( Sa Part 3 ng story na'to, alamin natin ang simula kung ba't nagkaroon ng sakit si Daniel at ang kwento ng buhay ng mga taong nakakasama niya)
Narrator's P.O.V
13 years ago....
Nakita ng batang Daniel ang pag-aaway ng kanyang mga magulang. Gabi-gabi ganito na lang eksenang naaabotan niya habang nakasilip sa pinto ng kwarto ng mga magulang.
" 'Wag mong subukang magtaksil sa'kin ! At hindi mo magugustuhan kung ano ang magagawa ko sa'yo kaya tandaan mo 'yan!" nanginginig sa galit ang boses ng Dad niya
Nakakaawa ang itsura ng kanyang ina dahil malakas itong sinampal ng ama. Hawak nito ang pisnging nasampal at humihikbi.
Nasaisip niya, kung mahal pa ba ng mga magulang ang isa't-isa. Naaawa siya sa ina at gusto niya itong ipagtanggol ngunit ano ba ang magagawa ng isang batang katulad niya? Nakita niyang paalis ang kanyang ama kaya mabilis siyang nakaalis sa kinatatayuan at nagtago. Nang sinigurado niyang nakaalis na ang kanyang ama ay pinuntahan niya kaagad ang inang nakaupo lang sa sahig habang umiiyak.
Gustong sumabog ang puso niya sa nakitang pananakit ng ama. Hindi niya alam kung ba't nanginginig siya sa galit para sa ama at matinding awa para sa inang umiiyak.
Mabigat ang pakiramdam niyang tinitigan ang ina. Mabait at masiyahin ang kanyang ina ngunit nawawala ang mga katangiang ito kapag inaabuso ng kanyang ama. Ni minsan hindi niya nakitang sumaya at ngumiti ang ina sa harap nito.
" Mommy,h'wag na po kayong umiyak." sabi niya habang tinititigan ang luhaang ina na nakayuko ang ulo
Naiiyak na rin siya at niyakap ang inang nahihirapan.
Naramdaman ng kanyang ina ang panginginig ng katawan niya. Nakita din nito ang takot at galit sa mga mata niya.
" Huwag kang magalit sa kanya, okay?" Lasing lang ang Daddy mo. At saka, hindi naman siya naging ganyan sa'yo 'di ba? Isa siyang mabuting ama sa iyo. 'Wag mong kamuhian ang iyong ama, Daniel." anito na nakangiti habang siya'y pinapakalma.
"Opo, Mommy."
Dahil sa mga salitang iyon galing sa ina, nawala ang panginginig niya.
"Alam kong natatakot ka, anak. Hindi mo kailangang maranasan 'to kaya patawarin mo si Mommy." niyakap siya nito habang hinahaplos ang likuran niya
Naramdaman niya ang konting paghikbi ng ina kung kaya't niyakap niya ito ng mahigpit.
****
May schooltrip na gagawin ang school ni Daniel at gaganapin iyon sa Isabela. Ikinuwento ng Mommy niya na doon nakilala nito ang kanyang ama. Kaya,gusto niya makita ang lugar na pinanggagalingan ng mga magulang bukod sa school trip.
" Please Mom, sumali na tayo. " pagmamakaawa niya
Nasa loob sila ng kotse at patungo sila sa company ng Dad niya.
" Your Dad won't allow us to join, Daniel. Mas mabuting wag muna tayong sumama kasi delikado lalong-lalo na may nagbanta sa kanya nung isang linggo." saad nito habang pinaparada ang kotse, kararating lang nila
"Then, wag na nating sabihin sa kanya. Hindi naman siya sasama sa'tin, eh." nakasimangot na tugon niya
" I know you can't understand what's happening but please, sumunod na lang tayo sa Daddy mo ha?" nakangiting sabi nito sabay haplos ng buhok niya at tinanggal ang seatbelt
Bata pa si Daniel ni hindi man lang niya maintindihan kung ano ang nangyayari. Ano bang alam ng isang batang gusto lang maging masaya na makasama ang mga magulang. Para sa kanya, napakaganda ng mundo, walang pagbabanta. Kahit nararanasan niya ang sakit sa loob ng tahanan,hindi niya naiisip kung ano talaga ang realidad sa buhay ng isang tao.
BINABASA MO ANG
I WON'T GIVE UP
Fiksi UmumNaranasan ni Daniel David ang buhay ng isang schizophrenic patient at may PTSD. Hindi madali iyon sa kanya. Gusto na niyang sumuko. Ngunit, sa kagustuhang maging normal, makikilala niya si Chenn Villaflor, ang babaeng may malaking parte ng kanyang n...
