Chapter 2

182 11 0
                                    

Pagkahatid ni Daniel kay Nashie ay nagpunta sya sa martial arts class.
Si Nashie naman ay bored na bored sa kanyang chemistry class puro pagpapakilala kasi dahil first day of class. Eto ang pinaka ayaw nya ang mag introduce ng kanyang sarili. Kung di lang sya kinulit ni Narissa hindi nya talaga papasukan ang first day of her classes.

"Okay next" wika nang prof nila. Turn na ni Nashie para magpakilala.

Tumayo sya at sinimulan mag salita.

"Nashie Yu here" un lang at umupo na sya.

"Can you say anything about yourself Ms. Yu? Sports?hobbies? Interests?" Prof Clyde asked.

"None" tipid nyang sagot.

Nabulong bulungan naman ang mga bubuyog sa likod nya.

Bubuyog #1 "Siguro lampa"
Bubuyog#2 "Maganda nga pero baka bobo"
Bubuyog#3 "Tangeks Medicine kinuha nyan kaya di yan kabobohan siguro sadyang me katangahan lang sa ibang bagay"

"Okay. Next" tawag ng prof nila.

Di nalang pinansin ni Nashie ang mga bubuyog sa likod.
At dahil bored sya ay nakatulog sya nang bigla syang gisingin ni prof clyde.

"Ms. Yu don't ever try to sleep in my class again. We already started the class. Okay come here in front and try to complete the periodic table of elements including the mass and atomic number" utos ng prof nila hindi naman kumibo si Nashie at bagamat nagtawanan ang buong class ay di nya iyon pinansin. Tumayo sya at sinimulang isulat ang periodic table.
Lahat ay tahimik na nagmasid habang isinusulat nya ang buong periodic table mula sa gases hangang sa metals pati ang atomic numbers at mass numbers ng bawat element ay kabisado nya.
Nang matapos na nya ay umupo sya agad.

"Very well done. Perfect. I guess you studied in advance right Ms. Yu?"

"I didn't" tipid nyang sagot.

"I see. Well job well done again lets give her a hand"

At dahil re-caps lang nang high school chemistry ang kanilang discussion ay di sya nakinig. Binuklat nya nalang ang aklat nya sa chemistry at nag advance reading.
Sinubukan nya ring sagutan ang mga problem solving sa libro hangang sa matapos ang klase.
Isa-isang naglabasan ang mga student hindi umalis si Nashie sa kinauupuan nya at narinig nya ang mga lady bees sa likod nya na nagchichismisan.

Bubuyog#1 "mahangin rin pala yan kahit tatahimiktahimik"
Bubuyog#3 "dito pinili mag aral para makapag yabang"
Bubuyog #2 "nakita ko yan kanina sa labas kasama si Daniel De Luz kabago bago sa school kirengkeng ef na ef nyang hinatid sya ng isang sikat na varisity player"

Palabas na sila nang biglang pumasok si Daniel.

Bubuyog #3 "shocks ang gwapo sino yan?"
Bubuyog #2 "Daniel De Luz varsity player ng school natin"

"Girlfriend pinapatawag ka sa conference room" bungad nito.

"For what?" She asked.

"I donno exactly, maybe for welcome?" He replied.

"I dont want to go" sagot ni Nashie at iniyuko ang kanyang ulo.

"Pero Nashie"

"I said I dont want to go"

"Okay. Your so stubborn talaga. Then lets stay here. Wag kana yumuko kain nalang tayo. Heto may dala akong green salad at iced tea" aya ni Daniel.

"Okay" sagot ni Nashie.

Habang sila ay kumakain naalala niya ang kanyang kapatid

"Have you seen my sister?"

"Hmm I saw her with Lovely my bestfriend before I go here. Pinasabi nya saakin na pinapupunta kayong dalawa sa conference room" sagot ni Daniel habang pinupunasan ng tissue ang binuksan nyang iced tea at iniabot iyon kay Nashie.

"Thanks. Wait why its too big?" Takang tanong ni Nashie

"Pang dalawahang tao yan. Share tayo para sweet" sagot naman ni Daniel with sweet smile

"Tsss.." ang tanging narinig sakanya bago sya uminom. No choice sya kesa naman lumabas pa sya at maalibadbaran sa guards na nakapaligid.

"Nashie painom nauuhaw na ko" ^^

"Bumili ka nalang ng panibago" (-.-) tugon nya

"Bakit naman? Ang laki na nga nang binili ko para share tayo e. Saka kailangan nating maging environment friendly bawas basura tipid sa bote"

"Tsk..ayoko na share tayo sa iisang iinuman" suplada nyang sagot.

"Bat ayaw mo baby?" =/

"Its embarassing" (~///~)

"What's wrong with that? E nag share na nga tayo ng kiss maraming beses e, kaya okay lang magshare tayo sa iisang bote na inumin ano kaba" (^____^)
pilyo nyang sagot dahil alam nyang naiilang si Nashie na magshare sila sa iisang bote na inumin.
At pinamulahan naman si Nashie nang mukha dahil sa sinabi ni Daniel.

(#~///////~!) "Dont ever say that again" babala niya kay Daniel

"Ang alin? Ang nagkiss tayo ng maraming beses? O ang okay lang tayo mag share ng inumin?" (^-^)

(◇////◇) Idiot!" Pikon na sagot ni Nashie na ikinatuwa naman ni Daniel nang husto dahil sa pinamulahan ito ng mukha.


Finding ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon