A/N: Hi! Enjoy! :)
Journey 1//
Kapag summer, para sa akin ito ang pinaka nakakainis: Ang umattend ng Summer School!
Wag kayo, hindi ako bagsak kaya kailangan kong umattend dito. Ewan ko ba sa Parents ko, in-enroll nila ako dito. Gusto lang siguro nilang magka-quality time.
Pumasok ako sa isang room na may poster na, "WONDERSTRUCK MUSIC SUMMER CLASS"
"Bakit ba kasing kailangan pang matuto ng guitar? Eh mas maganda nga kung human voice na lang eh, hindi ko na kailangan yan. Maganda naman ang boses ko." Naiinis lang talaga ako, sana nasa beach ako nag-su-swimming kaysa maghintay dito para sa guitar lesson tutor mo.
Magaling na musician ang parents ko, they sing and play instruments very well. Maipagmamalaki sila dahil sa talent nila at dahil sa bait nila. I am proud of them.
Ako, si Park Jimin, senior college student na this coming school year. Mahilig sa music pero walang hilig sa pagtugtog. I sing and dance and for me yun ang combination ng good arts. Kaya tingin hindi ko na kailangan pang matutong maggitara, pero wala naman ako magagawa.
"Wala pa po ba ang tutor ko?" Tanong ko sa katabi kong table na kasalukuyang nagtuturo na sa kanyang student. I guess...40 years na ito. Matanda na rin ba ang magiging tutor ko?
"Si Jungkook ba ang tutor mo? Hintayin mo na lang Miss, ganyan talaga yun laging late, nagvo-volunteer lang naman kasi siya eh." Ay, baka dahil sa sobrang tanda na ay hindi na makikilos ng mabilis kaya laging late. Wag naman sana.
Nilabas ko na lang ang ipod ko at earphones, nakakabagot maghintay.
"Kung sabihin kong mahal kita 'yan ang totoo sinta. Wag na wag yang magdududa, hindi kita binobola..." Kumakanta lang aka ng machina para hindi ma-destruct yung mga nags-start na ng lesson.
"Kahit na ika'y pumangit, hindi kita ipagpapalit..."
May narinig kong pumalakpak kaya napahinto ako bigla. Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko.
"Ang ganda ng boses ng itu-tutor ko ha? Hi, I'm Jeon Jungkook, your tutor for this guitar lesson." OMG, mamayang pagkauwi... magpapasalamat talaga ako kina papa! Gwapo nito.
"He-he-he, thanks. Jimin, here."
"Where?" Tumingin ito sa paligid.
"Huh?"
"Nasan yun pusa?" Ahhh. Ay, sira pala toh.
"Joke lang, chill. Jimin, nice name."
"Nice name ka diyan, kanina nga inaasar mo ako eh."
"Palabiro lang talaga ako kapag nakakakita ng maganda babae." Pasalamat ka at gwapo ka.
"May alam ka na ba sa mga basic guitar chords?" Tanong ni Jungkook.
"Tingin mo ba nandito ako kung alam ko na?" Commonsense 'tol.
Napakamot na lang ito sa batok niya, "Sabi ko nga, mag-sstart muna tayo sa basic chords then sa strumming at plucking na. Ready?" I nodded.
--
"Kung alam ko lang na ganito pala kahirap ang mag-aral ng gitara edi sana nagpalipat na lang aka sa piano lesson. Haay." Reklamo ko pagkatapos ng first session ng guitar class. Kaming dalawa na lang ni Jungkook ang hindi pa kumakain, kasi naman ang sabi niya hindi daw ako kakain hangga't hindi ko daw nakukuha yung correct tune ng mga basic chords na tinuro niya. Ang sakit na kaya ng tip ng fingers ko. Huhuhu, magkaka-kalyo pa yata toh.
"Mas mahirap kapag piano." Sumagot siya sa akin habang inaayos niya yung mga gamit niya.
"Ah basta! Mahirap talaga ang guitar! Haay, look at my fingers they are tumitigas na. Huhuhu." Kinuha niya yung kamay ko then tiningnan niya.
"Ano ka ba, normal lang yan kapag nag-gigitara ka. Masasanay ka rin." Sabi niya sa akin.
"Eh kasi naman, ayaw ko naman talagang matuto nitong paggigitara. Kaya walang rason sakin para ayusin yon." Reklamo ko na naman.
"Marami, sayang yung binabayad ng parents mo dito."
"Eh, libre lang naman ako dito dahil nga sa professor na yung dad ko sa Music department. Kaya nga volunteer student yung tutor ko eh." Ayon kasi sakanya nagvolunteer lang siya para magturo simula highschool, ritual na niya yon every summer. Pero first time daw niyang magturo ng ka-age niya, sa secondary department kasi siya dati. Ngayon lang siya nag-college department. Kaya ang malas niya at ako ang nakatoka sakanya.
"Sayang naman yung opportunity dito, maganda pa naman ang boses mo, baka maging singer ka pa."
"Maraming singers ngayon na sumisikat kahit na they don't play guitar or any instruments. They use their voices to capture people's heart and money. Kaya walang dahilan na ayusin ko ang guitar lesson na 'to." Naiirita na rin ako sa pagsagot niya. Don't get me wrong, I'm kind and everybody knows that. Kaya lang palaban lang talaga ako and I'm independent, they give me independence on my decisions, of course, aside from my parents' decisions.
"Okay, marami ka pang pwedeng maging rason para matuto ng pagtugtog ng guitar. I can give you one and wonderful reason..." Biglang sabi niya at saka na tumayo.
"What?"
"Well...I can be your reason so you will learn so fast and easy. What d'you think, Park Jimin?" Then he smirked and left.
Napamaang naman ako sakanya, ano daw? Ano namang ibig niyang sabihin dun? Gusto ba niya na magustuhan ko siya? Kailangan pa bang hilingin yung bagay na yun? Nakuu, sa kagwapuhan mo pa lang, Jeon Jungkook...magugustuhan na kita.
--
-xoxo, Mingeuk58!
YOU ARE READING
The Unseen Superstar (Jikook)
FanfictionSometimes people can't just let go of something really important... even if it needs to.