Chapter 50

227 37 2
                                    

Janeth's Point Of View

Naghahanda na ako ngayon ng pang-almusal namin. Hinanda ko na rin ang mga kakailanganin ng mga alaga ko.

Masyadong napa-aga ang gising ko tulad ng sinabi ni ma'am Elria sa akin. Maaga akong gumising, naligo at naka uniform na.

Napansin ko naman na pababa na Sila, habang karga-karga ni ma'am Elria ang bunso niyang anak na si Devine.

"Good morning! Hali na po kayo at kakain na!" Sigaw ko sa kanila at agad namang nagsilapitan ang mga bata at kumain.

"Good morning too!" Sabay-sabay nilang bati sa akin.

Umupo naman si ma'am Elria at nag simula na ring kumain kahit ang anak niyang babae ay para nang monkey makakapit.

HAHAHA joke lang baka sabunutan pa ako ng ina eh!

"Ate Janeth, come join us!" Pag-aaya naman sa akin ng alaga kong si Clifford. Agad naman akong umiling-iling bilang pag tanggi.

Alam kong masama ang tumanggi sa grasya pero busog na kasi ako eh. Kumain kasi agad ako pagkatapos kong asikasuhin ang sarili ko.

"Clifford is right, come eat with us." Sabat naman ni ma'am Elria habang sinusubuan ng ulam ang babae niyang anak.

"Hindi na po ma'am. Okay na po ako. Busog na po ako at s'yaka po nakakain na rin po ako ng agahan kanina." Pagpapaliwanag ko sa kanya kaya tumango na lang ito dahil wala naman na siyang magawa at alam ko naman na ayaw niya akong pilitin.

Totoo rin naman tapos na akong kumain kanina pa. Napatingin naman ako sa mga bata na masayang kumakain. Napabaling din ang tingin ko kay ma'am Elria kung paano niya asikasuhin ang mga anak niya.

Nakakamangha si ma'am Elria kasi kahit subrang busy na niya sa trabaho niya ay nakakapag spend pa rin siya ng time para sa mga bata. Gustong maging katulad ni ma'am na marunong mag manage ng oras niya para sa lahat ng bagay-bagay.

Nanapisip tuloy ako. Ano kaya ang gender ng baby ko? Magiging kamukha ko ba s'ya o magiging kamukha ang tatay n'ya? Wag naman sana sa tatay! Ako kasi ang mag-dadala ng siyam na buwan sa sinapupunan ko ang bata tapos sa iba naman magiging kamukha!

Aba! That's too unfair! To be honest, ayukong maging kamukha siya ng ama kahit aminin kong gwapo ang daddy niya. Ang hirap kasi kapag ganun. Kita ko naman kasi sa mukha ni ma'am noon kung gaano siya ka-inis ng wala man lang nakuhang arko o wangis ni ma'am sa kambal.

Ang kambal ay parang carbon copy lang ni sir. Kita ko ang pagbusaangot sa mukha ni ma'am noon habang tinitignan ang repleksyon ng kambal niya na kuhang-kuha ang wangis ng ama.

Napatigil naman ako sa pag-iisip ng medyo ginugutom ako, hayst kung kailan pa malapit ng matapos silang ma'am kumain s'yaka pa ako nagutom ulit.

Wala naman akong choice para hanapin yung gusto kong kainin. Parang nag-c-crave ako ng strawberry ngayon. Parang may stacks pa naman ata sa refs ng nasa refrigerator.

Pagka-hanap ko ay agad ko namang nilantakan ito. Marami na akong nakain. Hindi ko na rin namalayan kung ano'ng oras na baka ma-late pa ako.

Kain lang ako ng kain hanggang sa nabusog na ako. Mas nauna pa pala akong natapos kumain. Agad ko namang niligpit yung pinag-gagamitan namin tuwing kumakain.

Naghugas muna ako, napansin ko kasing natapos na rin sila ma'am at ang bata kaya agad kong niligpit ang mga pinag kainan namin.

Pagkatapos ay napatingin naman ako sa wristwatch ko. Hala! Paktay! Ma-l-late nako! Gagi! Anong gagawin ko?! Ma-l-late na'ko! Ang layo pa naman nag school!

Nag mamadali naman akong lumabas sa kusina para mag-punta sa living room. Nakita ko naman si ma'am Elria at ang mga bata na naka-upo.

Agad naman ako nitong napansin kaya agad na nito akong inaya. Kaya pala hinintay ako kasi sabay kaming pupunta sa school — ay oo nga pala kakausapin pala niya si sir Kiel tungkol sa pag-bubuntis ko.

 Maxwell's Obsession Series #1 : You're Only Mine Where stories live. Discover now