Ang Mga Oras Bago ang Death Anniversary

93 5 0
                                    

Daniel's P.O.V

Ano na bang mangyayari sa'min? Napatingin ako sa kamay ni Chenn.

May mangyayari na namang masama. Chenn, ba't mo pa hinawakan ang kamay ko?

Lumapit ang lalaking nakagray na tuxedo sa tinutukoy nitong Chief na inalalayan ako.

"Hindi ka masasaktan ng ganyan kapag ibinigay mo na ang gusto namin, Chief Lucas. Iyan kasi ang problema sa'yo, masyado kang pabilib." sabi nito kay Chief Lucas matapos itong nakatikim ng malakas na suntok galing sa lider ng nakamaskarang lalaki

Hindi nagpatinag si Chief Lucas sa suntok na iyon bagkus ay ngumisi pa ito.

"Alam kong gagawin mo'to sa'kin,Lyndon. Una pa lang, kakaiba na ang pakiramdam ko sa'yo. Matapang ka lang dahil may kasama't baril ka ngunit sa totoo, mahina ka." matapang na sabi ni Chief Lucas sa traydor na kasamahan

Nabitiwan ako ni Chief Lucas nang suntukin ulit siya ng malakas ni Lyndon na nainis sa sinabi niya.Hindi ko kinayang tignan iyon kaya napapikit ako.

"Chief Lucas, ayos ka lang?" pag-aalala ni Chenn na hawak-hawak parin ako

Ano bang magagawa ko? Isa lang akong lalaking mahina at masakitin. Pinilit kong dumilat at nakita kong binugbog si Chief Lucas ng mga lalaki.

Nakikita kong naiiyak na si Chenn.

"Tigilan niyo na 'yan. Ano ba! Itigil niyo na 'yan." sigaw ni Chenn habang umiiyak

Bumitiw ako kay Chenn at kahit natatakot ay humarang ako sa harapan ni Chief Lucas para matigil na ang pananakit nila. Hindi ko na kayang makita ang pambubugbog nila kay Chief Lucas.

"Tama na. Ako naman ang kailangan niyo di'ba?" mahina ngunit matapang na sabi ko sa kanila

Napatigil naman sila. Lumapit ang lider ng mga nakamaskara sa'kin.

" Madali naman kaming kausap,eh. Kaya lang, hindi lang ikaw ang isasama namin. Pati ang babaeng 'yan." sabay turo niya kay Chenn

"Wala siyang kinalaman sa problema ko. Ako ang gusto ng mga hostage taker di'ba? Ako lang ang kunin niyo!" pasigaw na sabi ko pagkatapos ay napahingal ako

Naramdaman kong nanginginig ang aking katawan. Biglang nag-iba ang mga anyo nila. Naging punong-kahoy sila isa-isa.

"Habulin mo ako!" may batang babaeng nakasilip sa puno, hindi malinaw ang mukha niya

Naningkit ang mga mata ko upang lubusan kong makita ang kanyang mukha ngunit bigo ako.

"Magtagu-taguan tayo. Ikaw ang taya!" sabi nito na nakangiti

Hindi ko siya sinagot. Tinignan ko ng mabuti ang paligid. Parang nasa isang gubat ako.

May isang binatilyong lalaki ang lumabas sa puno at hinawakan ang batang babae.

"Nandito lang pala kayo. Halikana, umuwi na tayo. Hinahanap ka na ni Lola."

Hindi ko alam kung ano ang sinasabi nila.

"Hindi ko kayo kilala, sino ba kayo? Hindi kayo totoo." sabi ko sabay iling

Unti-unting lumapit ang binatilyong lalaki at hinawakan ang kamay ko.

I WON'T GIVE UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon