Journey 2//

9 0 5
                                    

A/N: Mga 15 chapters lang po ang story na toh! :)) Kaya asahan niyo pong mabilis ang mga pangyayari at ang oras. 'kay? ;)



Journey 2//





It's been two weeks ng magkakilala kami ni Jungkook sa Wonderstruck Summer School. Masaya siyang kasama, komportable kami sa isa't isa. Kapag magkasama kami, tawa lang kami ng tawa. Mahirap i-explain, basta isa lang ang masasabi ko...

'He gave me a reason to continue my guitar lesson'

Gaya ng sabi niya pwede ko daw siyang maging inspiration kaya, go-go-go lang! I admit that I like him, hindi ko lang alam kung ganun din siya sa akin. I hope...

"Jimin, oh." Umupo siya sa tabi ko at saka ipinatong yung binili niyang Yum sa mesa ko.

"Thanks." Sinimulan ko ng kainin yung binigay niya, "Kwentuhan mo naman ako, Jungkook."

"Hey, ilang beses ko bang ipapaalala sa'yo na JK na lang. Pang-matanda naman ang Jungkook eh." Isa din ito sa dahilan kung bakit ako natatawa kapag kasama ko siya. Ang dami niyang reklamo...but I found it cute.

"Para maiba lang. Hoy, one year na lang ga-graduate ka na, anong balak mo sa buhay? Magi-Engineer ka?" Tanong ko sakanya, Engineering kasi ang course niya pero nasabi niya sa akin minsan na hindi daw talaga niya type ang course na napili niya. Wala lang daw para masabing may pinag-aralan.

"Hindi ah, may iba akong gusto." Sagot ni Jungkook at saka uminom sa Coke niya.

"Eh ano naman?"

"Ikaw." Sino bang hindi mag-aassume na gusto ka nitong lalaking ito? Eh lagi na lang niya ako pinapakilig.

"Seryosohin mo naman!" Kung may nakakakita sa amin iisipin na nag-aaway kami pero ganito lang talaga kami mag-usap.

"Ikaw muna. Ga-graduate ka din naman niyan next year eh. Ano din bang balak mo sa buhay?" Mukhang interesado talaga toh ha.

"Sasabihin ko basta ba wag kang tatawa ha?" Lumapit ako sakanya para ibulong na lang yung sagot ko, "Gusto kong maging madre."



Mukhang nagulat siya, "Seryoso?" I nod but deep inside not, "HAHAHAHAHA! I-ikaw? Pffft. Hahahaha." Mukhang may naalala siya then nagseryoso siya. Ano namang nangyari dito?



"Nangyare ? Tahimik mo?"

"Ah, wala. Seryoso ka talaga na gusto mong mag-madre?" Nakatingin lang ako sa mukha niya at kitang kita na gusto talaga niya malaman kung seryoso ako.

"Yes."

"Pero-"

"Hindi naman talaga, madre as in yung mga sisters. Gusto ko lang magpunta sa mga bahay ampunan then tutugtog ako para sa mga bata." Nag-imagine ako na naka-upo ako sa isa sa mga upuan at nasa paligid ang mga batang tuwang-tuwa sa tinutugtog.

Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako while keeping that image on my mind.

"Mukhang gustong-gusto mo talaga yun noh? Pwede ka namang tumugtog sa mga primary students dito, bakit sa bahay-ampunan pa?" Ngumiti muna ako sakanya bago sumagot.

"I'm an orphan. Three years old lang ako noon nung ako yung pinili nina mama. Sa dinarami-rami ng mga batang nasa ampunan, ako ang pinili nila. Kaya, I'm so thankful." Mukhang nagulat toh. Konti lang kasi talaga ang nakakaalam na ampon lang ako. Hindi naman sa itinatago namin, wala lang. Gusto kasi nina mama na dapat alam nilang lahat na anak nila ako, I think they love me that much.

"What happened to your biological parents?" He asked.

"Ang sabi ng madreng nag-alaga sa akin noon, dinala lang daw ako ng tita ko sa ampunan. One year old pa lang daw ako noon. Ang sabi, namatay daw ang parents ko sa aksidente. Kaya hindi ko na sila makikita. Then after a year ikinwento ni Papa na wala na rin daw yung tita ko. Kaya wala na kaming connection sa totoong pamilya ko." Pagkukwento ko sakanya.

"Uhmm. We are same."

Tama ba naririnig ko? A-ampon din siya?

"Ang pinagkaiba lang natin, hindi ako galing sa bahay-ampunan. Basta iniwan na lang ako sa harap ng gate ng mga parents ko ngayon, hindi ko na siya nakilala kasi hindi rin naman nila kakilala kung sino yung nag-iwan sa akin.  Basta may note lang na hindi na daw ako kayang buhayin ng totoong parents ko kaya...'yon." Hindi ko akalain na ampon siya. Vice-versa, hindi rin naman siguro niya akalain na ampon lang din ako.

"Soulmate pala tayo eh." Nag-biro na lang ako para gumaan yung ambiance ng paligid, "So, ano ang gusto mo sa buhay?"

"Maging superstar."

"Totoo? Superstar? Eh dapat pala magsimula ka ng magpasikat ngayon para matupad na!" Naki-ride na lang ako sa biro niya. Pero natahimik ako ng makita ko ang mukha niyang nakangiti lang sa akin.

"Ahm, seryoso ka?" Pwede rin naman siyang maging superstar. With his looks and talent. Yakang-yaka niya yon.

"Oo naman, alam kong napakataas naman ng pangarap ko. Pero diba sabi nga nila, kung mangangarap ka yung mataas na." Naghintay lang ako sa susunod niyang sasabihin, mukhang may gusto pa kasi siyang sabihin.

"And?"

"At saka pwede rin namang mangyari yun. I'm Jeon Jungkook." Nag-wink siya sa akin, "And I am a online celebrity."

Online celebrity pala siya eh.

Wait...

Celebrity?!

"OMG. Celebrity ka? Weh? Pa-picture!" Natawa siya sa akin.

"Kaya nga nachallenge ako sa iyo eh. Hindi mo kasi ako kakilala, kaya nga lagi kong ipinapa-alala sa'yo na JK na lng ang itawag mo sa akin pero wala pa rin. Binibigyan na nga kita ng clue pero mukhang hindi mo talaga alam."

"Sorry naman, hindi nga ako mahilig sa mga rock. Pero sisimulan ko ng makinig sa mga kantang pangbanda, for you!" Then tumahimik ako. "Alam mo bang pangarap ko ding maging singer? Yung magco-concert, magkaka-album, magmo-mall show. Pero tingin ko malabong mangyari."

"Jimin, walang imposible kung gusto mo talaga." Hinawakan niya ang kamay ko, "Lagi ko ring sinasabi sa'yo na kung hindi mo pa nasusubukan at na-eenjoy...wag ka munang sumuko. Okay?"

Ngumiti ako sakanya. Kung ganon, parehas pala kami ng pangarap. Ang maging Superstar.

This is one of the reasons why I'm falling in love with him. Hindi lang siya puro pa-cute, pa-pogi points...nag-a-advice din siya.


-xoxo, Mingeuk58!

The Unseen Superstar (Jikook)Where stories live. Discover now