Chapter 29

202 37 0
                                    

Kiel's point of view

I'm here now at the Maxwell's mansion, I'm pay visiting to my friends---Elria and Jane.

Agad naman akong pinapasok ng mga katulong. Habang patungo ako sa kusina ay nakita ko si Jane ang isa sa mga pinagkakatiwalaang maid ni Elria dito sa mansion.

Napansin kong nagmamadali ito at may dalang bag na puno ng gamit. Wait? Is she's leaving? Agad naman akong lumapit sa kanya.

"Oh kayo po pala sir Kiel!" Gulat na saad niya.

"Bakit parang gulat na gulat ka? Janeth?" Takhang tanong ko sa kaniya at tumingin sa bag na dala-dala niya.

Napansin seguro niya na nakatingin ako duon kaya napatikhim ito.

"Sorry po sir, sege po sir nagmamadali po kasi ako eh, pasensya na po!" Ani niya at mabilis na naglakad, nagtaka naman ako sa ikinikilos niya kaya agad ko siyang hinigit.

"Hey? What's happening?" Kunot noong tanong ko sa kanya.Ramdam ko na parang natataranta at nababalisa siya.

"Ano yang mga dala mo?" Agad na tanong ko sa kanya.

"Sir?" Napabaling naman ako ng tingin sa kanya. S'yaka ko lang napagtanto na subrang lapit pala ng mukha namin kaya agad naman akong umiwas at lumayo ng kunti.

"Sir, grabe naman yang utak mo! Akala mo ba mag nanakaw ako?" Kunot noong tanong niya sa akin.

Nangunot naman ang noo ko, pa'no niya nalaman na yun ang nasa isip ko. Nakita ko naman na umirap ito. Anong problema ng babaeng ito?

Pinakalma niya ang kanyang sarili at bumuntong hininga muna ito bago magsalita.

"Sir hindi po ako magnanakaw, ok? Itong dinadala kong gamit ay dadalhin ko po sa hospital--" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng sumabat ako.

"Bakit? Bakit mo dadalhin sa hospital iyan? Sino ba yung na hospital?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

Umirap naman ito sa akin. Argh! What is wrong with this girl?! Bakit ba ito irap ng irap?!

"Sir! Nagmamadali po ako kasi yung kaibigan niyo pong buntis ay nanganak na po ngayon! Kaya po kung may tanong pa po kayo, dun po kayo sa ibang maid mag tanong! Busy po ako! Kailangan po ako ng amo ko!" Paliwanag n'ya at sa bawat salita na binibitawan n'ya ay diin na diin ito na para bang nanggigil na.

Unbelievable! Siya pa lang ang unang babaeng nakapag salita ng ganito sa akin! Agad naman na itong tumalikod at nag walkout. Aba! Walang mudo 'tong babaeng ito ahh! Ibang klase!Sinundan ko naman ito at buti na lang ay naabotan ko pa ito.

"Sa akin ka na sumakay, sabay na tayo!" Pag ayaya ko dito but she just looked at me.

"What?! Done staring?!" Iritang tanong ko sa kanya, napakunot naman ang noo nito.

"No, thank you sir. Baka mas mabagalan lang po ako ng dahil sa inyo!" Inis naman nitong sagot sa akin.

"Tsk! Suplada! Ikaw na nga itong pinapasabay eh!" Asik ko.

Nabigla naman ako ng mag walkout ito. Bakit ba ang hilig niyang mag walkout? Ayaw niya pa sanang sumakay pero pinilit ko ito kaya nakasakay na rin.

Agad kong minaneho ang sasakyan patungo sa hospital I know matatagalan kami sa byahe dahil napakalayo ng hospital nila sa mansion.

Isang oras din ang lumipas bago kami naka rating sa hospital, agad din namang bumaba si Janeth sa sasakyan at nauna ng pumasok sa loob. Walang hiya talaga yung babaeng yun 'di man lang ako hinintay.

Pumasok na rin ako sa loob, pagkatapos kong mag park ng kotse. Nadatnan ko naman si Jane na naka upo sa waiting chair. Halata sa kanya ang kaba at pagod.

 Maxwell's Obsession Series #1 : You're Only Mine Where stories live. Discover now