Sa mundong kung tawagin ay Saztrel, sa kaharian ng Myrtle, may hari at reyna na lubusang minamahal ng kanilang nasasakupan.
Pinamumunuan nila ang kanilang kahariang may lubos na pag-ibig at kabutihan. Sa tatlong siglong naitayo ang kaharian, sa kanilang pamununo hustong umusbong at umunlad ang lahat.
Ngunit sa kabila ng masaganang buhay ng hari't reyna may isa pa rin silang problema. Sa isang dekada nilang kasal, hindi pa rin sila binibiyayaan ng anak na siyang magiging tagapagmana ng kaharian.
Humingi sila ng tulong sa iba't ibang manggagamot at mahikero sa bawat sulok ng kontinente. Pero wala kahit isa ang nakatulong sa kanila. Nang magsimula ng mawalan ng pag-asa ang hari't reyna, isang misteryosong babaeng nababalot ng puting roba ang nagpakita sa kanila.
Ipinakilala niya ang kanyang sarili bilang isang Babaylan at sinabi niyang sinugo siya ng Diyosa ng Liwanag at Buhay na si Lumiera. Winika niya sa hari at reyna na kapag araw-araw silang nanalangin kay Lumiera sa loob ng isang taon, bibiyayaan sila ng pinakamimithi nilang anak. Ngunit dapat walang araw na hindi sila makakapagdasal.
Ginawa nila ang binilin ng Babaylan. At sa unang araw ng Pebrero ng sunod na taon, biniyayaan nga sila ni Lumiera. Ang reyna ay nagdalang tao.
Isang himalang nagbigay kasiyahan sa buong kaharian. At ang reyna at hari na kilala bilang mabubuting tao, ay hindi nilimot na ipakita ang kanilang pasasalamat sa Babaylan. Ngunit hindi na nila kailanman nakita o nahanap pa ang Babaylan.
Kaya bilang pasasalamat, nagpatayo sila ng rebolto ni Lumiera, ang Diyosa ng Liwanag at Buhay.
Pagkalipas ng siyam na buwan, nagsilang ang reyna nang napakaganda at malulusog na kambal, isang prinsesa at isang prinsepe.
Ang kambal ay nagtataglay ng buhok na para bang hinibla sa pinakapinong ginto at mga matang kakulay ng maaliwalas na kalangitan sa umaga. Lahat ng nakakita sa kanila, ay tinagurian silang mga anghel na isinugo sa lupa ng Diyosa upang basbasan ang kanilang kaharian.
***
"Para nga silang mga anghel, katulad ng nakasulat sa nobela," nakatitig lamang si Fourteen sa kambal na royalty na nadakip ng kanyang ama, at siya ring kinakatakutan na Demon King sa mundong ito.
Pero ang mundong ito ay nasa loob ng nobelang nabasa ni Fourteen sa una niyang buhay bago siya mareincarnate. Ang Chaos Arise.
At least six feet mula sa lupa, ay may nakatayong isang stage. Kung saan ang royalty na kambal ay nakakadena sa upuan. Ang upuang, idenisensyo para lamang sa kanila upang hindi nila magamit ang kanilang mahika.
'Prinsesa Margarette and Prinsipe Maven, kapag nagdesisyon silang magpanggap bilang isa't isa, hindi madaling malalaman ng kahit sino ang pagkakaiba. Since kambal sila, natural lang yun.'
Pinagpatuloy ni Fourteen ang kanyang pagmamatyag.
Si Haring Ventrizel, ang demon king at ang kanyang ama. Nakasuot siya ng isang itim na coat na gawa sa pinakamapal na balat ng dark dragon. Mayroon siyang nakakatakot at malakas na presensyang sumisigaw sa lahat ng naroon ng kanyang awtoridad at kasamaan.
Dahang dahang naglakad ang Demon King papunta sa kambal na royal. Nakakasindak ang kanyang mga ngisi. Ngunit, hindi mo makikita ang takot sa dalawang royal. Namumuhing tiningnan nila ang Demon King, minamatyagan ang bawat kilos na gagawin nito.
BINABASA MO ANG
Tale of the Unknown Daughter of the Demon King
FantastikMyrene reincarnated as the unknown daughter of the villainous demon king in the novel Chaos Arise. A novel she once read in her previous life. In order for her and her newfound loved ones to survive, she would need to follow the demon lord's evil wa...