Chapter 06

29 12 11
                                    

Chapter 06: Team OR87, Ready for Take off

Karedlian Nathel Whine's POV

It was 3 days ago when it was announced to us by Sir Jack na ipapadala na kami sa mission anytime soon and guess what? Kahapon naka-receive kami kaagad ng mission, this is our first mission.

Pagka-receive namin kahapon sa mission namin ay buong araw kami nag practice, minsan ay sumasabay pa samin sila lailac at arkia sa pag-practice.

Gabi-gabi ako nagdasal na hindi agad kami ipapadala sa isang mission pero heto nga, nasa bad side ata ako ng diyos ngayon

We're currently preparing for moving out, sasakay kami ng isang aircraft, isang advance vehicle na mabilis makapunta sa destination namin, hindi kasi sure if ilang araw kami babalik dahil nasabi nadin ni Sir Jack na once na makalabas kami ng Oresden HQ para sa mission ay posibleng bibigyan kami ng another mission.

May dala akong isang maleta, kasalukuyan naming nililipat ang mga gamit na kailangan namin sa aircraft

Ang aircraft ay isang advance vehicle, bawat group ng Oresden fighters ay may ganito, meron din itong rooms kung saan pwede matulog, kaya ang ilang grupo ng Oresden Fighters ay minsan hindi na umuuwi ng headquarters dahil sa aircraft na nags-stay at naghihintay ng bagong mission.

“Kaya pa?” tanong sakin ni renchil ng mapansin ang malalim na pag-iisip ko habang dala-dala ang nag-iisa kong maleta

“Kaya. Kayamukat” tugon ko rito na tinawan niya lang, kinuha nito ang maleta ko bigla at dinala sa isang kamay lang

Gusto ko nalang maging lalaki minsan

Nasa office kami ngayon ng grupo namin, dito kami unang nagka-kilala, sa likod ng office ay may pinto kung saan nandoon ang aircraft namin

Magtu-tungo na sana ako roon ng makita ko si Mitchell na nahihirapan sa dalawa nyang maleta na dala, hindi lang ito basta dalawang maleta, Dalawang MALAKING maleta

“hala siya, jusko” sabi ko nalang at lumapit dito, kinuha ko ang isang maleta at tinawag si Renchil para humingi ng tulong

“Thank you, Red!” asik ni Mitchell, tinanguan ko naman ito

“te, bakit mo naman dala-dala buong bahay mo?” pabiro kong sabi dito

Dumating naman si Renchil at nanlaki ang mata.

“Maglalayas kaba?” tanong nito kay Mitchell ng makita ang dalawang malaking maleta

“che! Kasi diba sabi ni Sir Jack may possibility na baka matagal tayo makauwi? Ayoko naman na paulit-ulit lang ang susuotin ko noh” tugon nito saamin na tinawanan ko at hinayaan nalang.

“Grabe” tanging tugon ni Renchil at kinuha ang dalawang malaking maleta.

Nagtungo naman kami sa aircraft at ako ay namangha sa ganda at laki nito. Hindi ko naman ito first time makita, lagi ko itong nakikita tuwing may mga grupo ng Oresden fighters ay galing sa mission ngunit ngayon ko lang ito nakita sa malapitan.

Pumasok kami roon, nakita ko si Arkia na nasa driving seat inaasikaso kung ano mang mga pipindot-pindutin doon, si lailac naman ay may dinidikit sa isang whiteboard.

Nakita ko naman si Renchil na pinapasok ang maleta sa isang kwarto, may dalawang kwarto lamang ang aircraft, isa para sa girls at isa para sa boys, meron ding bathroom ang each room, madami ding mga materials dito, meron ding couch na mauupuan.

Naisipan kong pumasok sa kwarto na kung saan pinaglalagyan ng mga maleta namin, nakita ko naman ang maleta ko. May dalawang kama lang kaya may dalawang tao sa each bed.

Oresden Heroes #1: BRAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon