🎭 TWENTIETH BEAT

86 6 17
                                    

GANITO PALA FEELING NI Eba pagkatapos kainin ang ipinagbabawal na prutas sa hardin ng Eden. 'Yong biglang magbubukas ang mga mata ko  at iba na ang pananaw ko—’yong magigising na lang ako sa katotohanan. Pakingshet! Nangyayari na nga ang kinatatakutan ko.

Totoo pala ang nararamdaman ko kay Donny.

Ganito pala ang pakiramdam na magpatalo sa tukso ng kung sinong nasa loob ng utak ko. Sa mga nangyari sa resort, obvious namang may nagbago sa aming dalawa ni Donny-at sa akin din. Ilang araw na ang nagdaan, pero may aftershock pa rin sa ginawa namin ni Donny. Masiyado nga akong nagpakain sa feelings na iyan.

Ang tanong: ano nang mangyayari sa akin nito pagkatapos?

Binuksan ko ang aking mga mata at kahit maaga pa, para bang may sumupalpal sa aking realization-Lunes na naman. Ibig sabihin, papasok ulit ako sa eskuwelahan. Mag-aaral. Magpa-practice ulit para sa play.

Pero, wala na talaga akong kawala. Ang mahirap pa...makikita ulit si Donny sa classroom.

Lutang at tuliro akong nagising sa higaan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko sa nararamdaman ko ngayon-na para bang hindi maka-process nang maayos itong aking buong katawan. Parang tatlong sako ng bigas kasi ang bigat na dinadala ko, e.

Pahakbang-hakbang akong naglakad papunta sa kusina habang kinukusot ang medyo magulo kong buhok. Pagkarating, nadatnan ko na ang mga kasama ko sa bahay na kumakain ng almusal. Si Ate, nakasuot na ng uniform niya at papasok na niyan. Habang si Papa, as usual ay isinasabay sa almusal ang panonood ng vlogs sa Facebook. Kung hindi 'yong mga laging galit na may ipinaglalaban, mga nagmo-motor naman ang laging sinusubaybayan niya.

Umupo ako sa hapag-kainan kahit parang lumilipad ang isip ko. Hindi nga maproseso ng utak ko kung ano ang ulam namin ngayon o 'yong sinasabi ng mga vlogger na pinanonood ng tatay ko. Basta, nakaharap lang ako sa mesa namin at nakatunganga.

"Chester, okay ka lang ba?" Si Mama pa ang unang nagtanong. "Ano'ng masakit sa 'yo?"

Pero ako, isang plastik na ngiti lang ang ipinakita. "Ha? Okay lang po ako, 'Ma," pag-arte ko na lang kahit kunwari, wala masiyadong iniisip.

"Pansin kasi naming malalim iniisip mo." Bigla akong kinalabit ni Papa at nagtanong sa akin. Ewan ko at bakit biglaang nagbago ang mood ko.

Napapitik ako ng dila sabay kamot ng mukha pagkainom ng kape. "Wala po, 'Pa. Medyo ano po kasi..." Sandali akong tumigil, "Marami lang pong iniisip. At saka marami din pong ginagawa sa school, malapit na din po kasi matapos klase namin," palusot ko. Kabado-bente pa nga ako sa pag-iisip ng idadahilan.

Wow, kailan pa nagkaroon ng maraming iniisip ang walang utak? E, ano ba wari isasagot ko, Nakipaghalikan ako sa kapuwa lalaki, ganoon?

Sumagot nga ulit si Papa na nginitian pa ako. "Alam mo, kumain kang marami para may energy ka mamaya sa school. Malapit na pala play n'yo. Kaya mo 'yan, 'Nak." Pagkatapos, tinapik-tapik niya ang balikat ko.

Isang buntong-hininga lang ang pinakawalan ko. Pagkatapos ay nagpatuloy na lang sa pagkain.

Kung alam lang nila ang nangyayari. Pero mas mabuti na iyon, kaysa maging gulo pa ang lahat.

---

Habang nasa initan ay naglalakad ako papasok sa eskuwelahan dala-dala ang kulay red kong payong. Mainit nga ang tanghaling tapat, pero may mga namumuo nang ulap sa kalangitan at mukhang bubuhos ang ulan mamayang hapon.

Pagkarating sa gate ng school, napalingom ako nang mayroong tunigil na kotse sa daan. At mga ilang sandali lang ay lumabas din si Donny na inilagay ang suot na headphones sa leeg at saka nagsimula nang maglakad.

Behind the CurtainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon