Chapter 15

17 2 1
                                    

Chapter 15: Enemies Disguised as Friends

Karedlian Nathel Whine's POV

HINDI padin nawala sa aking damdamin ang weird feeling na nararamdaman ko kay Cloreen, gusto kong sabihin ito sa mga kasama ko pero baka sabihin nila na guni-guni ko lang iyon.

Ayaw ko rin na magisip ng masama dahil pinatuloy nila kami sa kanilang pinagtutuluyan hanggang hindi pa sure kung safe ba ang lugar.

Nilingon ko si Kentlee na nakaupo lang sa may sofa at nakapikit habang si Lailac ay may tinitingnan sa kanyang Ores Watch. Napalingon rin ako sa Ores Watch ko dahil doon, na-remember ko na naman ang pag ilaw nito kanina. Kung sana lang ay umayos na ito kaagad.

Tumayo ako sa aking pagkaka-upo at nagtungo kay Lailac na busy parin na sinusubukang ayusin ang kanyang Ores Watch.

“Pahinga na muna” asik ko rito, nilingon naman ako nito at umiling bilang sagot.

Bumuntong hininga muna ito na parang pasan-pasan ang problema ng mundo bago magsalita.

“I can't rest when we're in this kind of situation” sagot nito saakin.

Tama nga naman, kung iisipin ay maaari ring ma-stuck na kami rito kagaya nila Natchi, ngunit ayaw kong isipin na iyon nga ang nangyayari sa paligid ko, dahil alam kong may pagasa pa.

Nakita kong nilingon ni Lailac si Kentlee bago ako tingnan nito, “Let’s go out, we'll talk about something, come with us Kentlee” saad nito at nauna ng lumabas ng kwarto.

Nagtaka pa ako nung una pero nang sumunod na si Kentlee kay Lailac ay sumunod nalang rin ako.

Lumabas kami ng aircraft nila Natchi, mabuti nalang ay hindi ko nakita si Cloreen dahil na cre-creepyhan parin ako rito.

Nagtaka ako dahil lumayo-layo kami kaunti sa aircraft bago huminto at magsalita si Lailac.

“Did you two notice that?” Paunang saad ni Lailac na tinanguan naman ni Kentlee.

Feeling ko ang bobo ko dahil hindi ko sila maintindihan.

“notice what?” tanong ko

“Cloreen” tanging sagot lamang ni Lailac saakin ngunit sa pagbanggit niya nito ay agad ko namang nakuha ang kanyang ibigsabihin.

“Yeah, actually, I'm contemplating kanina if I would say this but when we were inside the room, nakita ko siyang nakatingin sa atin from the outside” saad ko sa mga ito.

“Her smell also. Different” dagdag ni Kentlee.

Hindi ko iyon napansin, ang lakas naman ng pang-amoy niya.

“What do you mean?” tanong ko rito ngunit si Lailac ang sumagot.

“Do you notice when we turn on our senses and consciousness, we can locate aliens? It's because of their smell. She smell different and disgusting, its understandable if its because matagal na sila sa lugar na ito pero yung iba niyang kasama ay hindi, they smell normal habang siya...” mahabang sagot ni Lailac na tinanguan ko.

“So you're saying, she might be an alien?” tanong ko, si Lailac ang sumagot

“yes and It also explains how her face seems so dislocated and not completed...” dagdag nito

“Do you think Natchi and the others know this or maybe, they are all also possibly aliens?” tanong ko

If I would analyze the movements, attitude, face and even the speaking, then I would say Natchi, Hiro and Karl are very likely humans, but we don't know, may posibilidad parin na isa silang alien na magaling na mag anyong tao.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 5 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Oresden Heroes #1: BRAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon