🎭 EIGHTEENTH BEAT

95 6 25
                                    

BAKASYON NOON, HALOS ISANG buwan pagkatapos ng graduation ko sa elementary at papunta na sa pagiging grade 7. Kauuwi lang noon ni Mama galing sa pamimili sa palengke. Pagkarating sa sala, may inilagay siya sa lamesita-mga catalogue ng Avon, Natasha, at MSE. Malamang, galing kay Tita Jennifer na nanay ni Mok-mok. Suki niya kasi ang mama ko kapag bumibili ng mga bra at pabango.

Habang nakaupo sa bangko, lumapit si Mama, tapos ibinigay niya 'yong isang catalogue sa akin. "'Nak, pili ka diyan ng bag. Bibili ako para may magamit ka sa school," ang sabi niya.

Tapos ako noon, tuwang-tuwa na magkakaroon na ng bagong bag. Kahit matibay pa 'yong ginagamit kong may design na Ben 10 na padala ni Tito galing Amerika, hindi naman puwedeng may cartoons 'yong bag ko ko sa high school, ano?

Pagkakuha sa catalogues, kaagad akong sumibat sa kuwarto ko para maghanap. Kinuha ko 'yong isang catalogue at pagkabuklat ko pa lang, bumungad na 'yong section ng mga babaeng nakasuot ng bikini.

E, kaya naman pala tuwang-tuwa 'yong mga kaklase kong lalaki kapag nagdadala ng catalogue si Mok-mok tapos binebentahan din niya ang mga teacher namin. Ang gaganda ng korte ng katawan, parang bote ng soft drinks.

Pero ang totoo nito, nagagandahan naman ako sa katawan nila, pero hanggang doon lang. 'Yon na, wala na.

Pagkalipat nga lang ng ibang page, bumungad naman sa akin 'yong section ng men's underwater. 'Yong mga brief, bakat na bakat sa hita nila. At para bang nag-iba ang ihip ng hangin nang mapunta ako sa section na iyon at seryoso ang pagkakatitig

Hindi ko alam kung bakit mas matagal ako sa section na ito kaysa roon sa mga bag at ladies' underwear. Ano ba ang mayroon sa mga lalaking naka-brief na may bako-bakong muscles at pandesal sa tiyan? Baka kasi gusto kong matulad ang katawan ko sa kanila?

Alam kong hindi tama at para bang binabagabag ako ng konsensiya ko. Pero sa musmos kong isipan, para bang kahit hindi puwedeng kainin ang mansanas na ipinagbabawal ng Diyos, kinain ko pa rin kasi mukhang masarap. Tapos may kung ano ang nagising sa akin?

Sakto, kinahapunan pa nga, niyaya kaming magsimba nina Mama at Papa roon sa may parish church sa amin. Tahimik lang ako habang nakikinig sa sermon ng pari habang nakaupo sa may mga padulong upuan. Inaantok-antok man sa mga sinsabi ni Father, pero mga kurot ng mama ko sa tagiliran ang naging pampagising ko.

Pero sa homily ni Father, pinag-usapan niya ang tungkol sa homosexuality-kabaklaan-pagkagusto sa kapuwa lalaki at babae na mas lumalaganap ngayon.

"Puwede nating ihanay ang homoseksuwalidad sa pag-iisip ng isa na magnakaw o pumatay ng tao. Kung patuloy nating iisipin na magkagusto sa kapuwa natin lalaki o babae, kung patuloy tayong magpapakain sa ating matinding pagnanasa, magiging karumihan at imoral ito sa mata ng Diyos."

Bata-bata pa ako noon, pero sobrang tumatak sa akin ang mga sinabing iyon ng pari. Sa musmos kong isipan, naramdaman ko ang hiya sa sarili ko. Wala mang imik habang nakaupo, mapakagat na ako ng labi.

Doon ko lang nalaman na hindi maganda sa isang lalaki ang magtago sa kuwarto para kuskusin ang underwear ng mga lalaking models sa catalogues ng MSE at saka rin ikukuskos ang kung ano'ng nasa loob ng brief niya.

Noong grade 8 naman, na-invite kami sa kasal ng tita ko na kapatid ni Papa. Tapos nasa reception kami na ginanap sa isang events place and resort sa may San Matias. Nasa iisang table kami nina Mama at Ate Cheska habang ang papa ko, nasa table ng mga abay sa kasal. Tapos, may iba pa kaming kasama sa table, sina Tita Elvira.

E, yayamanin pa naman iyon, supplier sila ng mga prutas na tinitinda sa palengke sa amin. Pero maliban sa magandang flower arrangement sa gitna ng mesa namin, may isang umagaw ng pansin ko-si Kiel, anak ni Tita Elvira.

Behind the CurtainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon