaking plano nila na pabagsakin ang planetang earth.
“⌿⍜⌇⟟⏁⟟⍜⋏!” (“position!”) Saad ng isang nilalang sa kanilang wika. Siya ang tila leader sakanila. Sinesenyasan nito ang mga kasamang magsipunta na sakanilang posisyon dahil magsisimula na.
Nagsi-puntahan ang mga nilalang sa kanilang mga pwesto at sa hindi malamang dahilan ay kinakabahan ang mga ito habang nasasabik din na makita kung ano ang mangyayari.
Lumabas ang isang malaking numero sa malaking screen.
5…..
4…..
3…..
2….
1…
Sa pagbilang ng 1 ay kanya kanyang nagsipindutan ang mga nilalang sakanilang mga teknolohiya na mas advance sa teknolohiya ng mga tao.
Nawala ang bilang sa malaking screen at nagsi-patayan lahat ang ilaw, akala ng mga nilalang na’to ay may maling nangyari ngunit sa ilang segundong lumipas ay biglang mahinang bumukas ang malaking pinto sa harapan at naglabas ng usok. Sa hindi malamang dahilan ay nagsilipadan bigla lahat ang mga ibon at biglang nagpula ang langit.
Iniluwa nito ang isang malaking glass capsule na halatang matagal ng nandoon, nasa loob nito ang isang babae na mahaba ang buhok na abot tuhod na nito.
Nakapikit ito na tila natutulog at wala itong suot, matangkad ito at maputi.
Mahinang naglakad papalapit ang mga nilalang, takot na may mangyaring masama kung lalapit ang mga ito ngunit namuno ang kuryosidad sa kanilang mukha.
Ilang segundo ang lumipas at bumukas ang mata nang babae at nag-singhapan ang mga nilalang sa gulat, ang ilan sakanila ay nag-tago.
Tila takot ang mga ito sakanya sa di malamang dahilan kahit tao ito at isa silang alien.
Tinitigan ng babae ang mga nilalang, bumalik ang mga alaala sakanya bago matalim na tinitigan ang mga nilalang na ito.
Nagsigalawan naman agad ang mga nilalang at may pinindot-pindot sa kanilang mga computer na siyang nag bukas sa capsule para makalabas ang babae.
Lumabas ang babae sa capsule, ang nilalang na tila leader ng mga alien kanina na namuno ay kaagad na lumapit sa babae at may dala-dalang damit.
“Maligayang pagbabalik, Madame Lucille” Aniya ng nilalang na nakakapagsalita ng wika ng mga tao
Ang iba sa mga alien na nasa loob ng lugar ay hindi naiintindihan at ang iba naman ay kaunti pa lamang ang alam sa lenggwahe ng mga tao.
“Maligaya?” Patanong na saad ng babae na nagngangalang Lucille.
Agad na lumuhod ang nilalang tila natakot sa tono ng babae, hindi nito alam kung anong maling sinabi niya
“patawad Madame Lucille” saad ng nilalang kahit hindi nito alam bakit
“tsk” iyon nalang ang naging tugon ng babae at isinuot ang damit na dala ng nilalang bago magsimula itong maglakad at nilibot ang lugar.
Walang sumunod sa kanya at hinayaan lang ito bagkos walang may balak na tingnan siya o kausapin.
Malalim ang pag-iisip ng babae pero isa lang ang sigurado ng iba, galit ito.
BINABASA MO ANG
Oresden Heroes #1: BRAVE
Science FictionAre you ready to go on a journey and fight Monsters with the Oresden Heroes, A.K.A Team OR87? Karedlian Nathel Whine, known as Red, is a Kind, Generous and Attentive Person. She joined the Oresden Hero Organization not just because she had kinesis a...