🎭 THIRTEENTH BEAT

96 6 7
                                    

MAAGA PA LANG AY nautusan na ako ni Mama na mamili ng groceries doon sa Savemore malapit sa amin bago ako pumasok sa school para sa exams namin. Simula noon pa, ako na ang nagiging runner ng mga magulang ko kapag may pinalalakad o kaya may pinabibili sa may bayan, kaya chicken na chicken na lang sa akin ito.

Wala nang ligo-ligo o palit-palit sa akin noong pumunta na ako sa supermarket. Hindi ko naman kailangang magpaka-aesthetic dahil malapit lang naman sa amin ’yong bilihan. Kahit magmukhang binagyo ang buhok ko at maging parang busabos sa suot kong plain white t-shirt, red and white jersey shorts, at tsinelas, hindi naman siguro ako idya-judge ng mga tao, ano?

Medyo kabado-bente lang ako habang kinukuwenta ang budget na binigay ni Mama habang nakatayo malapit sa freezer section, baka hindi kasi magkasya. E, sa nagtataasang mga bilihin ngayon, ang mura na lang yata ay ’yong lumalabas sa bibig kapag nakita na kung magkano ang babayaran sa cashier. Baka nga wala na akong ma-kickback nito, joke!

Naglalakad ako banda sa section ng mga sangkap sa pagkain tulad ng toyo,  suka, at patis habang hawak ’yong basket na kulay blue. Naubusan na kami ng toyo kaya kailangan ko nang kumuha.

Pagkakuha ng brand ng toyo na laging ginagamit ni Mama sa bahay, napansin kong may dumaan banda sa harapan ko, babae siyang mas maliit sa akin at nakasuot ng uniform ng Apalit High School. Napatingin siya sa akin habang naglalakad at sabi ko na nga, si Alyssa ’yon.

Ano’ng ginagawa niya rito? Obvious ba, bumibili siya?

Nagpatay-malisya na lang ako at hindi siya pinansin. E, malamang na hindi naman niya ako kilala. Sino ba ako para pansinin niya?

Noong matapos na ako sa pagkuha ng bote ng toyo, kaagad na akong naglakad para hanapin na ’yong iba pang pinabibili sa akin.

Pero kaunti pa nga lang ang hakbang ko, may naramdaman na akong kumalabit sa akin. Pagkalingon ko, ito na ang bumungad sa akin.

“Chester!” pambubulaga ni Alyssa. Kunwari, shocked na lang ako sa ginawa niya, ’no?

Maganda naman talaga itong si Alyssa, pero na-realize kong iba pala ang ganda niya nang makita ko nang harapan. Medyo may kaliitan siya, tapos mukha pa siyang manyika na may mapupulang labi, at maganda pa ang kutis. ’Yong totoo, ano kaya skin care nito?

“’Di ba, ikaw ’yong partner ni Donny sa play?” Boom! Gago, kilala nga ako.

“O...oo, ako nga.” Naging shy type ako nang wala sa oras.

Kitang-kita ang pagkislap ng mga mata ni Alyssa sa akin. Tapos naging masaya at excited pa. “Yes, finally, na-meet din kita.” Hinawakan pa niya ang kamay ko at saka kinamayan. Sa kapogian kong ito, may nai-i-starstruck pa sa akin? “Alam mo, beh, looking forward ako sa play n’yo, manonood talaga ako.”

Napangiti ako sa sinabi ni Alyssa. Kahit wala pa pala ’yong play namin, may supporter na pala kami. “Yes naman, thank you. Bili kang mga tickets, a? Mga sampu, joke!” Wow, close na kami agad?

Tapos, tiningnan ni Alyssa ’yong basket ng mga pinamili ko. “Ikaw namimili ng mga groceries n’yo?” tanong niya noong ibalik niya ang tingin sa akin.

Tumango lang ako.

“Naks naman, sipag mo, beh. Maaasahan ka pala sa bahay n’yo. Alam mo, plus pogi points ’yan. Charot!”

Hindi ko alam kung nagsasabi na siya ng totoo k binabalasa lang ba ako nitong si Alyssa sa mga sinasabi niya sa akin. Ang aga-aga, a?

“Ikaw ba, ano ginagawa mo dito?” Binalik ko sa kaniya ’yong tanong niya.

At saka pinakita ni Alyssa ’yong mga binili niyang tsitsirya, isang pack ng Oreo at saka yogurt drink na nasa malaking bote. Daig niya pa ang magfi-field trip sa mga binili niya. “Bumibili lang ng mga snacks, tapos hihintayin ko na din dito si Donny para sabay na kaming pumasok. May practice pa kasi kami niyan.”

Behind the CurtainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon