Narrator's P.O.V
(13 years ago, isang buwan na ang nakalipas simula ng nangyaring aksidente)
Tuluyan nang kumalas sa grupo si Julius Rin dahil iyon ang gusto ng kanyang kapatid. Ito ang huling hiling ng kapatid sa sulat nito na kanyang natanggap sa attending nurse ngunit hindi niya mapigilan ang maghiganti kay Vince. Kahit masama ang paghihiganti pero iyon lang ang gusto niyang gawin ngayon.
Pinayagan siyang makaalis sa grupo ngunit may kondisyon. Hindi niya pwedeng sabihin ang katotohanan sa pagkamatay ni Reina David. Dahil kung gagawin niya iyon, ang buhay niya ang magiging kapalit.
" Hindi mo ba paghihigantihan ang kapatid mo, Julius?" tanong ng boss niya, papaalis na siya sa hideout ng grupo nang bigla siyang tinanong nito
Hinarap niya ito kahit naiinis pa. Ayaw na niyang may koneksiyon sa mga taong totoong pumatay sa kapatid niya.
" Maghihiganti ako sa paraang gusto ko. Hindi ko na kailangan ng pera niyo, gusto kong gantihan si Vince gaya ng ginawa niya sa kapatid ko kaya wala na akong rason para manatili sa grupong 'to." sabi niya
"Ano ba ang pinagkaiba natin ha Julius? Pareho lang ang taong gagantihan natin yun ay si Vince David." sabi nito na kinukumbinsi siya
"May kasalanan din kayo sakin ha alam mo ba?! Ginamit niyo ang kapatid ko para sa paghihiganti niyo!! Ano ba ang ginawa ko sa inyo? Dahil ba kinampihan ko ang pamilya niya?! Sana ako na lang ang pinatay niyo, hindi ang inosente kong kapatid! Gusto ko kayong patayin isa-isa. Gusto ko kayong patayin lahat!!!" nagagalit na sabi niya at kwenilyohan niya ang boss niya
"Sige patayin mo kaming lahat! " sabi ng boss niya at inalis nito ang kamay niya sa pagkakahawak sa kwelyo nito
Binigyan siya ng baril nito.
"Sige, gawin mo na. Gusto mo kaming patayin diba? Gawin mo na ngayon." sabi nito
Itinapon niya ang baril. Sinuntok niya ang boss niya. Nanggigil siya rito.
"Wag mo na akong guluhin. Kasalanan ko rin kung bakit namatay ang kapatid ko dahil sumama ako sa grupong 'to. Gusto ko kayong patayin pero kahit mawala na kayo hindi niyo na maibabalik ang buhay ng kapatid ko. Ang buhay ng kapatid ko ang bayad sa pagsali sa grupong ito. Kaya, tigilan niyo na ang buhay ko. Tapos na ako rito!" sabi niya na nakasigaw
Akala ni Julius ay tuluyan na siyang nakaalis pero mananatili parin siya sa grupo. Sisiguraduhin ng boss niya na hindi mawawala ang koneksiyon niya sa grupo. Inutusan ng boss ang mga tauhan na palaging bantayan ang mga kilos ni Julius kahit tiwalag na ito. Parte parin siya ng grupo at hindi mapuputol iyon.
Nakaalis na nga si Julius Rin sa hideout ng grupo. Biglang nagring ang phone niya.
"Nasa'n ka na Julius?" tanong ni Vince David sa kabilang linya
"May pinuntahan lang po ako sa probinsiya namin." pagsisinungaling niya
"May lead na kung nasaan si Daniel, ikaw na ang sumama sa rescue team. Alam mo na ang gagawin mo." tugon nito
Paalis ng bansa si Vince David. Hindi na ito makakasama sa pagrescue nila sa bata. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang turing ni Vince sa mismong anak nito. Bukas ang punta nila sa San Pablo, Isabela. May lead na kinupkop ng maglola ang batang si Daniel malapit sa paanan ng bundok.
***
Alas sais ng gabi, masayang naglalaro si Daniel kasama ang batang babaeng nagngangalang Chenn. Napahiga sila sa damuhan. Masaya nilang tinitigan ang mga bituin at ang liwanag ng buwan ay nagbibigay ng liwanag sa buong lugar. Nalaman ni Chenn na aalis na si Daniel sa bayan. Alam niya rin na ang batang lalaking ito ay hindi tagarito.
BINABASA MO ANG
I WON'T GIVE UP
Fiksi UmumNaranasan ni Daniel David ang buhay ng isang schizophrenic patient at may PTSD. Hindi madali iyon sa kanya. Gusto na niyang sumuko. Ngunit, sa kagustuhang maging normal, makikilala niya si Chenn Villaflor, ang babaeng may malaking parte ng kanyang n...
