Chapter 13: Mitchell
Karedlian Nathel Whine's POV
ISANG araw na ang lumipas matapos naming kalabanin ang halimaw na ‘yon, after ng meeting namin kahapon ay siya kaming nagpahinga, kalaunan ay nakareceive kami ng anunsyo na bumalik na sa HQ.
Si Arkia ay nagdr-drive sa aircraft habang kausap si Kentlee at Lailac, si Conard naman ay nasa sofa at may binabasa na libro na tungkol sa medicine.
Kaming apat naman ay naglalaro ng habulan at kasalukuyang taya si Mitchell.
Hinabol kami nito, mahinang tumakbo si Mitchell, binibiro pa ito ni Renchil na magpapataya kuno siya ngunit tatakbo agad pagnakalapit na si Mitchell.
“Ang bilis niyo!” saad nito
Hinabol kami nito ulit ngunit napunta kami sa kusina ng aircraft na may lamesa sa gitna.
Palipot-lipot lang kami sa lamesa, kapag hahabulin kami ni Mitchell sa kanan ay pupunta naman kami sa kaliwa. Hindi mahinto-hinto.
“ano ba 'yan!” saad nito
Tinawanan lamang namin ito habang hindi hinahayaan makalapit siya saamin. Halatang pagod na ito kakahabol samin ngunit hindi padin siya huminto.
Hinabol kami ulit ni Mitchell sa kaliwa kung saan ako pinakamalapit at heto namang si Renchil ay bigla akong hinawakan sa balikat para isacrifice kuno kay Mitchell.
Ngi-ngiti-ngiti pang tumakbo papalapit saakin si Mitchell, mabuti naman ay binitawan ako ni Renchil at agad akong nakaakyat sa lamesa at pumunta sa kabilang bahagi ng lamesa.
“Bakit mo binitawan?!” saad ni Mitchell kay Renchil
“HAHAHAHA” pagtawa ko dahil talagang malapit niya na akong mataya kanina
“bleee” pangasar ni Renchil kay Mitchell
Agad nitong hinabol si Renchil at talagang sila nalang ang naglaro dahil hindi na kami hinabol ni Mitchell, nanood nalang kami ni Leonard sa dalawa.
Akala ko ay matagal pa ang dalawa matatapos sa paghabulan kaya kumuha muna ako ng tubig dahil malakas na ang buntong hininga ko sa pagod.
Nakadalawang baso ako ng tubig nang mapansin kong tumakbo patungo sakin si Renchil at tinaya ako.
“Ha?” gulat at taka kong saad at nilingon silang tatlo, nakita ko naman si Mitchell na nakangiti habang si Leonard ay natatawa.
Tinaasan ko ito ng kilay dahil sa pagtawa nito, I guess taya ako.
Agad ko namang hinabol si Leonard na ikalawang mas malapit saakin, hindi ko kasi pwedeng tayain si Renchil dahil siya ang taya kanina.
Kasingbilis ko lang si Leonard pero para itong hangin kung gumalaw, sa tuwing malapit ko ng mataya ito ay gagalaw ito ng napakasmooth.
“Bagal naman hahaha” saad nito ngunit hindi ko ito pinansin
Hinahabol ko lang siya, gusto ko nalang mag give up pero hindi kaya ng competitive side ko.
Na-bother pa namin si Conrad dahil natamaan ni Leonard ang librong binabasa nito.
“Pag ito nasira, patay kayo saking dalawa” rinig kong saad ni conard pero hindi namin ito pinansin
Malapit ko na sana ito mataya ngunit bigla itong gumamit ng hangin at matangay ako kaunti papalayo.
“Hoy cheating!” Saad ko rito ng huminto ang hangin
“hahahaha” tinawanan lamang ako nito, at tumakbo ulit.
“patay ka sakin” saad ko rito ng makalapit, nagtungo ito sa kusina at nagikutan na naman kami sa lamesa.
BINABASA MO ANG
Oresden Heroes #1: BRAVE
Science FictionAre you ready to go on a journey and fight Monsters with the Oresden Heroes, A.K.A Team OR87? Karedlian Nathel Whine, known as Red, is a Kind, Generous and Attentive Person. She joined the Oresden Hero Organization not just because she had kinesis a...