Journey 7//

7 0 0
                                    

Super akong kinilig dito sa ginawa ko. Kaya kiligin din kayo please? XD


Play niyo po ang song natin for this chapter.

Piano cover by Calikokat.


Thanks!


-Xoxo, Mingeuk58! <3



Journey 7//


Ilang oras na ang lumipas pero hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nasabi ko kay Jungkook. Ewan ko ba kung bakit ko sinabi iyon, sa sobrang inis na rin siguro.

Parang ang bilis ng panahon. Parang gusto kong balikan yung unang araw na naging kami, yung araw na sinagot ko siya. Gusto kong balikan yung mga araw na nagde-date kami, yung mga araw na pinaparamdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal. Gustung-gusto kong balikan ang mga araw na kinakantahan niya ako kapag wala ako sa mood.

Kaso hindi na pwede, lumipas na ang mga araw na iyon. May 20, 20**, ang araw nung sinagot ko siya doon sa bar sa tabi ng school. Kahit na limang buwan pa lang kaming magkasintahan...sobrang napamahal na siya sa akin. Wala namang problema sa akin noon kahit na hindi kami madalas mag-date dahil nga sa status niya. But a month ago, bigla na lang siyang nawawalan ng time sa akin na kahit nasa school ay madalang lang kaming magkita. Tapos makikita ko siya isang araw sa school na may kasamang babae. Sino bang hindi masasaktan.

Tumayo na ako at nagpunta sa may kusina. 8 pm na kasi ng gabi, pero hindi pa rin ako kumakain ng dinner. Sina mama naman hindi ako niyayang kumain, mukhang nainis na talaga sa akin sa ginawa ko kay Jungkook.

Kung minamalas nga naman oh, naubusan ako ng ulam. Binuksan ko ang refrigerator para makahanap ako ng lulutuin. Hotdogs lang ang nakita kong madaling lutuin kaya yun na lang.

Magsisimula na sana ako magprito kaso may narinig akong kakaibang tunog. Tunog na ang sarap sa pandinig. Piano. May tumutugtog ng piano.

Normal na sa bahay na makarinig ng kung anu-anong musika dahil iyon ang hilig ng mga magulang ko. Lahat na yata ng mga instrumentong pagtugtog ay meron kami. Si papa ang magaling mag piano. Kaya kahit gustung-gusto kong magpaturo sakanya, hindi niya magawa dahil sa trabaho niya. Kaya nga pinaturo nila ako sa iba nung gusto nila akong matutong mag-gitara.

Ang sarap pakinggan ng tugtog na nagmumula sa Piano. Madalas kong makita si Papa na tinutugtugan si mama ng Piano lalo na kapag may sakit si mama. Kaya naging ideal man ko dati na yung magiging asawa ko ay magaling tumugtog ng piano. Parang gusto kong makita ang sarili ko na tinutugtugan ng taong mahal ko kapag nagkakasakit ako.

Patuloy pa rin sa pagtugtog ng piano si papa kaya hindi na ako nakatiis kundi puntahan siya at panuorin, ganon kasi ang lagi kong ginagawa. Minsan habang tumutugtog siya, ako naman ay kumakanta.

Palapit na ako sa may salas kung nasaan ang piano namin nang biglang napalitan ang kanta. Alam na alam talaga ni papa ang paborito kong kanta.



"Wise men say only fools rush in

but I can't help falling in love with you"


Kumakanta ako ng mahina habang umuupo ako sa may sofa malapit kay papa kung saan siya tumutugtog. Hindi ko na muna sila tinignan ni mama, kasi alam kong ma-inggit na naman ako sa sweetness nila.

The Unseen Superstar (Jikook)Where stories live. Discover now