Chapter 10: Kanto Conciento (Day 1)
WARNING: This chapter contains content that may be disturbing or harmful to some audiences. This includes mention of blood, death and strong language. Reader discretion is advised.
Karedlian Nathel Whine's POV
KASALUKUYAN kaming nasa aircraft patungo sa lokasyon ng bago naming misyon. Nasa kama lamang ako ng kwarto ng mga babae at hinahanda ang mga kakailanganin ko.
“Meeting” Saad ni Lailac at lumabas ng kwarto, sumunod naman ako rito.
Nakita ko ang mga kasama ko na kumpleto na at ako nalang ang kulang kaya naupo na ako sa isa sa mga couch. Nasa harap namin ang isang whiteboard na may nakadikit na mapa. Yun yung lokasyon na pupuntahan namin para saaming bagong misyon.
“So based on Arkia’s observation, It's a big area so we plan on hatiin kayo, naremember niyo pa ba yung practice natin na dalawa-dalawa?” asik ni Lailac na tinanguan naman namin
Iyon ang first practice namin after sa away ni Arkia at Lailac, nakakatawa nga dahil ngayon ay halos hindi na sila mapag-hiwalay ang dalawa, sila lang din kasi minsan ang nagkakaintindihan.
“Yung kasama niyo sa practice dati ay makakasama niyo sa paginbestiga” dagdag nito ng tumango kami, napalingon naman ako kay Renchil na nilingon din ako, kinindatan pa ako nito na inirapan ko lang.
“There are three routes on this place so bawat ruta ay may pares, Red and Renchil sa South kayo, Mitchell and Kentlee West, Leonard and Conard sa center kayo dederetso, gets ba?” asik ni Lailac at may tinuro-turo sa mapa sa kung saang parte ang aming pupuntahan. Tinanguan naman namin ang kanyang tanong.
“As soon as we arrive, we will immediately begin, pag-aralan niyo lang ang lugar and report any suspicious movements immediately, no matter how small it is.” Saad nito,
“Yes ma'am!” sagot namin ni Renchil, kami lang atang dalawa ang may energy.
“Come on guys, energy naman” Saad ni Renchil, “More passion, more energy” dagdag nito na sumayaw pa
“Grabe, ano kaya nakain niya, 6 am palang oh” saad ni Mitchell tila hindi siya naririnig ni Renchil
“Narinig ko ‘yon ha!” saad ni Renchil kay Mitchell
Heto na naman silang dalawa
“Sinadya ko ‘yon ulol!”
Naghabulan naman ang dalawa sa loob ng aircraft, pinabayaan nalang namin silang dalawa.
“Gusto mo coffee?” tanong saakin ni Leonard na may hawak na kape.
Umiling naman ako, “Ayoko maging nerbyosa noh” tinawanan lang nito ang itinuran ko at hindi na umimik.
Ang dalawa na kanina ay naghahabulan ay ngayo’y hingal na hingal na kakatakbo. “Ubos na talaga energy niyo pag-dating natin sa mission” babala ko sa kanila.
“Pagsabihan mo nga ‘to red” saad ni Renchil at itinuro si Mitchell
“siya pagsabihan mo” Mitchell
“kahit magsuntukan pa kayo dyan, bahala kayo sa buhay niyo” saad ko rito
“Pare-pareho lang kayo mga babae!” saad ni Renchil at tumakbo dahil hinabol na naman siya ni Mitchell pagkarinig niya sa sinabi ni Renchil
Anong connect?
Lumapit naman si Conard saamin ni Leonard at binigyan kami ng inumin na kulay berde, nang diri pa ako. “Ano ‘to lason?”
Kumunot naman ang kanyang noo sa sinabi ko, “Joke lang” dagdag ko dahil baka magalit
“Matcha” Saad ni Leonard na siyang sumagot sa tanong ko, “uso yan ngayon” dagdag pa nito
BINABASA MO ANG
Oresden Heroes #1: BRAVE
Science FictionAre you ready to go on a journey and fight Monsters with the Oresden Heroes, A.K.A Team OR87? Karedlian Nathel Whine, known as Red, is a Kind, Generous and Attentive Person. She joined the Oresden Hero Organization not just because she had kinesis a...