"Pangarap ko'y makita kang naglalaro sa buwan..."
( playing the song " Himala" cover by zsaris )
Daniel's P.O.V
Napanaginipan ko na naman ang batang iyon. Naglalaro kami sa liwanag ng buwan tuwing alas sais ng gabi.
"Sana'y magkita tayo balang araw kapag nakaalis ka na dito." sabi ng batang babae
"Pangako 'yan. Nakalimutan ko man ang pangalan ko, hinding-hindi kita makakalimutan." mahinahong sabi ko
"Pangako?" sabi ng batang babae at nagpinky promise kami.
Tuwing gabi ganoon na lang palagi ang napapanaginipan ko. Sa totoo lang hindi naman masama ang panaginip ko, ang masama lang ay sa tuwing nagigising ako nakakaramdam ako ng sakit sa dibdib. Naninikip ang puso ko. Napahawak na lang ako sa dibdib at parang hindi makahinga. Napabangon ako sa pagkakahiga.
Biglang may pumasok sa'king kwarto. Si Mr. Rin, ang assistant ni Daddy.
"Sir Daniel, napanaginipan mo na naman ba ang batang yun?" tanong nito.
Palagi kong kasama si Mr. Rin sa lahat lalong-lalo na sa mga treatment ko kaya alam niya ang mga panaginip ko.
"Lumalala na ba ang sakit ko?" tanong ko.
Labintatlong taon na akong nakakaranas ng ganito. Nadiagnosed ako na may schizophrenia at PTSD when I was 10 years old. Nagdevelop rin ako ng schizoid personality disorder.
"Ngayon po ang treatment niyo, Sir Daniel." sagot ni Mr. Rin.
"Ngayon yun?"
Nakalimutan kong ngayon pala yon. Dahil sa mga treatment at medication, nagiging normal na rin ang buhay ko kaya lang nagkakaepisode ako sa tuwing natitrigger ako ng anxiety at stress lalong-lalo na sa mga panaginip at alaala ko sa nakaraan.
May mga memories akong hindi ko na maalala pa at hindi ko alam kung yung mga panaginip ko bahagi ba iyon ng nakaraan.
"Kailangan niyo na pong maghanda." tugon niya
Bumalik ako sa pagkakahiga. Napapagod na rin ako sa sarili ko. Parang gusto ko nang sumuko. Paano ba ako mabubuhay ng walang treatment at gamot? Hanggang kailan ko 'to gagawin?
Nang idilat ko ang aking mga mata ay may isang batang babae na nakaupo sa kama.Matamis ang ngiti niya sabay na lumiliwanag ang mukha nito. Napabangon ako bigla at nanlaki ang mata ko.
"Oyy! Nandito siya, Mr. Rin, yung batang babae. Nakangiti siya sa'kin." gulat na sabi ko sabay turo
Walang reaksiyon si Mr. Rin kundi may sinabi lang siya na talagang nagpapatunay na lalong lumala ang kondisyon ko.
"Pasensiya na Sir, kailangan na po nating pumunta."
Patungo kami sa psychiatrist na si Mr. Buenavilla. Siya ang pinakamagaling na doktor na galing pa sa America. Pagpasok namin ay nakita kong seryoso ang mukha ni Dr. Buenavilla.
Nang makaupo na kami parang kumalma ang mukha niya. Pakiramdam ko hindi 'to maganda. Naalala ko ganito din ang reaksiyon niya nang tumakas ako at hindi nakauwi ng isang araw sa bahay.
" Iniinom mo ba ang mga gamot na binibigay ko sa'yo Mr. David?" diretsahan niyang tanong.
Ni hindi man lang bumati sa'kin. Hay, ano ba yan! Nakakatakot ang tingin niya.
BINABASA MO ANG
I WON'T GIVE UP
BeletrieNaranasan ni Daniel David ang buhay ng isang schizophrenic patient at may PTSD. Hindi madali iyon sa kanya. Gusto na niyang sumuko. Ngunit, sa kagustuhang maging normal, makikilala niya si Chenn Villaflor, ang babaeng may malaking parte ng kanyang n...