Chapter 57

390 37 0
                                    

Elria Shane's Point Of View

It's been one month since then, and daming nangyari sa buhay ko. Isangbuwan an din mula nung mawala ng parang bula ang mga Chavez. Sayang at hindi man lang siya nakadalo sa birthday ng anak-anakan niya. Nalungkot tuloy yung baby ko kasi wala daw ang favorite tito ninong niya.

Tanong ng tanong din sa akin ang bata kung nasaan ang tito ninong niya, bakit daw hindi siya pumunta sa birthday niya, busy ba daw siya? Ang dami niyang tanong na hindi ko masagot kasi hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.

Napamahal na kasi yung bata sa kay Kent. Kent is the one who is spoiling my daughter too. Siya yung pumupuno sa mga oras ng panganga-ilangan ng anak ko, palagi siyang nandiyan kung may kailangan ako. Siya rin yung nag-aalaga sa akin sa tuwing may sakit ako and also siya yung nandyan para alalayan ako sa pag-bubuntis ko kay Devine.

Napaka swerte namin ni Jane sa dalawa naming boy bestfriend, masyado silang mabait sa amin. They are both over protective on us, matulungin din at palaging active pag may pangangailangan kami or kailangan talaga namin ng tulong.

Kaya nung nalaaman ko na bumagsak ang company nila I am really welling to help him. I do really want to help him na makabangon ulit, kahit papaano ay makabawi man lang ako sa kabaitan niya sa akin.

Pero wala na akong magagawa siya na mismo ang umayaw kaya wala naman na akong magawa pa. Sabi niya sa akin, mas mabuti na lang daw ang ma bankrupt daw yung company nila para naman daw ay makapag pahinga siya.

FLASHBACKS...

"Kent!" Agad kong tawag sa kanya ng makapasok na ako sa opisina niya. Kitang-kita sa hitsura niya ang emosyong nararamdaman niya. Stress, pagod, defeated, problemado. Naiiyak naman din siya sa nakikita ko dahil namumula naman ang mata nito.

Agad naman itong napatingin sa akin na papapunta sa gawi niya. Bahagya naman siyang nagulat ng makita ako. Alam ko na alam na niya kung ano ang pinunta ko dito. It's all about on his company's bankruptcy' halos buong social media, Tv's and every channels ay ang pagka bankrupt ng Chavez corporation ang laman kaya mabilis lang kumalat ang balita.

I'm sure na aayawan na sila ng mga tao dahil naghihirap na sila and as his girl bestfriend, I will do every thing to help him para makabangon sa kahirapan ang kompanyang dugo't pawis ang nilaan niya para lang mapaganda ang takbo ng kompanyang galing pa sa grandparents niya.

" Shane! What are you doing here?" Agad naman nitong tanong sa akin ng tuluyan na nga akong nakalapit sa kanya. " I am here to comfort my bestfriend." I innocently answer. Bahagya naman itong napayuko, I feel his pain. Alam kong nasasaktan siya dahil ramdam na ramdam ko iyon.

Mula nong nakabalik daw siya dito sa pilipinas ay agad daw niyang hinandle ang Chavez Corporatipon kahit wala pa siyang masyadong alam sa kompanya ng mga magulang niya. Lahat ng oras niya doon niya ibinigay, buong buhay niya ay ibinigay lang niya sa kompanya niya kaya alam kong he is feeling so down right now because his company that he worked for almost five years suddenly disappear or should I say it become bankrupt.

"You don't need to comfort me, I'm fine." Sabi niya sabay pilit ng ngiti. Nagagawa niya paring ngumiti sa harapan ko kahit kitang kita na namomroblema na siya.

"No, You're not." Pangunguntra ko pa. "I can help you Kent, sabihin mo lang kung gaano ka laki ang amount para mapabangon ulit 'tong company mo." Pagkukumbinsi ko naman sa kanya.

"Hindi na kailangan, Shane. Hayaan mo na na bumagdak ang company na' to. So atleast I can rest and enjoy my life and my time na hindi nagta-trabaho di'ba?" aniya sabay tingin sa mga mata ko.

 Maxwell's Obsession Series #1 : You're Only Mine Where stories live. Discover now