Journey 5//
It's our start. A start of a new. Habang patagal nang patagal mas lumalalim ang pagkagusto ko sakanya. Or should I say ang love ko sakanya.
Two months na rin nang magsimula siyang manligaw, hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin kasi naman siya naman talaga ang may gusto nitong ligawan. Pero para sa akin sinagot ko na siya, siya lang talaga ang makulit.
Kapag naman ino-open yung pagsagot ko sakanya lagi naman niyang sinasabi na, 'Wait for the right time' tapos kikindat siya. Kaya wala akong magawa kundi maghintay na lang. Ibang klase nga kasi parang ako pa ang naghihintay. Pero alam ko namang naghihintay din siya.
Pagkatapos ng proposal niya sa akin noon, hinatid niya ako pauwi. At doon, hiningi niya ang permiso ng parents ko sa panliligaw. Natatandaan ko pa nga nung hawak niya yung kamay ko habang sinasabi yon tapos biglang tiningnan ni papa yung mga kamay namin kaya bigla siyang napabitaw. Pumayag sina mama, kakilala naman daw kasi nila si Jungkook.
After that night, lagi na kaming lumalabas ni Jungkook. Kahit saan kung saan kami mapadpad. Syempre, hindi naman mawawala ang mga fans niya. Kaya kapag may nakakakita sa amin at magtatanong ang sasabihin niya, 'future girlfriend ko to' Kapag naririnig ko iyon, proud ako. Hindi naman sa pinagmamayabang ko siya...pero hindi ko talaga maiwasang hindi maging proud kung ganitong klaseng lalaki ang nagmamahal sayo.
Dumarami na rin ang gigs niya, kaya mas sumisikat na siya. Pero syempre, patuloy pa rin ang guitar tutorial niya sa akin kaya mas nagiging madalas ang bonding namin. Pero sa kahit anong performance niya hindi ako nakakapunta, hindi naman niya ako niyaya at hindi ko naman ding gustong pumunta, baka ma-out of place lang ako. Pero ngayon...
"Pwede ka ba this Friday?" Tanong ni Jungkook sa akin pagkatapos niya ako maihatid sa bahay kakatapos lang ng Summer school namin.
"Friday?" Nag-isip muna ako kung may plans ako that day. "Oo. Bakit?"
"Yayayain sana kita sa isang gig ko. Game ka?"
"Totoo ba yan? Sige!" Nakaka-excite, gusto ko siyang makitang kumanta ulit. Naririnig ko na siyang kumakanta habang nagtuturo siya, araw araw pa nga eh. Kaso iba pa rin kung kumakanta siya na may ibang nakikinig.
After kong sumagot, nagliwanag ang mukha niya para bang sobrang saya niya nang dahil lang sa pagpayag kong iyon.
"Thank you so much, Jimin!" Pagkatapos, hinalikan niya ako ng mabilis sa pisngi.
--
Friday na...
Hindi ako mapakali, hindi ko kasi alam kung anong dapat kong suotin. Kailangan bang mag-dress? Or kahit jeans na lang? Sa gig lang naman niya ako dadalhin eh. Tumitingin-tingin na lang ako sa mga damit ko sa closet hanggang sa mahanap ko ang damit na babagay para sa araw na ito. Simpleng pink dress lang. Naglagay lang ako ng kaunting makeup para mas magmukha akong presentable. Hindi naman sobra, powder lang, lip tint at light eye shadow lang.
Pagkatapos kong mag-ayos, may sampung minute pa ako bago dumating ang sundo ko. Nag-text siya sa akin na hindi daw niya ako masusundo kaya yung family driver na lang daw niya ang susundo sa akin.
Iniisip ko lang kung bakit bigla siyang nagyaya? May surprise na naman kaya siya? Ohh...I can't wait for that.
--
"Salamat po." Pagkatapos kong magpasalamat sa driver, pumasok na ako sa isang club na malapit lang sa University namin. Dun madalas mag-hangout ang mga students ng Wonderstruck kapag Friday Night. Maganda kasi ang club na 'toh, there are different bands na nagpeperform every night, may mga single performers din pero once in a blue moon lang mangyari yun.
VOCÊ ESTÁ LENDO
The Unseen Superstar (Jikook)
FanficSometimes people can't just let go of something really important... even if it needs to.