Chenn's P.O.V
Nakita kong ininom ni James ang isa sa mga gamot na ibinigay sa'kin ni Prof. Hindi ako sigurado kung ano ang ininom niya dun sa dalawang bote ngunit alam kong may dinaramdam talaga siya.
" James? Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya at napalingon siya sa'kin
Napansin kong namumutla siya at kinakapos ng hininga. Malamlam ang kaniyang mga mata at medyo nangingitim na rin. Nanghihina na siya't biglang nahimatay.
"James!" napasigaw ako't agad nasalo siya
Magaan ang katawan niya. Ni halos parang papel na siya dahil sa gaan. Pinahiga ko siya sa kama at chineck ang pulso niya.
Tinignan ko rin ang vital signs niya. Hindi maganda ang pulso niya. Nanginginig parin ang mga kamay nito. Naramdam ko rin na malamig ang pawis niya sa katawan at pati narin sa mukha nito.
Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi ko naman sinasadya talaga na iwanan siya mag-isa.
Siguro kung isinama namin siya ay baka hindi lumala ang pakiramdam niya. May separation anxiety ba siya? Kumuha ako ng maaligamgam ng tubig at pampunas para mainitan ang katawan niyang nilalamig.
"Mommy...Mommy..please wag mo akong iwan. Please, wag kang mamatay." sabi ni James at nagsimula siyang umiyak
Napatitig lang ako sa kanya na may awa at lungkot. Napapansin ko na nahihirapan siya sa paghinga't napatigil ako nang bigla niyang hinawakan ang aking kamay.
" Natatakot ako. Natatakot ako." sabi niya at may luhang tumulo sa gilid ng mga mata niya
Kalahating-oras na rin ang nakalipas nang hinawakan niya ang aking kamay at napansin kong unti-unti naring humupa ang pakiramdam niya. Chineck ko ulit ang pulse niya at nagiging normal na ito. Maayos na rin ang breathing niya at nakatulog na rin siya nang walang panaginip.
Naalala ko bigla yung prinsipe na aking nakaencounter sa event. Napatigil ako sandali. Pinakiramdaman ko ulit yung time na iyon.
" Hindi kaya...hindi... nagkakamali ka lang, Chenn. Magkaiba sila. Ano bang iniisip mo?" tanong ko sa sarili at napatawa na lang
Oo nga naman. Hindi sila pareho at tsaka iba ang pangalan niya. D.D. At tsaka, hindi ko naman nakita ang buong mukha niya.
Nagulat ako nang napabangon bigla si James at nagtitigan lang kaming dalawa. Hawak pa niya ang kamay ko. Bigla niyang inalis ang kamay niya at napaayos siya ng upo. Naiilang siya kaya hindi siya tumingin sa'kin. Iniwasan niya ang mga tingin ko.
" Pasensiya ka na. Nadisturbo kita. " sabi niya na kayuko
" Nainom mo na ba ang gamot na kailangan mo?" tanong ko sa kanya
Tumango lang siya ngunit hindi parin siya tumitingin.
" Nakita mo ba ako kanina?" tanong niya at sa bintana nakadako ang mga tingin niya
Medyo maayos na ang itsura niya. Magandang lalaki naman si James eh. Kaya lang, hindi niya alam iyon. Feeling ko, hindi gaano ka taas ang self-confidence niya at self-awareness niya tungkol sa sarili niyang pagkatao at personalidad.
Hindi ko naman siya pipilitin na tignan din ako. Kung naiilang siya, hahayaan ko na lang na ganun ang reaksiyon niya.
"Kapag maayos na ang pakiramdam mo, sabihan mo lang ako't para matulungan na kitang makauwi sa inyo." sabi ko na lang sa kanya kaya lang ay pinigilan niya ako
" Pwede bang dito ka lang muna? Gusto ko talagang humingi ng tulong sa'yo. Ikaw lang talaga ang makakatulong sa'kin, Chenn." seryosong sabi niya at nakipageye contact siya sa'kin
![](https://img.wattpad.com/cover/321597296-288-k782378.jpg)
BINABASA MO ANG
I WON'T GIVE UP
Fiksi UmumNaranasan ni Daniel David ang buhay ng isang schizophrenic patient at may PTSD. Hindi madali iyon sa kanya. Gusto na niyang sumuko. Ngunit, sa kagustuhang maging normal, makikilala niya si Chenn Villaflor, ang babaeng may malaking parte ng kanyang n...