Nashie's POV
For about 30 minutes naiwan akong magisa sa kwarto ko.
I thought he already left because of what I said. Siguro nasaktan ko sya nang husto kaya umalis nalang.
ayan nanaman nakokonsensya na ako ah!
then all of the sudden nagbukas ang pinto ng kwarto ko napabalikwas ng tayo kahit masakit pa ang paa ko, pero na-out balance ako buti nalang nasalo ako ni Daniel.
"are you okay? bat ka naman kasi biglang tumayo!" he said as he carried me back to my bed at ipinaupo ako.
"Akala ko intruder ang pumasok kaya ako tumayo. why are you here?"
"Ayaw mo ba talaga ako dito?" he asked with pain in his voice. ok bad me sinaktan ko nanaman siguro sya.
"uhm its not what i mean..i just thought you left already"depensa ko.
"nope. I cooked, tara nang makakain kana then kapag okay kana I will leave na as you wish" nakakakonsensya nyang sabi saakin tssss..
"okay" un lang ang naisagot ko. umupo sya sa tapat ko at sumenyas na bubuhatin nya ako..okay piggy ride.
nakarating kami sa kusina si Daniel ay pawis na pawis pero di nya iyon alintana pagkaupo ko ay agad na nilagyan nya ng rice at ulam ang plate ko saka ako sinalinan ng ice tea at naupo na rin sya.
"Bless the table" sabi ko sakanya. and then we ate.
tumayo ako upang imisin ang pinagkainan namin pero as usual pinigilan nya ako at sya ang naghugas ng pingan. saka nya ako iniakyat sa kwarto.
I feel like Im a princess na panagsisilbihan nya. Some part of me feels happy seeing him doing this to me. I don't know if I like him but one thing for sure I feel happy na pilit kong ikinukubli sakanya.
Umupo sya sa dulo ng higaan at ipinatong ang paa ko at saka nya marahang minasahe. di ko alam marunong pala sya mag masahe and I feel comforted while he is doing that until I fell asleep.
pagkagising ko ay nakita ko si Daniel na natutulog nang nakaupo habang ang paa ko ay nakapatong pa din sa hita nya. Unconsciously I smiled as I saw his handsome face na natutulog at medyo pabagsakbagsak pa sya. dala siguro ng pagod. I felt guilty again sa way nang treatment ko sakanya. He is too honest to what he feels towards me and he is very much willing to do everything for me kahit na im driving him out, kahit di ko pinapansin lahat ng efforts nya, dinededma ko ung affection and care nya. ok bad na kung bad, e I dont know how to react and we are not officially a couple, sya lang ang self proclaim. pero kahit self-proclaim lang pinapangatawanan nya talaga. Perhaps I should give him a try? pero teka wait baka umasa wag na lang..
I dont know kung ano sumapi saakin at marahan kong inialis ang paa ko, at dahil sa lalim ng tulog nya ay hindi na nya iyon namalayan.
Unti-unti akong lumapit sa tabi nya at narinig ko pa ang mahina nyang sabi "beybi..shhoorry na..." ano ba yan hanggang pagtulog ba naman humihingi pa din sya ng sorry?! sa panaginip mo ba Daniel nagsusungit pa rin ako? Ok grabe na konsensya ko..Marahan ko syang ihinilig sa balikat ko, i dont know why but I think this is the right thing to do makabawi manlang ako sakanya. Teka anong oras na ba? **tingin sa wrist watch**
nine pm na pala.
ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang unti-unting pagbigat at pag dausdos ni Daniel tanda nang himbing ng kanyang pagkakatulog.
kaya naman gamit ang kanang kamay ko ay hinawakan ko ang kanyang malambot na pisngi at isinandal ko ang ulo ko sa ulo nya upang hindi sya tuluyang bumagasak. Ewan pero this is the first time na nakaramdam ako ng kakaibang saya.
Ipinikit ko ang mata ko at di ko namalayang nakaidlip na pala ako.

BINABASA MO ANG
Finding Forever
Подростковая литератураHow would Xerdine Almond aka Agent Seven ( The I.S.A Top Special Agent) face her new life in her new identity as Nashie Yu? The long-believed dead twin sister of Narissa Yu. Will an emotionless and introvert person fall to Daniel De Luz, her ever se...