(Please, kapag binasa niyo po ito. Pakinggan niyo rin po yung song. Thank you.)
Journey 11//
I closed the journal after reading it.
Tumingin ako sa lalaking nakahiga sa hospital bed.
"Oh ayan ah. Binasa ko na itong journal ko para sa'yo." Hinawakan ko ang kamay nito. "Jungkook, turn mo na. Di'ba sabi ko sa'yo dapat basahin mo rin yung journal mo para sa akin?"
Nanahimik ako saglit, baka kasi sumagot ito. Pero nadismaya ako nang nanatili itong tahimik. Wala akong magawa kung hindi ngumiti na lang habang nakatingin sa kanya.
"J-Jungkook...tignan mo oh. Lagi akong malapit sayo...ayaw ko kasing mahiwalay sa star ko. Kailangan kita, kailangan na kailangan kita, M-Moo." Kahit anong pigil ko sa mga luha ko na 'wag tumulo, wala ring nangyari, dahil kusa nang tumulo ang mga luha ko.
"J-Jungkook...ayaw mo na bang punasan ang mga luha ko?" Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Dati, kapag umiiyak ako lagi siyang nandyan para punasan ang mga luha ko.
"Jungkook...kaya mo pa di'ba? Kakayanin mo di'ba? J-Jungkook...b-bakit di mo sinabi sa akin? Moo, kailangan kita...wag mo muna akong iwan ha? Please?"
Sa lahat ng tanong ko, hindi siya sumasagot. Nanatili pa rin itong natutulog. Hindi ko maiwasang maawa sa kalagayan niya ngayon. Wala na sa itsura niya na ang Jungkook na nakilala ko, yung Jungkook na makulit. Ngayon...mukha na itong mahina. Ang mapula nitong labi ay naging maputla na. Malayong malayo na ito sa Jungkook na kilala niya. Pero kahit anumang itsura nito...alam kong mananatili pa rin ang pag-ibig ko para sakanya.
"J-Jungkook...pwede bang g-gumising ka na? Ayoko na ng ganito. Namimiss ko na ang boses mo. Magpapakasal pa tayo diba?" Hinalik-halikan ko ang mga kamay nito na may nakatusok na kung ano.
Alam kong sobrang nahihirapan na si Jungkook, pero gaya nga ng laging sinasabi ni Jungkook, 'selfish na kung selfish, nagmamahal ka lang'. Aminado akong selfish ako to the point na kahit alam kong sobrang nahihirapan siya ay pinili ko ang ganung sitwasyon. Wala akong ibang pagpipilian kundi hayaan siyang ganito.
-Flashback-
Pagkarating namin sa ospital. Umupo kami dun sa labas ng Emergency Room. Gulong-gulo ako, hindi ko alam kung anong nangyayari. Ang sabi ni tita may sakit si Jungkook, pero anong sakit?"
We waited for almost six hours outside the emergency room. Iyak lang ako ng iyak habang pilit naman akong pinapatahan ni mama.
"W-We already experienced this...twice." Nagulat kami lahat nang biglang magsalita si Tita. Nanahimik lang kasi kaming lahat. Si Tita lang ang nagkalakas ng loob para basagin ang katahimikan.
"Jungkook, my son, dalawang beses na siyang pumasok dyan." Paglalahad ni Tita Minji. Walang nagsalita sa amin, hinihintay lang namin ang susunod na sasabihin ni Tita Minji.
"Remember the time na sinabi naming may two weeks gig siya sa Boracay? Yung two weeks na iyon ay naging one month. H-He became unconscious for one month. Kahit gustung-gusto kong sabihin sa'yo ang kalagayan niya. Hindi ko magawang sabihin, Jimin."
"Two years ago nalaman namin m-may Renteria's Disease siya. Mas malalang kaso iyon ng brain cancer." Brain cancer?
"That time, nung nalaman namin...kumakalat na sa katawan nito ang disease na yun. He took medicines, kaso wala nang magagawa ang mga gamot na yun. Pinapabagal lang nila ang pagkalat ng disease sa katawan nito." Hinawakan ni Tita ang dalawang kamay ko.
STAI LEGGENDO
The Unseen Superstar (Jikook)
FanfictionSometimes people can't just let go of something really important... even if it needs to.