"Kung minsan, kailangan nating baguhin ang nakasanayan na. Dahil baka sakaling doon makikita ang katotohanang matagal nang nakatago."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Chenn's P.O.V
Patungo ako sa comfort room nang makita ko si DANIEL! Oo, siya nga! Di na niya ako napansin nang dumaan siya sa harapan ko. Hindi ko alam ngunit nasasaktan ang puso ko nang makita ko siya. Para bang sinasaksak ang puso ko ng kutsilyo dahil wala akong ginawa para magpakilala sa kanya. Sino ba naman ako para maging kaibigan niya?
Ayaw ko na sanang sundan siya at hayaan na lamang sa kung ano ang gagawin niya kaya lang hindi na kaya ng konsensiya ko na balewalain ang taong naging mahalaga na rin sa puso ko.
Tahimik ko siyang sinundan. Napahinto siya sa isang elevator na may nakapaskil na "UNDER MAINTENANCE" pa ito. Nabahala ako baka iniisip niyang umaandar ito kaya pinigilan ko siya sa gagawin niya.
"Sira ang elevator na 'yan. Di mo ba nakikita?" tanong ko sa kanya habang siya'y panay ang pindot ng button ng elevator
Napatigil naman siya.
"Ah..Ahmm, di ko napansin. Akala ko kasi may tao eh." napapayukong sabi niya't napasulyap sa akin
Tumalikod ako nang mapansin kong titingin na siya sa akin. Ayaw kong magpakita sa kanya. Paalis na ako nang siya ay nagpasalamat sa akin. Ang lakas ng kabog ng puso ko kaya napahinto ako. Ilang segundo rin bago ako tumango bilang tugon sa sinabi niya saka lumakad na.
"Teka!" pigil niya sa akin
Wala talaga akong balak na harapin siya kaya lang gusto ko siyang makita kahit segundo lang. Alam ko namang di niya ako makikilala dahil maikli lang ang panahon nang pagkikita namin kaya may posibilidad na hindi niya na ako maalala pa. Ayos lang sa akin na hindi niya ako makilala, ang mahalaga sa akin ay makita kong maayos na ang kalagayan niya.
Napatitig siya sa akin at ganoon rin ako sa kanya. Ang mga mata niya biglang nantutunaw ng puso. Napansin kong napahawak siya sa kanyang dibdib at nalilito.
"May masakit ba sa'yo?" nag-aalala akong baka may nararamdaman na naman siyang kakaiba
Umiling siya ngunit hindi pa rin niya pinapakawala ang kanyang mga mata sa akin.
"Sino ka?" tanong niya sa akin
Napaiwas ako ng tingin nang tanungin niya iyon. Hindi ko inasahang magtatanong siya ng ganoon sa akin. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba ang tanong niya.
"Sino ka ba? Pakiramdam ko kilala ka ng puso ko." prankang saad niya
Di ko pinahalata na ako'y nagulat sa sinabi niya bagkus ay ngumiti lang ako sa kanya at tumingin sa mga mata niyang naghahanap ng kasagutan. Wala na akong nasabi kundi ito lang.
BINABASA MO ANG
I WON'T GIVE UP
General FictionNaranasan ni Daniel David ang buhay ng isang schizophrenic patient at may PTSD. Hindi madali iyon sa kanya. Gusto na niyang sumuko. Ngunit, sa kagustuhang maging normal, makikilala niya si Chenn Villaflor, ang babaeng may malaking parte ng kanyang n...
