Journey 3//

7 0 0
                                    

Journey 3//


Every month of our guitar lesson, may ginaganap na parang program. Nire-require na magpeperform ang lahat ng naggi-guitar lesson. Doon daw kasi malalaman kung may natututunan ba or none. Kaya ako, sobrang kabado...talagang hirap pa kasi ako sa pagtugtog. Yes, nakakatugtog na ako but it's not perfect, ang daming kong chords na naaa-out of tune. Ayaw kong mapahiya si Jungkook kaya dapat gagalingan ko. Tomorrow na ang program kaya todo practice na kami.

"Try and try lang. kaya mo yan, relax ka lang kasi at wag mong isiping magkakamali ka. Hindi naman kasi mawawala yan kapag beginner ka pa lang, eh kahit nga professional na nagkakamali pa, beginner pa kaya, diba? Kaya enjoy the song lang." ilang beses na naming inuulit-ulit itong ipepresent namin bukas, nakukuha ko naman ang kaso lang ang panget pa rin.

"Kung hindi lang talaga kita ka-duet bukas, hindi na ako magpa-practice eh. Pano ba naman, for sure mapapahiya ka kapag nagkamali ako." Nakayuko lang ako habang sinasabi yon then pina-pluck ko kung mga strings.

Hinawakan niya yung mga daliri ko kung saan ako naggigitara, "Magpahinga ka na? Tapos i-practice mo na lang 'yan sa bahay. Para hindi ka masyadong ma-frustrate sa presence ko. Kung anu-ano na kasi mga nasasabi mo e, okay?" Mabuti pa nga siguro. Tumayo na ako at kinuha ang bag at gitara ko.

"Tara, hatid na kita."

"May sasakyan ka ba?" Tanong ko dito.

"Wala pero may paa ako." Hinawakan na niya ako sa kamay at nagsimula na kaming maglakad.

Huminto muna kami sa may Seven-Eleven, balak lang naming mag-merienda sandali then uuwi na. Pagkatapos lang namin doon may napansin akong tatlong babae na nagbubulungan habang nakatingin kay Jungkook. Anong problema ng mga 'toh?

"Gusto mo ng Slurpee?"

"Uyy. Jimin."

Dun ko pa lang napansin na kinakausap pala ako ni Jungkook, sasagot na sana ako nang biglang dumating yung mga babae.

"Jeon Jungkook?" Sabi nung isang babae, Nginitian lang sila ni Jungkook.

"Pwede bang pa-picture? Love na love namin yung band niyo!" Hindi na nila hinintay ang sagot ni Jungkook at saka na sila nagsimulang kumuha ng mga litrato. Nag-a-alternate sila sa paglalandi este nagpapa-picture.

"Tayong tatlo naman with JK." Suggestion nung isang kasama nilang babae. Tapos tiningnan nila ako.

"So? Miss? Pwede ba?" Nag-rerequest ba ito o nag-uutos? Kainis lang. Bigla na lang niyang binigay sa akin yung cellphone nila.

"Three shots lang ha? Gandahan mo!" Aba't talagang inutusan ako. Hinayaan ko silang nagpopose, at kunwari may pinipindot ako.

"Can I see?" Lumapit sakin yung isang babae 'pinaka-maldita' sa lahat. "Nasan yung mga kinuhanan mo? Bakit wala? Are you making fun of me?"  Now, it's my turn to smirk. Picture-in mo sarili mo! Lumapit din yung dalawang babae sa amin.

"Oh, girl, bakit hindi mo kasi tinuruan kung paano gamitin iyang phone mo? Ayan tuloy di naman pala niya alam gamitin eh." Sabi nung isang babae at saka sila nagtawanan.

"What a fool! Miss, hindi mo ba alam gamitin ito? Ito lang naman yung pipindutin mo kapag nagte-take ng picture." Idinuro niya ang phone niya sa akin, "See? Simple and easy. Hindi ka na nahiya kay JK, alam-"

"Excuse me." Nagsalita si Jungkook tapos ni-link naman ni "pinaka-maldita" yung kamay niya sa braso ni Jungkook. Pero natuwa ako sa ginawa ni Jungkook. Inalis niya ang pagkakahawak nung babae sakanya at saka hinawakan ang kamay ko.

"Jimin, sa susunod na lang tayo mag-Slurpee, maraming linta dito ngayon." Mukhang nagulat yung tatlong babae. Of course, hindi naman ako basta basta lang magpapatalo.

The Unseen Superstar (Jikook)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum