" Mahirap hanapin ang katotohanan lalong-lalo na kapag ito'y inilihim. Ngunit, ang katotohanan ay hindi ilag sa mga taong naghahanap nito."
~~~~~
Narrator's P.O.V
Gising na si Lucas Montier. Masayang binati ni Renz Mondragon ang personal guard.
" Mabuti't gising ka na." bakas sa mukha ni Renz ang saya at ginhawa dahil ligtas na ang binata
" Hindi ko po nagawa ang aking tungkulin. Sana'y mapatawad niyo ako." malungkot na sabi ng binata
Tinapik ni Renz ang kanang braso ng binata.
" Nagawa mo, Lucas. Ginawa mo lahat ng iyong makakaya na bantayan ang aking anak." pagaassure niya rito
" Gamit ang tracking device na pinasuot mo sa anak ko, natukoy namin kung nasan ang hostage area. Nakipagtulungan rin ang security team natin sa pamilya ng binatang kasama ng anak ko kaya ngayon ay ligtas na sila at maayos." dugtong niya rito upang makumbinsi niya ang binata na may nagawa itong maganda
Napabuntong-hininga ang binata at napangiti.
" Mabuti po at ligtas na sila." magaan na ang damdamin ng binata ng sabihin iyon
"Sa ngayon, magpagaling ka na muna. Si Javier na muna ang papalit sa'yo pansamantala. Ang mahalaga sa akin ngayon ay gumaling ka at bumalik ang lakas mo."
" Salamat po sa pag-aalala." magalang na sabi ng binata
"Bukas na bukas, malalaman na kung ano ang resulta ng test mo. Gagamitin natin yung lead para matukoy kung sino ang mastermind ng grupo nila.Sisiguraduhin ko na mananagot ang taong gustong manakit sa anak ko at sa nangyari sa'yo,Lucas. " seryosong sabi ni Renz
" Sa tingin ko po, hindi ordinaryong gamot ang itinurok sa akin ng lalaking iyon. Hindi ho kaya may nakakalasong kemikal at ilegal na droga ang ginamit nila para unti-unting patayin ang sistema ng katawan ng isang tao?" may ipinakitang gamot si Lucas, isang injection
"Pagkatapos po akong turokan ng gamot na iyan, biglang bumagsak ang aking katawan. Noong una ay akala ko'y nahihilo lang ako ngunit ilang oras ang lumipas parang nanghihina na ang aking katawan. Nagsusuka na rin ako ng dugo. Buti na lang, nailigtas ako ng maaga kaya buhay pa ako ngayon." dugtong ng binata
Kinuha ni Renz ang gamot at tinitigan ito. May sumagi sa isipan ni Renz. Di siya nagkakamali. Nakita na niya ang bagay na ito.
" Magaling ka talaga, Lucas. Naisipan mo pa talagang kunin ang bagay na ito kahit hirap ka na."
Tumango ang binata. Nang magising kasi siya ay ibinigay ng isang nurse ang mga kagamitan niya at mga damit. Nang kinapa niya ang slacks ay may nahawakan siyang isang injection na kung saan iyon ang gamot na itinurok sa kanya ng lalaki. Hindi siya nagdalawang-isip na kunin iyon nang ihulog lamang ito ng lalaki kaya malakas ang kanyang kutob na magagamit niya iyon upang matukoy kung sino ang salarin. At di nga siya nagkamali dahil may hinala siya na may nalalaman ang kanyang boss.
" Alam kong may makukuha tayong impormasyon kapag may iniwang ebidensiya ang kaaway. Kaya, ginawa ko iyon."
"Tama ang ginawa mo. Di na ako mahihirapan dahil alam ko na kung sino siya. Ang kailangan lang natin ay isang plano upang mabunyag ang mga kasamaan niya. At, isang matibay na ebidensiya upang mapakulong siya."
![](https://img.wattpad.com/cover/321597296-288-k782378.jpg)
BINABASA MO ANG
I WON'T GIVE UP
Ficção GeralNaranasan ni Daniel David ang buhay ng isang schizophrenic patient at may PTSD. Hindi madali iyon sa kanya. Gusto na niyang sumuko. Ngunit, sa kagustuhang maging normal, makikilala niya si Chenn Villaflor, ang babaeng may malaking parte ng kanyang n...