🎭 EIGHTH BEAT

114 7 23
                                    

SIMULA NANG LUMIPAT SI Donny mula Saudi Arabia sa Apalit High School, napalitan na ang star sa itaas ng Christmas tree at lumpiang shanghai sa mga handaan sa pagiging center of attention. Lahat ng tao, napatitingin sa kaniya—napahahanga—siguro kahit huminga lang ang isang ito, papalakpakan pa rin siya.

Kaming mga nakaupo sa nakapalibot na mga upuan, kasama si Sir Joko ay tahimik na pinanonood ang pagpa-practice nina Donny at ng isa pang kasama ang sa unang eksena ng play namin.

“Prinsipe Oberon, hindi ba’t pinahahabilin ng iyong amang hari na huwag lalayo sa nasasakupan ng ating kaharian?”

Pero this time, wala na dapat kaming script na babasahin. Okay naman daw mag-ad lib o lumihis nang kaunti pero dapat nakasunod pa rin ang sasabihin sa script. Mahirap nga lang kung hindi marunong mag-timing o maiba ang sasabihin sa script, doon pa lang magkakamatayan na.

“Teofilo, hindi mo ba nakikita ang linya sa pagitan ng kabundukan at ng asul na kalangitan? Naniniwala ako, ang mundo ay isang walang-katapusang posibilidad. Kaya gusto kong tuklasin ito.” Umakbay si Donny sa kaeksena, tapos may itinuro siya sa malayo gamit ang kamay.

“Mahal na Prinsipe!”

“Ako ay aalis na. Huwag kang mag-alala, Teofilo, kaagad naman akong babalik.”

Habang nanonood, wala akong ibang ginawa kung hindi ang mapanganga kay Donny. Paano, confident niyang nabibitiw ang kaniyang lines, parang memorized na niya lahat ng sasabihin. Puwera biro, pang-main performance na yata ang ginagawa niya, costume na lang ang kulang. Wala, e...wala talaga siyang palya sa pagiging bida-bida.

E, ako nga, ’yong first scene pa lang ang nakakabisado ko kahit papaano. Buong gabi ko ba naman pina-practice ang mga linya ko imbes na gumawa ng assignments. Tapos ito, ang dali lang para kay Donny ang lahat.

“Grabe, Donny, you didn’t fail to impress me. Kuhang-kuha mo ’yong nasa script.” Sumingit na naman si Sir Joko habang nasa tabi ko siyang upuan para magbigay ng comment kay Donny.

“Thank you po, sir.” Lumabas ang ngiti sa mukha ni Donny pagkatapos makarinig ng compliment mula sa teacher namin habang nasa harapan. Hindi kaya siya nakararamdam ng umay kasi lagi siyang binibigyan ng compliments?

“Sige, ipagpatuloy mo ’yan, anak. I can already see the star in you,” dagdag pa ni Sir Joko na sobrang satisfied sa performance ni Donny. First scene pa lang ito, a? Aba, siya na talaga!

Napatingin ako kay Donny at saka nagpakita ng kaunting ngisi. Ewan ko lang, a? Pero mas okay nang ayusin ko na lang ang sarili kong performance sa play na ito kaysa mabuwisit na lang lagi. Bida rin naman ang role ko, kaya siyempre hindi lang kay Oberon napupunta lagi ang spotlight, dapat ding magpakitang-gilas ni Titaneo.

Hindi na na-bring-up ang holdapan  noong nakaraang linggo. Wala na rin namang nabanggit si Donny dahil hindi naman kami gaanong nag-uusap. E, buti nga at walang masamang nangyari sa amin noon, at heto, buhay pa rin kami. Kaya mas maganda nang kalimutan na lang ang mga pangyayari at mag-move on na. 

“Let’s continue. Scene two, action!”

---

Nakahilata lang ako sa kama at saka busy sa panonood ng videos na mula sa FYP ng TikTok sa aking cellphone. Bakit ganoon, dis-oras na ng gabi, hindi pa rin ako dinadalaw ng antok? Tinatamad din akong mag-practice ng script dahil super pagod na ako kanina sa mga ginawa sa school. Okay lang, Sabado naman kinabukasan at wala naman akong ibang gagawin; sa bahay na lang ako maghapon o kaya yayayain ko sina Mok-mok mag-basketball sa may subdivision.

Pangiti-ngiti lang ako habang iniisip ang mga plano ko kinabukasan, pero nag-vibrate naman ang aking cellphone at may sumulpot na notification.

Donny Quiroz wants to send message with you.

Behind the CurtainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon