Chapter 29

115 3 0
                                    

"doc how's my sister?" nasa ospital sya kausap ang doctor na sumuri kay Narissa.
"she's fine now. mabuti at nadala nyo sya agad dito"

"anong sakit ng kapatid ko?"

"wala. ilang araw ba syang hindi kumakain ng maayos? she's depressed and it affects her pregnancy"

"what!!!"

"yes.. she's about two weeks pregnant. And I advice na iwasan an mga bagay na makakapagpasama ng loob nya. Mahina ang kapit ng bata kaya dapat sundin ang ibibigay kong reseta sakanya para maging maayos silang pareho. Maselan kasi ang pagbubuntis nya" paliwanag ng doctor

natulala si Nashie

"Ms Yu?" tawag pa nung doktora sakanya nang mapansing natulala sya at halatang na-shock sa mga narinig niya.


"uhmm. yeah... alright...thanks"

umalis na ang doctor at syang dating naman ni Daniel

"baby" tawag nya

pero isang sampal ang natanggap nya mula kay Nashie

"baby why? what's wrong?" naguguluhan nyang tanong

"You screwed me! I believed you! Im such a fool to believe you!"

"baby calm down, I don't get it" maang nyang tanong

"she's pregnant!"

natulala sya..

"Baby its not a good joke"


"I am joking?!"

"how come?" tanong pa nya


"anong how come? you make love at ayan ang result buntis ang kapatid ko. You have to take the responsibility! maselan ang pagbubuntis nya kaya hindi pwedeng sumama ang loob nya at baka ma-miscarried nya ang bata"

"baby---" shock na sabi ni Daniel

"we don't have any other choice. I gave you the chance but here's now the proof. Daniel you have to marry my sister--aayusin natin ang kasal nyo" pilit nyang ikinukubli ang luha kahit ang sakit sakit sa kalooban nya. Mahal nya ang kapatid nya at kaya nyang mag-sacrifice para sakanya.
"excuse me..puntahan mo sya at please don't do anything na makakasama sa loob nya"
at siya'y nagpunta sa banyo at doon nya pinakawalan ang luha na pilit nyang pinipigilan nang kaharap nya si Daniel.

matapos nyang kalmahin ang sarili ay pinuntahan nya si Narissa na kasalukuyang nakahiga pa rin. Nasa tabi naman si Daniel na nakatungo lang.

"bab--"

"iwan mo muna kami" agad syang nagsalita. sumunod naman si Daniel.

"Narissa how are you feeling?"

"Im okay now..what's the result? may sakit ba ako?"

pilit ngumiti si Nashie

"no..wala.. take extra care of yourself. Nag reseta si Doc dapat mong inumin yun on time para di ka masugod sa ospital ulit ha? ingatan mo sarili mo dahil....mommy ka na ngayon...
please be happy okay?" pilit pa rin nyang magsalita nang normal sa harap ng kapatid

"what? I'm pregnant?" di makapaniwala si Narissa sa narinig

"yes. ako na ang aayos nang kasal nyo ni Daniel..ako na rin ang magsasabi kela mom and dad..di ka pwede mapagod at ma-stress. leave it to me okay?"

hinawakan ni Nashie ang kamay ng kakambal at hinaplos ang buhok nito.

"hindi ka galit? diba dapat magalit ka?"


"sshhhh..you're precious to me. you're my twin sister..hindi ako galit sayo so don't bother yourself okay? aalis muna ako ha. kung may kailangan ka andyan lang si Daniel"

"wait...Nashie do you love Daniel?"


"I don't" tipid nyang sagot na hindi humaharap sa kapatid nya. oo nagsinungaling sya dahil ayaw nyang makonsensya ang kapatid nya dahil makakasama ito sa bata--na ayaw nyang madamay

at umalis na si Nashie at pumasok si Daniel.

bakas sa mukha nito ang lungkot..

"Narissa...ginugutom ka ba? gusto mo kumain?kamusta pakiramdam mo?" tanong niya

umiling lang si Narissa.

Kinabukasan ay inuwi na nila si Narissa at hindi pa nila ipinapaalan sa kanilang magulang ang nangyari..

"careful" paalala ni Nashie sa kakambal


"yes..thank you. where's Daniel?" tanong ni Narissa



"he has a meeting with his Dad, maybe ngayon nya sasabihin yung about sa kasal" mahina nyang tugon na hindi tumitingin sa kapatid nya.
"kukuha lang ako nang juice at water para mainom mo yung vitamins mo okay?" paalam pa nya


talaga bang walang paki alam si Nashie kahit ikasal kami ni Daniel? ni hindi ko mabakas sa mata nya ang emosyon nya..siguro hindi nya talaga mahal si Daniel..

Finding ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon