Minsan sa pagsisinungaling lang tayo nakakahanap ng tulong ngunit hindi ito tama dahil nakakasira ito ng tiwala.
Kahit mabuti ang ating layunin sa pagsisinungaling, hindi ito rason upang gamitin ito para sa ating pansariling interes. Ang kasinungalingan ay kalaban ng tiwala at katotohanan.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Daniel's P.O.V
Wala akong ideya kung nasaan ako ngayon. Nagising na lang ako na may karayom na nakatusok sa aking kanang kamay. Naaamoy ko ang bango ng mga rosas sa loob ng maputing kwarto.
Mabigat na mabigat ang aking pakiramdam. Gusto kong bumangon ngunit hindi ko magawa. Naniningkit parin ang aking mga tingin dahil sa liwanag ng ilaw. Narinig kong may nagsasalita't sinambit ang aking ngalan. Lumapit ang kanyang mukha patungo sa'kin upang usisain kung ano na ang nangyari sa pakiramdam ko.
"Okay, tapos na." nakangising sabi ng isang student nurse
Nakita ko ang kanyang PIN name. Nakasulat dito na isa siyang student nurse at Celeste ang kanyang pangalan.
"N-Nasa ospital ba ako? " mahinang tanong ko rito
Dumako kaagad ang kanyang tingin sa akin at nagulat ng bahagya.
"Gising na ang patient. Gising na!" natatarantang sabi nito't dali-daling lumabas
Sa tingin ko,nakita ko na siya dati. Di ko lang alam kung saan.
Nilibot ko ang aking paningin at wala man lang nagbabantay sa akin. Mag-isa lang ba ako rito?
Ginalaw ko ang aking mga siko upang makabangon ngunit bumabagsak lang ang aking katawan.
Napatigil ako sa kakagalaw nang pumasok si Doctor Gil.
Nakangisi siya't bakas sa kanyang mukha ang saya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kanang balikat.
"Wag ka munang gumalaw masyado. Mahina pa ang katawan mo. Magpahinga ka muna." Bakas sa boses ni Doc Gil ang pag-aalala.
"Doc, bakit ako nandito? Hindi ko na maalala ang mga nangyari sa akin,eh. Bakit nanghihina ang aking katawan? Ano po ba ang aking ginawa kaya nagkakaganito ako? Doc, di ko na talaga maalala." nag-aalalang tanong ko sa aking personal na doktor
Tumingin ako sa kanya na may pagsusumamo na sagutin ang aking mga katanungan.
Ngumiti lang si Doc Gil at ramdam kong pinapagaan niya ang aking loob.
"Don't worry, Daniel. There's a right time to answer all of your questions, but for now, magpahinga ka muna. We have talk therapy next week, by then you will know what happened to you.Kailangan mo munang ihanda ang iyong sarili, sa ngayon, hindi pa ito ang tamang panahon. Naiintindihan mo ba ako?"
Tama ang sinabi ni Doc. Kailangan ko munang ihanda ang aking sarili sa mga sagot ng mga tinatanong ko kanina.
Tumango lang ako sa sinabi niya.
May hinahanap ang aking mga mata ngunit di ko alam kung ano iyon. Parang may parte sa aking alaala na may kasama akong isang babae. Napahawak ako sa aking batok dahil masakit.
![](https://img.wattpad.com/cover/321597296-288-k782378.jpg)
BINABASA MO ANG
I WON'T GIVE UP
Ficción GeneralNaranasan ni Daniel David ang buhay ng isang schizophrenic patient at may PTSD. Hindi madali iyon sa kanya. Gusto na niyang sumuko. Ngunit, sa kagustuhang maging normal, makikilala niya si Chenn Villaflor, ang babaeng may malaking parte ng kanyang n...