( playing the song "You'll be safe here by Adie" )
Chenn's P.O.V
Nagulat ako dahil maraming lalaking nakagray na tuxedo. Para silang mga bodyguard. Napalibotan nila ako. Ano ba ang nangyayari? Nalilito talaga ako kung bakit nandoon ang mga taong iyon. Nakaramdam ako ng kaba at takot. Sino ang mga taong 'to?
"Bitiwan niyo ko,ano ba!" pagpupumiglas ng customer
Hindi parin ako makaimik sa nakakaharap ko ngayon. Para bang hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.
" Pakiusap, makakaalis na po kayo. Kami na ang bahala sa taong ito." sabi nito na may paggalang at yumuko pa ito
Nagbalik na ang aking katinuan. " Teka, ano po kasi, kailangan niya po munang magbayad sa inorder niya. Kaano-ano niyo po ba siya?" tanong ko na medyo may takot narin
May kinuha ito sa bulsa. Malaking halaga ng pera ang inabot nito sa'kin. Maraming blue bills ang binigay niya. Isang yellow bill lang naman kailangan ko eh.
" Ay Sir, ito lang po ang kailangan ko. May sukli ka pa po." sabi ko na niniyerbos na nakangiti at kinuha ang isang blue bill
Inabot ko sa kanya ang sukli pero tinanggihan niya.
"Wag na po. Sa'yo na iyan. Malaki po ang atraso namin dahil natakot namin kayo. Pasensiya na." sabi nito at yumuko ulit
Nasa ibang universe ba'ko? Bakit parang kakaiba ang mga taong 'to? Ano ba yan! Ba't ibang nararamdaman ko.
" Sige po kung ganun,mauuna na po ako at tsaka, kayo na po ang bahala sa kanya. Sige po salamat." natatarantang paalam ko at napatingin ako sa customer na halatang natatakot na rin
" Hoy, saan ka pupunta? Hindi ko kilala ang mga taong 'to? Hoy!" natatakot na sabi ng customer
Dali-dali akong sumakay sa motorbike para makaalis na sa lugar na 'yon. Kumakabog ang dibdib ko nang dahil sa takot.Paano kung mga mamamatay tao ang mga iyon? Paano kung sundan nila ako?
Ano na ang gagawin ko! Binilisan ko ang takbo ng motorbike hanggang sa nakalayo na ako dun kaya nagdahan-dahan na ako sa pagmamaneho nang makita kong nakaratay na sa daan ang lalaking nakasalubong ko kanina. Nilagpasan ko na ito ngunit naalala ko ang sinabi ni Mama. Tulungan mo ang taong nangangailangan ng tulong. Mahirap man o mayaman, ipakita mo ang pagmamahal mo sa lahat kahit sa pinakamaliit na bagay na magagawa mo para sa kapwa. At iyon ang kabutihan na taglay ka.
"Hay! Ano ba yan!" bulalas ko na lang
Napatigil ako at pinuntahan ang lalaki.
" Sa itsura niya, may dinadamdam siyang sakit. Mahina ang pulse rate niya at malamig ang pawis niya." sabi ko habang chinecheck ang pulso niya at nang makita ko na may malaking marka na hugis parang buwan sa hinlalaki nito ay naalala ko ang batang nakilala ko 13 years ago.
BINABASA MO ANG
I WON'T GIVE UP
General FictionNaranasan ni Daniel David ang buhay ng isang schizophrenic patient at may PTSD. Hindi madali iyon sa kanya. Gusto na niyang sumuko. Ngunit, sa kagustuhang maging normal, makikilala niya si Chenn Villaflor, ang babaeng may malaking parte ng kanyang n...
