🎭 FINAL BEAT

158 8 35
                                    

MAY KASABIHAN NA KAHIT sa pinakahaba-haba ng prusisyon...sa entablado pa rin ang tuloy.

Hindi ko inakalang sa tinagal-tagal ng pagre-rehearse, pagkakabisa ng mga linya at galaw ng mga ginagampanan namin, aabot pa ako—sa gabi ng performance.

Kung titingnan, napakaikli lang ng limang buwan, pero sa mga panahong iyon ay napakarami nga talaga ng nangyari hindi lang sa buong Teatro Apaliteño kung hindi pati na rin sa buhay ko. Ang tanging hiling ko lang naman ay simpleng buhay, pero isang malaking peryahan pala ang nakalaan para sa akin.

"'Yan, bongga! Ang guwapo mo na, Chester," masayang sabi sa akin ni Ate Gemma habang inaayusan ako at mine-make-up-an sa loob ng rehearsals roon kasama ng iba pang cast na inaayusan na rin at nakasuot ng kaniya-kaniya nilang costumes.

Pagkatapos ng higit isang oras na pag-aayos sa akin, tiningnan ko na ang sarili ko sa salamin—habang suot ang mahabang kulay green na damit na lumalagpas sa kamay ang manggas at lagpas din sa talampakan ko ang haba. Isama pa 'yong kapa sa likuran na parang kurtina.

Siyempre, nilagyan din ako ng wig na mahabang buhok at koronang pabilog na gawa sa kahoy na may mga dahon sa likod ng ulo ko. Saka rin ako minake-up-an ng mga may disenyong dahon sa may mukha. Grabe, nagmukha na talaga akong isang diwata.

"Go, go, go! Tapusin na ang dapat tapusin. Kailangan nating habulin ang oras." Bigla namang nagpasabi si Sir Joko na ngayon, nakasuot ng kulay pink na long-sleeve polo at pantalon. Kanina pa siya aligaga sa mga paghahandang ginagawa namin.

Katapos na mag-ayos ay napalingon ako sa likuran at nakita ang kung sino'ng nakasalubong ko—si Donny, suot ang kaniyang costume na dark blue long sleeves.

Ang ganda na sana niyang pagmasdan, pero agad din siyang umirap at saka ako iniwasan. Pasimple ko ulit siyang tiningnan at nakitang kausap si Angel na naka-costume nang fairy queen at saka pa nakipag-selfie.

"O, Chester, 'lika sa 'min." Bigla naman akong hinila ni Angel para isama ako sa picture nila.

Hindi nga ako makatingin nang diretso kay Donny habang kinukuhanan kami ng picture sa cellphone. Buti na nga lang at pumagitna si Angel sa aming dalawa dahil kung hindi...parang ang awkward naman noon.

Alam kong hindi pa rin kami okay ni Donny, pero sa totoo lang ay gusto ko na siyang kausapin. Matagal ko nang hinihiling na maayos na ang kung ano ang gusot na nangyari sa aming dalawa.

Ang galinh nga ng timing ng play namin ngayon, June 30—nataong araw ng piyesta sa Apalit at ginawang special presentation ang play namin—at iyon nga, huling araw ng Pride Month. Kaya bagay na bagay para sa tema ng kuwento nina Oberon at Titaneo.

Iyon nga lang, sadyang iba ang guhit ng tadhana para sa aming dalawa ni Donny.

"O, guys, dito na kayo." Tinipon muna kami ni Sir Joko bago na kami lumabas at magpunta sa may bandang covered court. Obvious nang maraming tao na ang nandoon at inaabangan na kami roon.

Nagpadasal muna si Sir Joko bago magsabi ng words of encouragemenr sa amin, "Remember, guys, always put your smile all the time. Gawin nating makabuluhan ang play na 'to, give your best performance, and enjoy the moment. Okay ba 'yon?" Pagkatapos ay inilahad niya ang kaniyang kamay. "Go, Teatro Apaliteño!"

Ginaya naming lahat si Sir Joko at pinagpapatong-patong ang mga kamay. Pagkatapos ay inalis din sabay taas ng mga kamay sa ere. "Go, Teatro Apaliteño!" sabay-sabay naming bulalas pagkatapos.

Pagkarating sa backstage ng covered court ay naabutan naming papalubog na ang araw. Sa totoo lang ay maya't maya ang atake ng kaba sa akin. Grabe, iba pa rin talaga ang aarte na sa entablado kaysa sa pina-practice lang.

Behind the CurtainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon