Chapter 64

332 32 0
                                    

Jake Daven Maxwell's Point of View

"Daddy?!" Sigaw ng anak kong si Clifford. Kakauwi ko lang...Dito sa bahay namin. "Premo?! Come here! Daddy's here! Daddy's here!" Paulit-ulit na sambit nito.

Agad namang tumakbo si Clifford sa akin at umamba ng yakap. "Daddy, I miss you so much!" Aniya habang mahigpit ang yakap sa akin.

"Oh, I miss you too, son." Aniya ko. Nakita ko naman si Premo na patakbong pababa ng hagdan. "Premo, careful baka mahulog ka sa hagdan." Suway ko dito.

Dali-dali naman itong lumapit sa akin at yumakap. Kinarga ko naman ito, Jesus ang bibigat na nila. "I miss you dad. Finally we're now complete." He whispered.

"I miss you too,buddy." I said at ginulo ang buhok niya. Nakita ko namang nakanganga si Elria habang pinagmamasdan kaming mag-aama.

Natatawa naman ako ng dahil sa mukha niya. Halatang naguguluhan siya. Umasta kasi yung mga bata na nakita na nila ako eh, na alam nilang buhay pa ako at hinihintay lang nila akong bumalik.

Which is true. My sons know that I am alive. Except to my wife na kahapon niya pa nalaman.

Nahuli kasi ako ng mga bata na ito sa favorite park namin eh. Hindi ko lubos na akalain na makikilala pa nila ako dahil 2 years nila akong hindi nakita at akala ko ay kinalimutan na nila ako.

But I am wrong, nakilala pa rin ako ng mga anak ko, they even help me to do such a thing. Nung nagkita-kita kami muli ay bumabawi na ako sa kanila. Palagi ko silang patagong dinadalaw, ipinapasyal, nireregaluhan ng mga bagay na gusto nila.

Nangako rin ako sa kanila na babalik ako sa tamang panahon. Babalikan ko sila at babawiin ko ang mommy nila, I know kahit hindi sabihin ni Elria sa akin ay alam kong muntikan na siyang mahulog sa patibong ni Kent.

And here we are. Kompleto na kami at wala ng kunsino mang makakapanira at makakapaghiwalay sa amin. Hindi ko na hahayaan pang maulit iyong mga nangyari. Seguraduhin oang nila na patay ako at hindi na mabubuhay pa muli dahil pagsisisihan talaga nila ang mga nagawa nila.

Elria Shane's Point Of View

GULAT na gulat naman akong napatingin sa mag-aama ko. Tila bang alam na ng mga anak namin na buhay siya at hinihintay lang nila itong makauwi o makabalik sa amin.

"I know naguguluhan ka wife but let us explain first." Aniya nito bago niya ibinaba si Premo.

At yun na nga, he explained everything. Alam na pala ng mga bata na buhay ang ama nila at sekretong nagkikita-kita. Ang galing, hindi man lang ako naghinala.

"Since now we're complete, sana wala ng magiging hadlamg sa buhay natin." Biglang aniya ko. "Sana nga wife, sana nga." Sagot naman ni Jake habang niyayakap ako.

"Ay yeah, manang! Where's Devi?!" Pasigaw na tanong ko kay manang upang marinig niya ako bigla ko kasing maalala na wala pa pala siya dito sa sala.

Agad ko namang nakita si manang na buhat-buhat si Devi. Papunta ito sa gawi namin, at dahil miss ko na rin ang bunsong anak ko ay ako na mismo ang lumapit kay manang at kinarga si Devi.

"Hi meme." Bulol na bati nito sa akin. Natatawa naman ako dahil malapit na siyang mag three years old pero hanggang ngayon ay bulol pa rin ito kung magsalita.

"Hi baby, I miss you." I said. Hindi naman siya nagsalita bagkis ay hinalikan niya ako sa pisngi sabay sabing "meme" tyaka ngumiti ng pagkatamis-tamis.

 Maxwell's Obsession Series #1 : You're Only Mine Where stories live. Discover now