Sa araw ng kamatayan, may mga luhang di tumatahan sapagkat ang lungkot at pagtangis ng mga damdamin ay hindi maikubli.
Gaya ng isang kandila, kapag ang ilaw ay pinatay saka lang hahaba ang buhay. Gayunpaman, ang buhay ng tao ay parang kandila , pumanaw man ito ngunit ang alaala niya'y nabubuhay pa.
Daniel's P.O.V
Tama nga ba ang sinabi ng iba na "Ang pinakamalungkot na bagay tungkol sa pagtataksil ay hindi ito nagmula sa iyong mga kaaway kundi sa taong iyong pinagkakatiwalaan?"
Ayaw kong maniwala sa aking nalaman! Ayaw ko!
Si Mr.Rin, siya lang ang tanging taong nagparamdam sa'kin na ako'y ligtas. Siya ang taong nagpoprotekta sa akin at itinuring ko na siyang ama. Binuwis ko ang aking buhay para mailigtas siya ngunit bakit nandito siya sa aking harapan na walang anumang bakas ng paghihirap at masaya pa sa nangyari sa'kin?
Mr.Rin, hindi pwede. Totoo ba 'to? O guni-guni ko lang 'to? Kung totoo man, bakit mo nagawa 'to, Mr.Rin? Bakit?
Ipinikit ko ang aking mata, nagbabakasakaling panaginip lang ito o hallucinations ko lamang ngunit nasasaktan ang aking puso. Hindi ko mapigilan ang maluha. Binuka ko ang aking mata upang makita ng harapan si Mr.Rin.
Ngumisi lang siya't napahawak sa balikat ng lalaki. Nagkatinginan ang mga ito sa isa't-isa.
" Nagulat ka ba, Daniel? " nakangising sabi ng lalaking ginto ang mga ngipin
Habang lumuluha, galit akong napatitig rito.
"Hindi siya si Mr.Rin. Nararamdaman ko. Kilala ko siya. Hindi niya magagawa 'to."
Ngumisi lamang ang lalaki at tinapik ang balikat ng lalaking kamukha ni Mr.Rin. Lumapit ito sa'kin at nagulat na lamang sa kanyang ginawa. Binigyan ako ng isang malakas na sampal ng pekeng si Mr.Rin.
Nagkatitigan kaming dalawa. Tiim-bagang tinignan ko siya ng masama.
"Kahit kailan hindi ako nagawang saktan ni Mr.Rin. Alam kong may kasalanan ang pamilya ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay. Oo, minamanipula niya ako pero hanggang doon na lang iyon. Akala niyo maloloko niyo ang isang tulad ko. Hindi! May sakit ako pero hindi ako tanga." matapang na sagot ko sa kanya
Napahalakhak ito ng malakas. Sa pagtawa pa lang niya, segurado akong hindi siya si Mr.Rin.
Napatigil siya sa pagtawa at sinampal ako ng malakas.
" Matalino ka." nakangising sabi nito at hinawakan niya ang aking pisngi gamit ang isa niyang kamay
Ngumisi ako.
BINABASA MO ANG
I WON'T GIVE UP
Художественная прозаNaranasan ni Daniel David ang buhay ng isang schizophrenic patient at may PTSD. Hindi madali iyon sa kanya. Gusto na niyang sumuko. Ngunit, sa kagustuhang maging normal, makikilala niya si Chenn Villaflor, ang babaeng may malaking parte ng kanyang n...