Chapter 12: Gold Medal
Lucille's POV
NAKATAYO ako sa harap ng salamin at inaayusan ang sarili ko, after all, being pretty is one of my key to revenge.
I wore a long black leather coat paired with a black pencil skirt and a black turtleneck.
Mahaba na ang buhok ko at hanggang tuhod na, probably dahil ilang taon din ako nasa tube na iyon. I don't have a plan for cutting my hair, though. Hair holds memories, and I don't intend to forget it. Those memories are the reasons why I still hold on to my goal. Those memories remind me of the past, and that's why I'm still here. I don't have any regrets.
That glass capsule was the greatest invented thing that was created by the Aerialist before, 'yon ang reason kung bakit may mga tao na na nagtataglay ng iba't ibang klase ng abilidad dahil lang sa glass capsule na iyon, and me who originally don't have an ability ay ginamit ang capsule na iyon para magkaabilidad ako. Is it cheating? No. I found it, so it's mine.
Lumabas ako ng hideout namin, hindi madali makita ang hideout namin dahil hindi ito visible sa mga mata ng tao, lalong lalo na sa mga Oresden officials.
Ngunit nagtataka ako kung bakit nakaramdam agad ako ng maraming presensya ng mga tao sa paligid, sabi ni Mertaz ay wala naraw nakatira dito na mga tao or pumupunta manlang.
Ginamit ko ang pakpak ko para lumipad at puntahan ang tao na malapit lang saakin. Hindi naman agad ako napansin nito ng makalapit sakanya.
Napansin ko ang kasuotan nito na familiar, hinawakan ko siya sa balikat para paharapin sakin, para rin makita ng buo ang kasuotan nito.
Hindi ako nagkakamali, uniform iyon ng mga Oresden official. Iyong mga may taglay na kapangyarihan. Napansin ko rin kung gaano ka-bata ang babae.
"Ano ginagawa mo rito miss? Delikado ang lugar na ito." saad nito saakin na nagtataka, nainis naman ako ngunit hindi dahil sa sinabi niya
"patay talaga sakin ang Mertaz na 'yon" saad ko, nagawa ba namang magsinungaling sa akin, bakit may mga Oresden Officials dito ngayon?
"tinatanong kita kung anong ginagawa mo rito?" tanong nito saakin ulit, ramdam ko ang panginginig nito
How pathetic, bata na ngayon ang pinapadala nila sa mga ganitong misyon?
Napukaw naman ng tingin ko ang buhok nito tsaka hinawakan, "pula", wala sa isip kong saad
Naramdamam ko na ang isa sa mga kasama ng babae ay patungo saamin, "Inuulit ko, a-" hindi nito natuloy ang sasabihin nito dahil agad ko itong itinulak at lumipad agad paalis.
Bumalik ako sa hideout namin at hinanap si Mertaz. Si Mertaz ang kinikilalang leader ng mga halimaw rito dahil mataas ang level nito kesa sa mga kasama nito pero tanga-tanga rin ito minsan.
Hinanap ko ito at hindi naman ako nabigo na makita ito sa usual spot nito, controller room.
Agad ko itong sinunggaban sa kanyang polo na ikinagulat nito, hinigpitan ko ang paghawak sa kanyang kuwelyo para medyo masakal ito.
"M-Madame Lu-Lucille" nahihirapang saad nito, ang galing din naman nitong mag-anyong tao dahil perpekto ang mukha nito at sino mang babae ay magkakagusto at hindi agad malalaman na isa itong alien.
"Don't get me wrong, I only kept you here because you're hot, but it doesn't mean you're allowed to lie to me." saad ko rito na ikinataka naman nito
"W-What?"
Binitawan ko ang pagkakahawak sa kanyang kuwelyo.
"You said there's no other humans here other than me, bakit may nakita ako kanina na mga tao ng Oresden sa labas?" saad ko rito na ikinagulat niya at agad may kinalikot sa mga computer, lumabas dito ang mga cams. Nang makitang may iilan ngang mga Oresden Officials ang nagkalat ay napabuntong-hininga naman ito.
BINABASA MO ANG
Oresden Heroes #1: BRAVE
Science FictionAre you ready to go on a journey and fight Monsters with the Oresden Heroes, A.K.A Team OR87? Karedlian Nathel Whine, known as Red, is a Kind, Generous and Attentive Person. She joined the Oresden Hero Organization not just because she had kinesis a...