Daniel's P.O.V
Kailangan ko pa bang tanungin ang aking sarili kung ano ang mas matimbang sa'kin? Ang aking ina o si Mr.Rin?
Hindi ko alam na ganito kahirap ang mamili kung sino ang mas mahalaga sa'yo. Kung ang pagpili ko kay Mr.Rin ang magliligtas sa kanya, sigurado akong ito rin ang gusto ng aking ina.
Biglang may humawak sa kamay ko. Ang mga kamay na iyon. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata habang humahangos.
Nakita ko ang batang babae na nakangiti. Natatakot man ngunit hindi ko siyang magawang paalisin. Kailangan ko ng karamay, ng kaibigan. Wala siyang sinasabi. Tinitigan niya lang ako.
"Ilusyon lang kita. Hindi ka totoo." pangungumbinsi ko sa aking sarili na nagsisimula na namang maniwala na totoo siya
Napatingin ako sa pinto na bumukas, si Chenn. Binalik ko ang tingin sa bata ngunit nandoon parin siya.
Ngayon, nakita ko na may pagkakahawig nga silang dalawa.
" Alam kong hindi parin maayos ang lagay mo. Totoo ako, James." sabi niya nang hindi lumalapit sa'kin
Nakatayo lang siya malapit sa pintuan. Naramdaman ba niya na naghahallucinate ako? Bukod kay Doc Buenavilla, nakakaramdam rin siya sa mga taong katulad ko.
" May nakikita ka bang batang babae na nakaupo dito sa kama ko?" tanong ko sa kanya
Nakatingin lang ang batang babae sa akin. Umiling si Chenn at ngumiti siya.
" Hindi ka naman niya sasaktan diba? " tanong niya
Tumango ako. Kahit kailan, hindi naman ako nasasaktan kapag kasama ko ang batang babae na'to.
Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin. Hindi ko mapigilan ang titigan siya dahil magkahawig talaga sila ng batang babae. Inabot niya sakin ang kanyang kamay. Ilang segundo ko ring tinignan ang kamay niya bago ko ito tinanggap.
" Nandito lang ako, James. Totoong-totoo kami." Pagsesecure niya sa'kin
Dahil nakafocus ako sa kanya hindi ko na namalayan na biglang nawala ang batang babae sa tabi ko.
Nakatitig lang kami sa isa't-isa. Ang titig ng dalawang taong magkakaibigan na handang makiramay sa hirap ng isa't-isa.
Biglang kumabog ng malakas ang puso ko. Dalawang beses ko na itong naramdaman simula nang makilala ko si Chenn- ang babaeng handang hawakan ang aking kamay at palaging nagpapaalala na normal ako.
Ngumiti siya't dahan-dahan niyang inalis ang kanyang kamay. Pero nararamdaman ko na nandoon parin ang pag-aalala niya.
" Pasensiya na ulit. Palagi mo na lang pinapahawak ang kamay mo sa'kin." sabi ko na nahihiya
" Gusto pa sana ni Celesti na magsama tayong tatlo dun sa baba upang magmovie marathon kaso lang parang hindi ka pa maayos." sabi niya
7pm palang ng gabi. Mahilig din pala silang magbinge-watch ng mga pelikula. Ang hilig ko lang naman ay ang magbasa at maglaro ng chess kasama si Mr.Rin.
Napaisip ako ng ilang segundo. Kahit medyo nanginginig pa ang aking katawan ay nagdesisyon ako na sumali sa trip nila.
Ngumisi ako't inalis ko ang kumot sa aking katawan.
"Talaga bang sasamahan mo kami sa baba?" takang tanong niya
"Oo naman. Kahit naman dun, pwede na rin akong magpahinga." sabi ko
Ngumiwi ang mukha niya.
~~~
Tama nga ang sinabi ni Chenn, halos mapunit ang aking damit dahil sa kakahawak sa'kin ni Celesti. Sinapak pa naman ako. Akala ko pa naman ay makakapagpahinga ako pero nagkamali ya'ta ako. Sana natulog na lang ako sa kwarto. Kaya pala ngumiwi ang mukha ni Chenn dahil nananapak pala 'tong si Celesti kapag kasama mo sa panonood.

BINABASA MO ANG
I WON'T GIVE UP
Narrativa generaleNaranasan ni Daniel David ang buhay ng isang schizophrenic patient at may PTSD. Hindi madali iyon sa kanya. Gusto na niyang sumuko. Ngunit, sa kagustuhang maging normal, makikilala niya si Chenn Villaflor, ang babaeng may malaking parte ng kanyang n...