Chapter 05: Announcement
Karedlian Nathel Whine's POV
Kompleto na kaming OR87 sa training grounds ngayong umaga para mag practice ulit, ang pagsasanayan namin ngayon ay ang X at O positions namin, kahapon kasi ay yung dalawa dalawa lang na training
Dala ko na ngayon si Naki, ang boomerang ko, naisipan ko ng pangalanan ito dahil masyadong malaki ang pangalan na boomerang
“Let’s start in about 5 minutes” asik ni lailac na nasa monitor ngayon at may inaasikaso
Ang uunahin naming pag practisan ay ang X position, pumasok naman kami sa gitna ng field tsaka biglang lumitaw ang mga barrier para di namin makita ang nasa labas, si lailac at arkia naman ay nasa labas ng barrier para mag monitor saamin.
Tiningnan ko naman ang suot ko, ito ay Black Long sleeve na full length jumpsuit, at belt na may maliit na bag na may injections, binigay ito saamin ni Conard para pang pagaling ng mga mild injuries.
Masayang masaya naman ako kanina pati ang iba kong kasama ng naka-suot na kami ng Ores Watch, may hologram ito at ma de-detect anong klaseng level o uri ang isang monster, naka-connect ito sa mga myembro ng techno division dahil sila ang naghahatid ng information at si arkia ang naka-connect dito para sa grupo namin pero ang dahilan kung bakit masaya kami rito dahil parang isa nadin itong badge na nagsasabing official Oresden fighter kami.
Meron naman kaming earpiece na parang isang normal na earrings lang. Dumating ang mga gamit nato kanina lang para daw masanay kami gumamit ng mga ito. Dala dala ko naman si Naki, ang boomerang ko, masyadong malaki si naki kaya nag request ako ng pouch na pwede magpasok ng madaming gamit ngunit magaan lamang ito at maliit, It's called Pandora. Nilagay ko ito sa belt bag na may medicine din.
“okay, let's start” rinig kong asik ni lailac sa earpiece at nag bago bigla ang paligid namin, nasa gitna na kami ng sira na city at wala ng naninirahan
Isa itong illusion designed for practice.
“Go to your position” Lailac
↑
Kentlee Renchil
Leonard
Conard
Red MitchellAgad naman kami nagsigalawan at meron kaming narinig na ingay, biglang umilaw ang Ores watch namin at lumabas dito ang isang klase ng monster, isa itong worm type at level Y
Kinuha ko si Naki sa pouch at agad na nag prepare para i-under sa idlip ang mga monster na ito, marami sila, mga walo
Dahil isa itong Y type at ngayon lang ako nakaharap ng kagaya nila ay sinubukan ko muna na dalawa muna ang patulugin.
Binuksan ko lahat ng senses ko at naramdaman ko ang energy ng dalawang monster na mas malapit sa amin na nasa ilalim, agad ko naman trinansfer ang energy ko sa kanila
“Under you, Mitchell” rinig kong asik ni Lailac, agad naman umalis si Mitchell ng biglang may lumabas na monster doon, bigla naman sumugod ang mga kasama ko
Biglang nanghina ang galaw ng monster dahil inaantok na ito, ang kasama naman nitong isa ay napatulog na, nasa ilalim parin ito.
Bigla namang naalerto ang iba pang mga monster na kasama nitong dalawa.
“walo sila, hanapin niyo sila, ang isa ay nasa ilalim napatulog na ni red” asik ni lailac
Nagsigalawan ang mga kasama ko at si kentlee naman ay inatake ang monster na kasalukuyang natutulog na at nasa ilalim ng panaginip gawa ko
Nag-tungo naman ako sa may butas ng daan na kaninang nilabasan nang monster. Pumasok ako doon dala-dala si Naki at hinanap yung monster na nakita ko kanina, nakita ko itong natutulog at nanaginip na, kasing haba sila ng tao pero dahil dito ay mas madali silang mamatay
BINABASA MO ANG
Oresden Heroes #1: BRAVE
Science FictionAre you ready to go on a journey and fight Monsters with the Oresden Heroes, A.K.A Team OR87? Karedlian Nathel Whine, known as Red, is a Kind, Generous and Attentive Person. She joined the Oresden Hero Organization not just because she had kinesis a...