Journey 15//

10 0 0
                                    

Journey 15//


Tahimik lang akong nakatago sa isang cottage malapit sa dagat. Nandito ako sa resort kung saan naganap ang isang importanteng pangyayari sa buhay ko, dito sa resort kung saan naganap ang kanyang marriage proposal.


Tahimik akong umiiyak habang nakatanaw sa mga bisita ni Jungkook. Ang kanyang mga bisita para sa kanyang 3rd Death Anniversary. Mag-gagabi na pero hindi pa rin nauubos ang mga dumadalaw dito. Mga tagahanga, kaibigan at mga ibang kamag-anak. Maaga akong pumunta dito sa resort, pero hindi ko nakita ang mga magulang ni Jungkook. Sa pagkakaalam ko ay nag-migrate na sila Tita Minji at Tito Minjun sa ibang bansa, katulad ko, para magmove on. Nakita ko rin ang pagdating nina mama kasama ng ibang pinsan ni Jungkook, pero hindi ako nagpakita sa mga ito. Hindi pa ako handa. Tatlong taon na pero hindi ko pa kayang harapin ang sinuman sakanila. Sa tuwing nakikita ko kasi sila ay naaalala ko ang mga paghihirap ni Jungkook.


Tumingin ako sa wristwatch ko, mag-sisix na. Ilang sandali na lang ay aalis na ang lahat ng tao. Kinausap ko kasi ng palihim ang may-ari ng resort na iyon para isara na ang gate kapag nag-six pm na. Naintindihan naman niya ako kaya pumayag ito. Dito kasi sa dagat na ito ibinuhos ang mga abo nito pagkatapos ma-cremate.


"Jungkook ko, naiinip ka na ba? Ilang sandali na lang ay magkakasama na rin tayo." Muli kong hinawakan ang isang daliri ko kung nasaan nakasuot ang engagement ring na ibinigay sa akin ni Jungkook.


Nakita kong nagsi-alisan ang mga tao. Bigla ding may kumatok sa cottage na kinaroroonan ko. Ito na 'yon.


"JK...magkakasama na ulit tayo."


"Mr. Jimin, wala na pong tao. Isinara na din ang resort, pwede na po kayong lumabas." Boses iyon ng tagapamahala ng resort na iyon. Agad ko din namang binuksan ang pintuan. Lumakad na ako palapit sa dagat pagkatapos kong magpasalamat dito.


Punong-puno ng bulaklak sa dalampasigan. Ngumiti ako ng tipid. "Jungkook, madami ka pa ring fans. Iba talaga kapag pogi." Tumawa ako sa sarili kong joke. Pero nang marealized ko kung bakit ako naroon ay bigla na lamang ako napaiyak.


"J-Jungkook...bakit ganon? Tatlong taon na, pero masakit pa rin. Ayaw mo ba akong pakawalan?  Gusto mo na bang magsama tayo ulit? Huwag kang mag-alala...ilang sandali na lang ay magkakasama na ulit tayo."


Lumuhod ako sa may buhangin at hinayaan kong mabasa ako ng mga dumarating na alon.


"Jungkook, ang unfair talaga ng mundo 'no? Ang ibang taong namamatayan ng minamahal ay may naiiwan na isang batang pagtutuunan nito ng pansin. Pero bakit ako...naiwan akong mag-isa? B-bakit mo ba ako hindi binigyan ng anak?" Natawa ako, ni minsan kasi ay walang nangyayari sa amin ni Jungkook, umaapaw ang ibinigay nitong respeto sa akin noon.


"S-sana kung may anak tayo, magkakaroon ka ng junior. Magiging kamukha mo siya, parehas kayong sobrang gwapo." I faked a smile.


"J-Jungkook...sobrang lungkot ko. Wala akong makasama. Kahit gustung-gusto kong umuwi kina papa...pero hindi ko magawa. Sa tuwing makikita ko sila ay lalo akong nasasaktan at alam kong lalo din silang nasasaktan."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Unseen Superstar (Jikook)Where stories live. Discover now