Chapter 20

216 38 0
                                    

Jerson's Point Of View

Mag tatatlong buwan na simula nung mawala si boss Jake. Pansin Kong palaging dumadalaw itong anak ni mayor kina queen.

Nagtataka Ako kung bakit sya feeling close. He even gets the trust of Clifford. Hindi naman sa naiingit Ako sa closeness nila ng bata— I just don't like him. Para bang may masama s'yang binabalak sa mag ina?

May side ko kasing nagsasabi na dapat ay kilalanin ko muna ang mga taong pumapasok sa buhay ng mga Maxwell.

Kailangan kong makaseguradong hindi n'ya mapapahamak ang mga bata dahil kung may mangyari sa kanila ng dahil sa lalaking iyon buong JDM Gang ang makakaharap n'ya.

THIS day, as always nandito lang ako sa labas ng school ng kambal and as usual heto ako right now naghihintay kung kailan ang uwi-an nila. It's already 3:45 pm malapit na ang uwi-an nila. Binabantayan ko talaga ang kambal ng maigi mahirap na baka madamay pa sila sa gulo.

Dahil kahit Patay na si boss Jake—alam kung hindi titigil Ang mga kalaban n'ya na gumanti lalo't na't may mga anak si boss.
Nakahinatay lang ako sa labas ng gate at nagsandal ng likod sa pader. Ang tagal naman kasi nakakabagot.

Mag lalakad na sana ako ng may maramdaman akong presensya ng tao, napalingon ako sa gawi para makita ko kung sino iyon pero Wala talaga akong makita. Na alerto naman ako, at ramdam kong may nakatitig sa akin kaya isiniwalang bahala ko muna ito. I need to make the twins safe first bago ako humarap rito.

Agad akong nagmasid sa paligid para hanapin kung sino man ang taong yun pero wala talaga akong makita at maya-maya lang ay bigla nalang nawala yung nagmamasid sa akin. Who the hell are you man? Bakit kailangan mo pang magmasid? HAHAHA takot ka ba?

Hindi ko nalang yun pinansin at bumaling nalang ang atensyon ko sa school's gate dahil narinig kong nag bell na ito at hudyat na iyon na uwi-an na nila. Napangiwi naman akong tumingin kay Clifford. Aba-aba ang batang 'to?! Ayun, sapol! Hahaha! May pinagmanahan rin pala ito sa akin!

Hindi ko napansin na marami palang taong naka agaw ng pansin sa'kin. Medyo na pahiya pa ako dahil sa narealize ko.

Hindi ko na napansin na pinag titinginan na ako ng mga tao. Gago! Huli na ako! Baka iniisip nila ngayon—baliw ako?!

Shit! This is such an embarrassment! Nakalimutan ko! Para akong baliw dito na natatawa na lang basta -basta.

"Wow! Ang cute naman ng smile n'ya!"

"Oo nga!"

"Gosh ang hot naman n'ya!"

"Oh my god! Ano kayang name n'ya?"

"Ang gwapo n'ya!"

"Yeah! Ang angas ng dating n'ya!"

"True! Mas lalo pa s'yang gumagwapo pag tumatawa!"

"Nakakalag-lag naman ng panty ang lalaking ito!"

"Starting today, Ako na palaging maghahatid at sundo sa kapatid ko para always ko na s'yang makikita!"

"Tama! Ako rin!"

Samot saring papuri at tili nila sa akin, grabeh naman ang mga babaeng ito kiligin, kaya I just looked at them and smile. Mas lalo naman silang nag hiyawan ng dahil sa pag ngiti ko.

Hayst! Hirap pala maging gwapo, shshshs. Napalingon naman ako sa gawi ng kotse ko kaya agad akong naglakad at kinuha ang limousine car ko na ibinigay sa'kin ni queen Elria nung birthday ko.

Yun yung ginagamit ko pang service sa mga bata. Agad ko namang pinaandar patungo mismo sa harap ng gate.

"My god!!! Mayaman din s'ya!" Tili naman ng isang babae, mas lalo lang tuloy na naging maingay ang paligid.

 Maxwell's Obsession Series #1 : You're Only Mine Where stories live. Discover now