Chapter 08: Red Skies
Karedlian Nathel Whine’s POV
Magu-umaga palang ng tumayo ako galing sa higaan, kalalabas ko lang ng clinic kahapon at heto ako ngayon patungo sa training.
Habang nasa clinic ako, narealize ko lang kung gaano kalawak at kalakas ang mga makakalaban namin sa labas kaya napagpasyahan ko na habang hindi pa kami nakakatanggap ng another mission ay mag-eensayo muna ako.
Hindi sila basta-basta, kung hindi agad naka-tawag ng backup si lailac ay mas matindi pa ata ang nangyari sa amin.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, naaalala ko na naman ang parents ko sa mukha ko, heto nalang ang palatandaan ko sa mukha nila.
Nagbihis muna ako sa training attire ko before umalis ng dorm at nag-punta sa Training Center.
Napansin ko ang langit na namumula, hindi ito basta sunrise lamang, its like bloody red. Nakita ko din ang iba na nakatingin sa ulap, ang iba rin ay pinipicturan ito para ipost sa social media.
Nakaramdam ako ng biglaan kaba dahil sa langit ngunit hindi ko na ito pinansin, gawa lang siguro ito ng lamig ng hangin.
Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad patungong Training Center at nagsimulang mag ensayo.
Dala-dala ko si Naki at hinanda ang kailangan ko. Walang mga monsters na pwedeng makalaban dito sa Training Center, nasa Training Grounds lamang iyon pwede at probably mga Z level lamang.
Hindi katulad ng dati ay dala-dalawa lamang ang mga kinakalaban ko pag training, ngayon ay dinagdagan ko. Nag-spawn ako ng sampung mga lobo na galit.
Nagtungo ang mga ito saakin ng mabilis nang makita, agad kong pinaandar ang senses ko, kailangan ko kasi talagang magensayo kung paano ko mapapabilis ang magpa-tulog sa kalaban.
Kumunekta ako sa mga utak nila tsaka ko kinuha ang mga energy nito para maantok, gumana naman ito at napatulog halos sakanila.
Merong isa na medyo hindi naapektuhan at nagpatuloy lamang sa pagpunta saakin, before ito makapunta saakin ay itinapon ko sa pwesto nito si Naki upang mahiwa ito sa dalawa.
Agad namang bumalik saakin ang boomerang kong si Naki tsaka ko itinapon ito ulit sa ibang mga lobo. Natapos ko silang lahat agad pero kulang.
Kulang pa
Nagspawn ako ng panibagong grupo ng mga lobo, kung sampu kanina, ngayon naman ay nasa dalawangpu na.
Kagaya kanina ay agad kong pinaandar ang senses ko at kinuha ang mga energy nila para mapatulog sila.
Kagaya kanina ay napatulog ko ang halos sakanila, itinapon ko sa mga lobo si Naki ngunit may maramdaman ako na papasugod saakin sa likod ay agad akong umakmang sisipain ito ngunit naunahan ako nito at nakagat ang binti ko.
Isinipa ko ito kaya napabitaw ito sa pagkagat, tama naman sa oras ay bumalik sa kamay ko si Naki, itinapon ko ito sa sumugod saakin patalikod at nahiwa ito sa dalawa. Naramdaman ko naman ang iba ay natakot sa pagsugod sakin kaya ako na ang unang umatake, itinapon ko sa mga ito si Naki bago ito mawala.
Kulang
Kulang parin.
Nagspawn ulit ako nang grupo ng bagong mga lobo, tatlongpu.
Inulit ko lamang ang ginawa ko kagaya kanina ngunit ganon parin ang kinalabasan, madali ko itong napapatay.
Sa totoo lang ay wala akong naramdaman na hirap sa paglaban sakanila, kulang parin, hindi ako makaramdam ng satisfaction sa performance ko.
BINABASA MO ANG
Oresden Heroes #1: BRAVE
Science FictionAre you ready to go on a journey and fight Monsters with the Oresden Heroes, A.K.A Team OR87? Karedlian Nathel Whine, known as Red, is a Kind, Generous and Attentive Person. She joined the Oresden Hero Organization not just because she had kinesis a...