Journey 8//

4 1 3
                                    

Journey 8//


Six months after...



We're free!


   Sobrang saya lang, kasi natapos na kami sa pag-aaral. Kanina sa Graduation namin, halos nag-iyakan kaming lahat lalo na yung mga mag-super classmates. Nakakalungkot na sobrang saya. Nakakalungkot kasi iiwan mo na ang school life kasama na dun ang mga ilang taon mong naging kaibigan, pero masaya din kasi nakatapos na kami ng pag-aaral. Another level na naman ang pagdadaanan ng bawat isa sa amin.

"Anak, nasa baba na si Jungkook."

Tumingin ako ulit sa salamin, nang makuntento na ako sa itsura ko sumama na rin ako kay mama pababa.

Pagkababa namin, magkausap si papa at si Jungkook.

"Ayan na pala si Jimin eh. Oh Jungkook, pinapaubaya ko na sa'yo ang anak ko for this day." Tumayo si papa at saka tinignan kaming dalawa ni Jungkook. Napa-seryoso ng mukha niya. First time kasi ito na buong araw kaming magsasama ni Jungkook. May closing party kasi kami na pupuntahan at ni-require kaming mag-overnight.

"Honey naman. Matanda na sila. Hayaan na natin sila, 'kay?" Singit ni mama sabay abot nung bag ko na kung saan nakalagay ang mga damit ko.

"Mag-iingat kayong dalawa ha?" JK, ikaw na bahala sa anak ko." Muling sabi ni papa.

"Babye, pa, ma. Alis na kami ha?" Humalik ako sa pisngi nina mama bago kami sumakay ng kotse. Ganun din ang ginawa ni Jungkook sa mama ko.

"Paano ba 'yan, pinapaubaya ka na ng mga magulang mo sa akin. Hindi naman siguro sila magagalit kung itatanan na kita ngayon diba?" Nagulat ako sa sinabi ni Jungkook nung nagsimula na siyang mag-drive. Kahit alam kong biro lang 'yon, pero syempre magugulat ka pa rin.

"Iyang biro mo ha, Jungkook." Sabi ko sabay kurot ng mahina sa bewang niya.

Pero no reaction lang siya. Ang seryoso niya. H-hindi kaya...seryoso siya sa sinabi niya?

"S-seryoso ka?" Tanong ko sakanya.

Tumingin siya saglit sa akin tapos nagpatuloy sa pagmamaneho, "Oo. Tutal may dala ka namang damit, so ano payag ka?"

"Alam mo namang gusto kitang makasama. Pero kasi...diba yung mga nagtatanan lang eh yung mga may problema sa mga magulang nila? Wala naman tayong problema sa mga magulang natin ha." Napayuko ako. Wala naman kaming problema sa magulang ha?

"Alam ko yun Moo." Hinawakan niya ang kamay ko. Kaya napatingin ako sakanya at dun nakita ko yung natatawa niyang mukha.

"Kainis ka naman Jungkook eh! Akala ko seryoso ka na! Hmp."

Tinawanan lang niya ako tapos hinalikan ako sa pisngi kaya nawala na ang inis ko.


**


"Moo...gising na."

"Moo..." Niyugyog ako ni Jungkook ng mahina. Nagkunwari pa rin akong tulog, wala trip ko lang. Gaganti lang ako sa kalokohan niya kanina.

"Moo, gising na. Nandito na tayo sa resort oh."

"Moo?" Niyugyog na naman niya ako. This time medyo nilakasan niya, pero hindi pa rin ako nagigising. Syempre, nagpapanggap lang akong tulog.

After ilang seconds, tumigil din siya sa kakayugyog sa akin. Aba, iniwan na yata ako nito. In-open ko ng kaunti yung mata ko pero yung kunwaring tulog pa rin.

The Unseen Superstar (Jikook)Where stories live. Discover now