Flashback (13 year's ago)Naririnig ni Daniel ang bulong-bulongan ng kanyang mga kaklase. Sabi nila, baliw siya. Palaging nagsasalita kahit mag-isa lang. Ngunit para sa kanya, ang batang babae na nakilala niya sa gubat ay totoo.
Hindi na niya maalala kung ano ang pangalan nito. Ngunit segurado siya na ang batang kanyang kasa-kasama ngayon ay ang batang nakilala niya sa gubat.
" Hayaan mo na sila. Wala kasi silang kaibigan tulad ko."
Gumaan ang pakiramdam ni Daniel nang makita niya ang ngiti nito.Takot siya at palagi niyang naiisip ang aksidenteng nangyari.
Namatay ang kaniyang ina. At siya lang ang tanging nakaligtas sa nangyaring car accident.
" Natatakot ako sa kanila."
Nanginginig ang mga tinig ni Daniel. Sariwa pa sa isip niya ang nangyari. Kalalabas niya lang sa hospital. Ngunit, marami ng mga reporter ang gusto siyang kausapin tungkol sa nangyaring aksidente kaya iyan ang dahilan kung ba't iwas na iwas siya sa mga tao.
May biglang bumato sa kanya ng papel. Nagtawanan ang kanyang mga kaklase.
" Baliw ka! Ba't ka pa nandito?! Kasama mo ba ang imaginary friend mo?! Nakakatakot ka!" pangungutya nito sabay tawa
Nagalit ang batang babae na kasama niya at ibinato pabalik ang papel sa kanila.
" Hoy! Tigilan niyo na nga siya!"
" Tama na! Wag mo na silang patulan. Alis na tayo." pigil niya rito sabay harang nito
Kinuha niya ang kamay ng batang babae at pumunta sila school park.
" Ba't ka ba nila inaaway? Wala ka namang ginagawang masama sa kanila ah! Kaya pala malalakas ang loob ng mga batang iyon kasi hindi ka lumalaban." napipikong sabi nito at sumimangot ang mukha
Naupo na sila at sumilong sa malaking kahoy. Gusto lang naman ni Daniel na umiwas sa gulo at atensiyon ng mga tao sa paligid. Natatakot siya.
" Alam mo, natatakot ako. Ayaw ko sa kanila." naiiyak si Daniel
Nanginginig ang buong katawan niya. Hinawakan siya ng batang babae sa kamay.
"Nararamdaman kita." seryosong sabi nito at ngumiti
" Salamat. Sana 'wag mo akong iwan." sabi niya sabay higpit ng hawak ng kamay nito
Tumango lang ang batang babae.
Hindi alam ni Daniel na ang batang kasama niya ngayon ay isa sa kanyang mga hallucination. Wala siyang kamalay-malay na may sakit siya sa pag-iisip. Ang tawag sa sakit niya ay Schizophrenia.*see author's note*
End of Flashback
Daniel's P.O.V
Naalala ko bigla ang mga nangyari 13 year's ago. 10 years old pa ako noon nang mangyari ang car accident. May iba akong alaala sa nakaraan na ngayo'y nakakalimutan ko na. Pero sa pagkakataong ito, hindi na malabo ang mga alaala ko tungkol sa batang babae na nakakasama ko 13 years ago.
Akala ko panaginip lang iyon tungkol sa batang babae. Ngunit,bumalik lahat nang marinig ko ang salitang "nararamdaman kita" mula sa babaeng kasayaw ko. Sino ba siya?
Sabi sa akin ni Doc, ang batang nakikita ko at nakakasama ko 13 year's ago, ay isang hallucination lang. Pero bakit nang makita ko ang babaeng 'to, nakikita ko sa kanya yung bata?

BINABASA MO ANG
I WON'T GIVE UP
Fiksi UmumNaranasan ni Daniel David ang buhay ng isang schizophrenic patient at may PTSD. Hindi madali iyon sa kanya. Gusto na niyang sumuko. Ngunit, sa kagustuhang maging normal, makikilala niya si Chenn Villaflor, ang babaeng may malaking parte ng kanyang n...