Journey 10//

2 0 0
                                    

Journey 10//


After two years...

    

    Sa two years maraming nangyari. Isa na dun ang instant na pagsikat ko. Sino mag-aakala na yung inu-upload kong video for Jungkook ay naging super hit sa Youtube. That same year, nagulat na lang ako nang biglang lumitaw sa TV. Kaya nung binuksan ko yung Youtube account ko nun ay mas nagulat ako sa bilang ng naging views ng video na iyon. Nalaman ni Jungkook iyon kaya in-encourage niya akong mag-upload pa ng videos. Kaya after two years, binansagan na akong "The Unseen Superstar" Unseen dahil sa hindi ko pinapakita sa video na ang mukha ko habang kumakanta, hindi din litaw yung face ko dun sa first video na i-upload ko for Jungkook noon.

    Kay Jungkook ko lang sinabi ang about dito sa pagiging 'superstar' ko.  Pero alam ko na alam din ng parents ko kahit na hindi ko pa sinasabi sakanila. They're my parents and they know everything about me kahit na they are not really my biological parents.

    Si Jungkook naman ay mas lalong sumisikat. Pero hindi pa naman talaga siya pumapasok ng showbiz. Naiimbitahan siya sa mga TV Shows pero hanggang doon lang yun.  Ang sabi kasi niya, sabay daw kaming papasok ng showbiz. Sabay kaming pipirma ng contract.

    Honestly, I'm loving my life more. Masaya ako dahil sa achievements ni Jungkook. At syempre, masaya ako dahil sa nangyayari sa akin. Hindi ko inakala na ganito kadali ang proseso sa pangarap ko. Parang ang bilis ko. Kaya nasabi kong 'instant' ang pagsikat ko. Dahil malapit nang matupad ang isa kong dream...konting panahon na lang at matutupad na din ang isa pa. I promised to myself na kapag ready na akong ipaalam sa madla na ako si "Jimin"--Jimin, kasi ang naisip ko screen name, ewan ko ba, pero gustung-gusto ko sa name na Jimin--ay pupuntahan ko ang iba't ibang orphanage para kumanta sa mga bata.


[Ms. Jimin, nakapagdecide na ba kayo para sa title ng magiging first album niyo?]

                                                                                                     From: Yana Romero


Yana Romero is the producer of my first album. Tinutulungan ako ni Jungkook na mag-record para dun. Habang kumakanta ako sya naman ang nag-aayos sa recording and sound system. Nagiging bonding na rin namin yun. Sobrang busy kasi ni Jungkook kaya minsan na lang kami mag-bonding. Sa three years na relasyon namin, mas naiintindihan ko ang trabaho niya...mas naiintindihan ko siya. Alam ko kasi na isang araw, magiging busy na rin ako, buti nga ngayon pa-upload upload lang ako sa Youtube. Pero syempre, nagtatrabaho ako. May maliit akong store na all about music, para di naman masayang yung pinag-aralan ko.

I browsed for more messages. Puro fan-mails ang invitation sa kung saang TV Shows na lagi ko din namang tinatanggihan. Hindi ko rin sana tatanggapin ang offer ni Ms. Yana Romero kaso ang sabi ni Jungkook, subukan ko daw. Kaya sinubukan ko, at hanggang ngayon wala pa naman akong pinagsisisihan, masaya naman kasi. Lalo na kung hobby mo talaga ang pagkanta. Si Jungkook lagi ang nag-eencourage sa akin sa mga bagay na ganun kaya mas naiinspire ako. Napangiti ako bigla, mukhang alam ko na kung anong title ng first album ko.

   Kung iisipin na mas maganda ang career ko kung tatanggapin ko yung mga invitations nila. Kaso ayaw ko pa. I'm afraid, dahil sa alam naman natin na magulo talaga ang buhay showbiz. Pero alam kong ilang araw na lang...sabay naming papasukin ang showbiz.

**

Bago ako bumaba ng kwarto, tumingin muna ako sa salamin. Birthday party kasi ngayon ni Jungkook. Private iyon kaya mga close friends and relatives lang ang invited. Ngayon din kasi namin balak sabihin na ako si Unseen Superstar.

The Unseen Superstar (Jikook)Where stories live. Discover now