🎭 TWELFTH BEAT

100 6 13
                                    

AT LEAST, PUPUNTA PA rin ako kina Donny mamaya para mag-rehearse. Dahil wala namang gagawin mamaya bago pumasok sa school, nag-chat na si Donny na kung puwede ay mag-practice kami sa bahay nila para makabawi man lang sa ilang araw na absent siya. E, sino pa ba ako para tumanggi, ’di ba?

Mayamaya pa naman akong mga alas-otso magre-ready para pumunta sa bahay nina Donny sa San Juan, kaya heto, tamang chill lang sa sofa na gawa sa kahoy rito sa sala namin—nagse-cellphone habang nakasalampak ang dalawang paa. Tamang chill lang kahit stressed na stressed na ako sa buhay, kahit hindi na maganda gising ko. Kami lang ni Ate Cheska ang naiwan sa bahay dahil pumunta ng palengke si Mama.

Binuksan ko rin ang Facebook ko para tingnan kung may message ang GC namin sa Teatro Apaliteño, pero buti na lang ay wala pa namang sine-send si Sir Joko.

Napa-scroll na lang ako sa mga post ng mga friend ko sa FB habang pinapatay ang oras. Ganito naman talaga routine ko sa araw-araw.

Pero habang nag-titingin-tingin ng mga kung ano-anong anek sa FB, nagawi ako sa isang post at nakita ang isang pamilyar na mukha—si Donny.

Tapos nakita ko nga ’yong post na naka-tag sa kaniya.

Alyssa Tubig tagged Donny Quiroz in her photos.

Aba at kasama pa niya si Alyssa habang nasa loob sila noong faculty room. May pa-caption pa siya sa post na My quiz partner. ☺

Tiningnan ko ’yong pictures at puro silang dalawa ang nandoon. Panay wacky at pa-cute face ang ginagawa nila na para bang ilang taon nang magkakakilala ang dalawa sa closeness nila.

Wendy Ocampo: Ang guwapo niya mhie
Honesto Torres: Good luck guys
Dianne Mitra: bagay kayo!!!! Belle Mariano ka ghorl? hahshahaua

Hindi naman sa ma-issue akong tao, pero kung titingnan ko ang pictures nilang magkakasama at ganito sila kalapit, maiisip kong may something nga sa kanila. Kawawa naman si Titaneo, pinagpalit.

Napatingala ako habang tinitingnan ’yong kisame namin bago bumalik sa screen ng cellphone ko.

E, ano ngayon kung may namamagitan sa kanila? Sino ba ako para pigilan sila? Sandali, kung ano-ano na lang talaga naiisip ko, parang tanga lang.

Hindi ko alam ang nangyayari sa akin nang bigla akong napunta sa profile ni Alyssa. ’Yong DP pa naman niya ay noong rumarampa siya sa stage na nakasuot ng gown sa sinalihan niyang pageant tapos naka-7K plus likes and reactions pa ’yong post niya. E, totoo naman kasing maganda itong si Alyssa, peymus pa sa buong campus namin.

Perfect match nga talaga sila ni Donny, pareho ang takbo ng utak. E ’di, wow! Sila na.

Pero habang nagtitingin pa sa profile ni Alyssa, sabay namang sumulpot sa notifs ko ang chat message ni Donny.

7:15 AM

Prinsipe Oberon:
Chester.

Ano kaya ang gusto niya? Mga ilang segundo rin siyang nag-type ng message niya.

Prinsipe Oberon:
Oops...may sudden change of plans.Di pala ako puwede mamaya. Maaga kaming pinatatawag ni Ma’am Camille para sa training namin. Sorry talaga. Promise, babawi ako.

Ay, ganoon pala, hindi rin tuloy ang practice namin sa bahay nila.

Napatitig na lang ako sa screen ng cellphone ko. Sayang naman. Mas focused talaga siya sa contest ngayon. Wow, hawak ko ba oras niya?

Behind the CurtainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon